Chapter Eight

1.4K 62 4
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

Kasalukuyan kong inaantay dito sa kwarto ko si Kara. Inayusan niya pa kasi ang sarili niya. Sabi ko nga ay dito na siya mag-ayos pero ayaw niya. Nauna niya kasi akong inayusan.

Magpapakasaya kami ngayong gabi. Wala ang hari at reyna dahil pumunta sa celebration ng monthsary ng step sister ko. Bukas pa ang uwi nila kaya naman ay solong solo namin ang kaharian.

Ito ang unang beses na makikihalubilo ako sa mga maids at knights. They're my friends, pero hindi ko kasi alam ang mga practices nila kapag may mga celebrations.

I am wearing a blue long dress. Paborito kasi ni Kara ang color blue kaya pinilit niya akong magsuot rin ng kulay asul na damit. Sabi ko nga dapat siya na lang dahil birthday niya naman, baka maagawan ko siya ng spotlight eh ksks.

Mula rito sa kwarto ko ay rinig ko ang mahinang ingay ng tugtugin mula sa labas. Mukhang nagsisimula na sila at celebrant na lamang ang hinihintay. Saktong may kumatok sa pinto ko, agad na akong tumayo at kinuha muna ang isang maliit na kahon. Binuksan ko na ang pinto at tumambad sa akin si Kara. Bahagya pa akong nagulat dahil kakaiba talaga ang ayos niya ngayon. She looks like a noble. Bumagay sa kanya ang dress na binili namin. She's wearing a royal blue off shoulder dress.

"You look beautiful Kara" I uttered. She blushed and bit her lower lip. Parehas pala kami ng mannerism.

"Thank you my lady. You look stunning" she complimented. Mahina na lamang akong natawa.

"Tara na, kanina pa ata nila hinihintay" sabi ko. Tumango naman na ito atsaka kami naglakad. Walang mga maids na nasa palasyo dahil lahat ay nasa hardin. Ngunit may mangilan-ngilan na knights ang nasa loob ng palasyo. Mga kaibigan lang kasi naming knights at mga ka-close ni Kara ang inimbitahan niya.

Napanguso na lamang ako dahil malayo pa ang lalakarin namin. Nilingon ko si Kara.

"Kara, let's teleport" I said while pouting. Sumang-ayon naman ito kaya agad niyang hinawakan ang balikat ko at sa isang iglap ay nasa bukana na kami ng garden. Kara's ability is to teleport. One of a kind.

"Thanks Kara" I said.

"No worried my lady" ngiting sabi niya. Akmang papasok na ito sa garden ng pigilan ko ito. Nagtatakang tumingin ito sa akin. Agad na kinuha ko ang kamay niya at pinatong ang maliit na box na regalo ko.

Gulat siyang napatingin sa akin.

"Happy birthday Kara" I said. Napaawang ang labi nito. She looked at me with teary eyes. Agad na tumaas ang kilay ko.

"Don't you dare cry Kara. Masisira ang make up mo!" Inis na sabi ko. Bago pa man tumulo ang luha niya ay mabilis niya itong pinunasan.

"Salamat dito my lady. Pinapangako kong iingatan ko ito" madamdaming sabi niya.

"Aba dapat lang noh. Kapag naiwala mo talaga 'yan aalisin kita bilang personal maid ko" mataray na sabi ko na ikinatawa niya. Napangiti na lang din ako ng wala sa oras. Kinuha ko ang box at binuksan ito.

"Oh my! That's a white gem my lady!" Gulat na sambit nito. It's necklace, heart shaped ito at white gem ang nasa gitna nito. One of the expensive stones here. Nilabas ko ang necklace atsaka pumwesto sa likod ni Kara. Agad ko namang inilagay ito sa leeg niya. Hinawakan ko ang balikat nito at pinaharap sa akin. Perfect! Bagay na bagay nga sa kanya.

"Ingatan mo 'yan huh?" Sambit ko. Parang tuta naman itong nagpatango-tango.

"Halika na nga" sambit ko dahil parang tanga siya na nakatingin sa kwintas. Pagkapasok namin ay bumungad sa akin ang makulay na hardin. Pinaghandaan talaga nila eh. Sa gitna ay may tatlong malalaking mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Napansin agad nila ang pagdating namin.

"The princess and the birthday celebrant is here!" Malakas na sigaw ng isang knight. Agad naman silang lumapit sa amin at binati na si Kara.

Ngumisi na lamang ako habang nakatitig sa mga alak na nakalagay sa gilid ng mesa. Naramdaman ko ang pagtingin nila na para bang humihingi ng permiso.

"Let's party!" Malakas na sabi ko at agad silang naghiyawan.

