Chapter Two

2K 73 0
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

Maaga akong nagising dahil aalis sila mommy at daddy ngayon upang personal na makita ang kalagayan ng buong sinasakupan namin.

Sa makalawa ay uuwi rin sila. Kaya naman ay ako lamang ang nag-iisa rito sa palasyo. Hindi namam ako mab-boring dahil meron ang mga maids at knights. Sa kanila na lamang ako makikipag-kwentuhan.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong nagpunta rito ang prinsipe ng Altherra Kingdom. Masyadong masakit magsalita ang prinsipe. I want him to be on my side pero hindi ko kakayanin ang matabil na dila niya.

Kasalukuyan akong nasa garden. Sinabihan ko ang personal maid at knight ko na dumistansya dahil gusto kong mapag-isa para makapag isip-isip na rin.

Pag-uwi nila mama ay sasabihin kong papasok na ako sa Academy. Miss ko na rin talaga ang pumasok. Boring kasi rito eh, wala akong ibang ginagawa kundi matulog, kumain, magbasa, tumambay rito sa garden at makipag-kwentuhan sa mga maids.

Iniisip ko nga kung ano ang mangyayari sa akin sa Academy. Alam kong maraming may ayaw sa akin doon at takot akong lapitan dahil sa mga pinaggagawa ko. I also need them on my side.

Hindi naman sila kasama sa mga paghihigantihan ko kaya hindi ko sila gagalawin. I just need them dahil wala akong laban sa kanila sakaling sugurin nila ako. I have no magic. Kaya sila ang gagamitin ko.

Gagamitin ko lang naman sila, pero hindi ko sila idadamay. Ayos naman na siguro iyon. Magpapakabait talaga ako sa harap nila. Tama, gano'n nga ang gagawin ko. But of course, I'll drag that bitch's name.

"Care to share what's on your mind my lady?" Muntik na akong mahulog dahil sa pangahas na nagsalita.

Sisigawan ko na sana ito ng makita ko kung sino ito. Nanlaki ang mata ko.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Magkahalong gulat at kaba na tanong ko rito. Anong ginagawa ng prinsipe rito sa garden namin?

"Hindi mo man lang ba ako babatiiin binibini?"

Why do he sound so sexy? Mariin na kinagat ko ang labi ko. Oh my gosh, lumalandi na naman ako eh. Xeiryz, alalahanin mong pinahiya ka niya sa harap ng magulang mo. Tama na ang landi.

"I'm sorry your highness. Greetings to the Prince of Altherra Kingdom" bati ko atsaka yumuko. Muling nagtama ang paningin namin. Agad na umiwas ako dahil ramdam ko ang pagi-init ng pisngi ko.

"Take a sit your highness. Ano pong gusto niyo? Magpapahanda ako ng makakain" umupo naman ito sa tabi ko.

"Hindi na kailangan" pigil nito sa akin. Marahan akong tumango atsaka muling umupo. Tahimik lang kami pareho. Sa totoo lang ay pinipigilan ko ang sarili ko na tumingin sa kanya. Baka isipin niya na may gusto ako sa kanya.

Ano nga ba ang ginagawa nito rito?

"Maaari ko po bang tanungin kung anong sadya rito kamahalan?"

Nanatili lang siyang nakatanaw sa mga naggagandahang mga halaman rito sa garden.

"Kung ang sadya niyo rito ay sila ama at ina bumalik na lang kayo sa susunod na araw dahil wala—"

"I came here for you"

Natigil ako sa pagsasalita. Nangunot ang noo ko.

"Pardon your highness?" Baka kasi mali lamang ako ng dinig diba? Mamaya mag assume pa ako.

"I said, I came here for you" lumingon ito sa akin at tinitigan ako. So hindi nga mali ang narinig ko.

"Ano naman po ang sadya niyo sa akin Mahal na prinsipe?" He just stared at me and then sighed.

No Longer A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon