Chapter Fifteen

1.4K 62 7
                                    

Third Person's Point of View

Sa pagpasok pa lamang ni Xeiryz sa academy ay kanya kanyang bulungan ang mga estudyante. They're all in awe when they saw her. Tila ba isang anghel ang pumasok sa loob ng akademya. Wala itong suot na kahit anong pin, ibig sabihin ay isa lamang siyang commoner. She's not a noble.

Tahimik lang na naglalakad si Xeiryz hanggang sa makasalubong niya ang mga royalties. Hindi niya ito pinansin ngunit agad na binati siya ni Kaye.

"Good morning Xeiryz"

Lumakas ang bulungan ng mga estudyante. Hindi sila makapaniwalang ang pinupuri nila kanina ay ang wicked princess ng White Palace. Muling umusbong ang galit at takot ng mga estudyante sa kanya. Tila ba lahat sila ay inaabangan ang gagawin ng babae. Malaman ay lilingkis na naman ito na parang ahas sa mga royalty.

"Magandang umaga" mahinhin na bati ni Xeiryz atsaka yumuko. Pareho-parehong gulat ang lahat. Maski ang mga royalties at si Kaye.

The wicked princess they knew just greeted the illegitimate sister of hers. Maging ang boses nito ay napaka hinhin.

Nanatiling nakayuko si Xeiryz dahilan para magkaroon ng ideya ang mga estudyante. Marahil ay totoo nga ang kumakalat na balita, na hindi na prinsesa ng White Palace ang dalaga.

"Lift your head" boses ni Ariez ang narinig ni Xeiryz. Agad na nag-angat ng tingin si Xeiryz.

"Greetings to the Royalties" muli siyang yumuko. Agad naman siyang nag-angat ng tingin at nilagpasan ang mga royalties.

Ang mga estudyante naman ay hindi maghumayaw sa pagsunod ng tingin sa papalayong si Xeiryz. They don't know if nagbago ba ito or it was one of her ploys. But surely, some of the students was catched by her act.

Nagtagis ng baga si Kaye. Naiinis siya dahil rinig niya ang bulungan ng nga estudyante. Siya ang nagpakalat ng balita na hindi na prinsesa si Xeiryz at siya na ang uupo sa trono nito. Kaye is expecting her to be furious ngunit iba ang nangyari. Sa kanilang dalawa ay tila isang anghel si Xeiryz. She even catched some of students' heart. Napayukom ng kamay ni Kaye. She'll make sure to make Xeiryz the villainess again.

Xeiryz on the other hand is smirking. It was a success. Alam niyang nakuha niya ang loob ng ibang estudyante. Her next plan is to gain her classmates trust and make them her ally. Mag-isa lamang siya sa academy kaya alam niyang marami ang susugod sa kanya. Lalo na't kumakalat ang balita na hindi na siya prinsesa. Nagkibit-balikat na lamang si Xeiryz. Alam na niya kung sino ang may gawa nito, hindi na nakapagtataka.

Saktong tumunog na ang kampana. Ibig sabihin ay magsisimula na ang klase. Sinadya ni Xeiryz na bagalan ang kanyang lakad. Malapit na siya sa kanyang room ng muling bumalik sa pagiging inosente ang kanyang mukha. Binuksan niya ang pinto at sabay sabay na napatingin sa kanya ang kanyang mga kaklase.

Agad na sumama ang tingin nila sa kanya. Akala nila ay hindi na papasok pa ang dalaga dahil hindi naman ito pumasok last semester. Sa isip-isip nila, malamang ay maghahasik na naman ito ng lagim. Ngunit agad na nawala ang masasamang tingin nila ng tingnan lang sila nito ng inosenteng tingin. Parang nawala ang galit nila sa kanya. Nag-iba na rin ang pananamit nito. Hindi na sobrang ikli. At ang mukha niya ay walang kahit na anong bahid ng kolorete.

Nagpatuloy na lamang sa paglalakad si Xeiryz at naupo sa kanyang upuan. Hindi niya binigyang pansin ang kanyang mga kaklase na walang hupay ang pagtingin sa kanya na tila ba isa siyang nilalalang na malapit ng mag extinct. Sakto namang pumasok na ang kanilang guro ay saka lamang iniwas ng kanyang mga kaklase ang tingin sa kanya.

"Creep" Xeiryz mumbled. Nagsimula na ang klase. Salamat naman at naging matiwasay ito. Xeiryz is actively participating in their class discussion dahilan para humanga ang ibang kaklase niya. As soon as their teacher left the class ay agad na lumapit sa kanya ang isa sa mga kaklase niya. Karina Bizarre, third daughter of Duke Bizarre.

"You! Stop acting you bitch!" Sigaw ni Karina na umalingawngaw sa buong classroom. No one dared to speak. Nakayuko lamang si Xeiryz dahilan para mainis si Karina.

"I'm talking to you!" Inis na inis na sambit ni Karina.