I am enjoying this moment. Naglaro muna kami ng iba't-ibang games at syempre may mga prizes rin. Katatapos ko lang kumain at kanina ko pa nilalantakan itong wine.

Napatingin ako sa paligid ko. They all have smile in their faces. Mabuti at hindi na sila ilang at takot sa presensya ko. Dumako ang tingin ko kay Kara na kasalukuyang kausap si Arthur. Napataas na lang ako ng kilay ng makita kung paano mamula si Kara. Kaya napaghahalataan siya eh. Napailing na lamang ako at tumungo sa isang malaking puno may kalayuan dito. Kinuha ko ang isang bote ng wine atsaka nagtungo doon.

Medyo nabawasan ang ingay. Napahinga ako ng maluwang atsaka umupo roon. Napangiti ako ng wala sa oras. It's been years since naramdaman ko ang feeling na ito, yung magkaroon ng mga kaibigan. Alam kong malayo ang agwat namin sa buhay pero it won't stop from being friends with them. I must thank Kara, kasi kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako mapapalapit sa mga katiwala ng palasyo. Nilagyan ko ng wine ang baso atsaka deretsong tinungga. I'm a bit tipsy that's why I decided to rest here. Baka kasi bigla na lang akong mahilo at matumba doon, mahirap na.

Maya maya ay naamoy ko ang isang pamilyar na pabango. Kinalma ko ang sarili ko dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. It's been days since I last saw him.

"Eiry" I heard him call my name. Nakita ko ang pares ng itim na sapatos sa harap ko. Mabilis na nag-angat ako ng tingin at nagtama ang paningin namin.

"Cross" I whispered. Lumapit ito sa gawi ko at umupo sa tabi ko. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon. I thought aabutin ng linggo o buwan bago ko siya muling makita. After all, their kingdom is in another country. Tanging ang White Palace lamang ang imperyo rito.

"How are you?" He asked. Napangiti ako ng wala sa oras. Simple words but he always make me happy.

"I'm fine" mahinang sambit ko. Mariin na kinagat ko ang labi ko. Huminga ako ng malalim. Agad na inabot ko ang bote ng alak at akmang lalagyan ang baso ko ng hablutin iyon ni Cross mula sa kamay ko.

"Tsk. You're already tipsy but your still drinking" malamig ngunit may halong inis na sabi nito. Napanguso na lamang ako ng pati baso ko ay kinuha niya. Nilapag iyon sa gilid niya.

Tumayo ako at akmang kukunin ang alak ng bigla akong mahilo. Mabuti na lamang ay agad akong naalalayan ni Cross. Shet, ngayon pa talaga ako nahilo kung kailan meron si Cross.

Agad na inupo niya ako sa tabi niya. Napapikit na lamang ako ng mata ko dahil sa tindi ng hilo na nararamdaman ko.

"You shouldn't drink. Look at you!" Asik ni Cross. Minulat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang magkasalubong na kulay niya. Hindi na lamang ako sumagot at sumandal sa balikat niya.

I wanted to talk to him pero napagod yata ako at kahit na pagbuka ng labi ko ay hindi ko magawa. Muli kong naamoy ang mabangong pabango ni Cross. Pinikit ko ulit ang mata ko.

Pahina na ng pahina ang naririnig ko. Mukhang makakatulog pa ata ako. Bago pa man ako hatakin ng antok ay naramdaman ko ang isang braso na pumulupot sa balikat ko at ang isa ay sa paa ko. Naramdaman ko na lamang na umangat ako. Agad na siniksik ko ang mukha ko sa dibdib ni Cross.

My heartbeat is not normal. Ang lakas ng epekto sa akin ng prinsipeng ito. Kung siya kaya ang una kong nakilala kaysa kay Ariez, magugustuhan ko kaya siya?

Ilang minuto lamang ang nakalipas ng maramdaman ng likod ko ang malambot na kama. Dinala niya ako sa kwarto ko. Bago pa man ako hilalin ng antok ay hinawakan ko ang kamay niya.

Pilit kong minulat ang mata ko at kita ko ang seryosong mukha ni Cross. Kiming ngumiti ako.

"I missed you" I uttered almost whispering. Kita ko ang gulat sa mukha nito. Maya maya naman ay ang pagsilay ng ngiti sa labi nito.

"You should sleep Eiry" he softly said. Tumango ako at pinikit na muli ang mata ko.

I felt his soft lips on my forehead as he say something.

"Goodnight Eiry" he whispered.

Goodnight too, Cross.


Short update ulit guys, sobrang busy ko ngayon kasi andaming school works. Babawi na lang ako after ko matapos lahat. Don't forget to vote guys! Thank you!

No Longer A VillainessWhere stories live. Discover now