Chapter Three

1.8K 65 11
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

Limang araw. Limang araw na akong naghihintay sa prinsipe rito sa hardin pero ni anino niya ay hindi ko makita.

Malungkot ako sa totoo lang. Umasa ako na papayag siya. Hayst, sana kasi hindi na lang ako umasa para hindi ako nasasaktan ngayon.

Tumayo na ako atsaka nilisan ang hardin. Dumeretso na lamang ako sa kwarto ko. Mabigat talaga ang loob ko, gusto kong makita ang prinsipe sa totoo lang.

Tahimik lamang akong nakahiga sa kwarto ko. Hindi na ako nakisalo pa ng tanghalian kila mommy at daddy. Wala rin naman akong ganang kumain.

Buong maghapon ay wala akong ibang ginawa kundi ang mahiga. Gabi na pero hindi ako dinadalaw ng antok. Napagpasyahan kong magpunta sa garden. Ewan ko ba pero tila ba mayroong nagsasabi sa akin na kailangan kong pumunta ng garden.

Kumuha lamang ako ng makapal na robe atsaka lumabas ng kwarto ko. Hindi pa pala ako kumakain, pero hindi na bali, hindi pa naman ako gutom.

Tahimik kong binaybay ang daan patungo sa garden. Napangiti ako ng makapasok sa garden. Sobrang ganda pala rito kapag gabi. Nagliliwanag ang mga bulaklak at may mga alitaptap sa paligid.

Kahit papaano ay nabawasan ang sama ng loob ko. Ang daming bituin ngayon at ang buwan ay sobrang maliwanag. Tanging ang hampas ng hangin at ang ingay ng paglipad ng mga alitaptap lamang ang aking naririnig.

I was busy admiring the scene. Ang sarap sa pakiramdam. Napalingon ako sa gawi ng mga halaman ng gumalaw ito. Nangunot ang noo ko.

Ramdam ko ang isang presensya. Hindi ako nakatakot, marahil ay kilala ko ito.

"Kung sino ka man ay magpakita ka" malumanay sa sambit ko. Nanatiling tahimik ang buong lugar. Sino naman kayang baliw ang pupunta rito ng dis oras ng gabi?

Napanguso na lang ako ng hindi ito lumabas. Tumalikod na ako at akmang hahakbang paalis ng may magsalita.

"Princess" mabilis na tumibok ang puso ko pagkarinig sa boses niya. Para bang may mga paru-paro sa tiyan ko. Mabilis na lumingon ako at tumambad sa akin ang ilang araw ko nang hinihintay.

"Prince Cross" I whispered. Kiming ngumiti ito. Dahil sa sayang naramdaman ko ay mabilis na humakbang ako palapit sa kanya at niyakap siya.

Masaya talaga ako sa oras na ito dahil nagpakita siya. Kung ganoon ay payag ba siya sa paanyaya ko?

Mukhang natigilan ito sa biglang pagyakap ko. Maging ako man ay nagulat rin, akmang hihiwalay na ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko at hinapit pa palapit sa kanya. Muli na namang nag-init ang pisngi ko.

Ilang minuto kaming magkayakap hanggang sa bumitaw na kami sa isa't-isa. Ngumiti ako sa kanya para itago ang kahihiyan.

"Gabi na, bakit naparito ka pa mahal na prinsipe?" Mahinang tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya sa bench. Sabay na naupo kaming dalawa.

"Ang sabi mo ay pumunta ako rito sa hardin kapag payag ako sa sinabi mo. Kaya naman ay nandito ako" sambit niya. Hindi ko na napigilan pa ang ngumiti.

"Matiyaga kitang inantay. Akala ko nga ay hindi ka payag. Inantay ko ang pagpunta mo rito" nagtatampong sabi ko. He looked at me with unknown expression.

"I'm sorry. I was just busy this past few days. Sinigurado kong tapos na lahat ng gawain ko para walang istorbo kapag lumabas tayo" nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Why do I feel like we're going on a date?

"Ganu'n ba? Pero masaya ako dahil pumayag ka kamahalan" muling nagtama ang paningin namin. This guy in front of me, he's dangerous but I feel safe in his company.

No Longer A VillainessWhere stories live. Discover now