They were all shocked when they saw tears falling from Xeiryz's eyes. Maging si Karina ay biglang na guilty sa pagsigaw niya. The girl in front of her looks like a glass who was about to be shattered.

"I-I'm sorry" mahinang sambit ni Xeiryz habang humihikbi. Agad na napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Karina. She didn't expect na ganito ang mangyayari. Buong akala niya ay umaarte lamang si Xeiryz.

"I'm sorry sa mga ginawa ko dati. I really am. Hindi ko alam kung mapapatawad niyo ba ako, but I'm willing to do everything para lang mapatawad niyo ako. I know I'm wrong that's why I'm repenting from my sins" she said while sobbing. Mas lalong nagulat ang lahat ng lumuhod ito sa harapan nila. Agad na lumapit ang isa sa mga kaklase niya sa kanya at pinatayo siya.

Tanging mga hikbi lamang ni Xeiryz ang maririnig sa buong classroom. Lahat ng mga kaklase niya ay lumambot ang puso sa kanya. They know she is sincere. Kaya naman ang iba ay ngumiti na. Maging si Karina ay napangiti na lamang dahil sa wakas ay napagtanto na ni Xeiryz ang kamalian niya.

"Shh tahan na. Sorry dahil nasigawan kita" agad na dinaluhan ni Karina si Xeiryz. She's still sobbing that's why Karina hugged her.

"Pinapatawad ka na namin Xeiryz" Karina said na sinang-ayunan ng kanyang mga kaklase. Agad na pinunasan ni Xeiryz ang kanyang mga luha at tumingin sa mga kaklase niya.

"T-talaga?" She asked. Tumango ang mga kalase niya dahilan para mapangiti si Xeiryz.

"Salamat"

Palabas na si Xeiryz. Medyo natagalan siya dahil naka-kwentuhan niya pa ang mga kaklase niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. She felt happy when they forgave her. Tila ba nabawasan ang bigat ng dibdib niya. Pilit na pinapasok niya sa kanyang utak na parte ito ng plano niya but when they started getting along with each other, she thought that it was not intentional.

"Bye Xeiryz!"

"Babye Xei"

Kanya kanyang paalam ng kanyang mga kaklase sa kanya.

"Bye, ingat kayo!" Paalam rin ni Xeiryz at kumaway pa. Nagtataka naman ang ibang estudyanteng nakatingin kila Xeiryz. Hindi nila inaasahan ang pangyayaring ito. Kailanman ay hindi naging ka-close ni Xeiryz ang mga kaklase niya ngunit anong nangyari? Tanong nila sa kanyang isipan. Napansin ni Xeiryz ang karwahe na sinakyan niya kanina at lumabas ang isang knight doon. Pagkapasok niya sa karwahe ay agad siyang napanguso. Wala si Cross.

Naging tahimik lamang ang biyahe. She can't forget how she saw the pissed face of Kaye. She giggled. Nang makarating sa palasyo ay agad siyang tumungo sa office ni Cross. Hindi nga siya nagkamali ay nandoon ito at pinipirmahan ang sandamakmak na mga papel.

"Cross!" Agad na sambit ni Xeiryz at patakbong lumapit kay Cross. Agad namang umupo si Xeiryz sa lap ni Cross dahilan para mapasandal ang prinsipe sa kanyang inuupuan.

"How's your day kitten? I'm sorry hindi kita nasundo" masuyong wika ni Cross sa dalaga. Ngumiti lamang si Xeiryz.

"Okay lang, although medyo nagtatampo ako. But anyways, alam mo ba na naging kaibigan ko na ang mga kaklase ko? Nag sorry ako sa kanila at mabuti ay pinatawad nila ako. I'm getting along with them Cross" masayang kwento ng dalaga at makikita sa mukha nito ang saya. Cross smiled as he saw how happy she is.

"That's good. Are you tired?" Umiling naman si Xeiryz. Napatingin ito sa sandamakmak pang trabaho ni Cross.

"Tapusin mo na yang ginagawa mo. I'll make dinner" tumayo na si Xeiryz. Tumango naman si Cross at binitawan na ang dalaga. But before he let go of her, mabilis na ninakawan ng halik ni Cross ang dalaga dahilan para mamula ito.

"A-Ano, aalis na ako!" Mabilis na sambit ni Xeiryz at agad na lumabas ng opisina niya. Halakhak lamang ng prinsipe ang maririnig sa kanyang opisina dahilan para mangunot ang noo ni Eros.

"Hi Xeixei ko!" Bati ni Eros pero nilagpasan lamang siya ni Xeiryz. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay. Nang pumasok siya sa opisina ni Cross ay agad niyang nabungaran ang prinsipe na ngumingisi habang pinipirmahan ang mga papeles.

"Grabe talaga kalandian ng mga kabataan" mahinang sambit ni Eros ngunit hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Cross at agad itong sinamaan ng tingin. Kumaripas na lamang ng takbo si Eros ng batuhin siya ng prinsipe ng bolang apoy.

No Longer A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon