Chapter Sixteen

1.4K 62 4
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

"Xeiryz, doon ka na lang sa table namin" pag-aaya ni Karina sa akin ngunit tipid na ngumiti na lamang ako.

"Rina, alam mo namang hindi na ako noble katulad niyo diba? Hindi ako maaaring sumabay sa inyo" ngumuso si Karina dahilan para ngumiwi ako. Ang ibang kaklase ko naman ay malungkot ang mukha. Kahit naman kasi gusto kong sumabay ay hindi p-pwede.

"Hayaan niyo na, iisa lang naman ang cafeteria eh" sambit ko.

"Pero kahit na! Iba pa rin kapag kasama ka namin" reklamo ni Karina. Sumang-ayon ang iba kong kaklase.

"But we can't do anything about it. We can't defy the law of our school" mahinang sambit ko. Malungkot na tumango na lamang sila. Dumeretso na lamang kami sa cafeteria. Humiwalay na ako sa kanila. Magkahiwalay kasi ang table ng nobles sa mga commoner. Agad na kumuha ako ng pagkain atsaka naghanap ng upuan. Mula rito sa kinatatayuan ko ay nakita ko sa isang sulok si Miranda.

Miranda Piettro. The daughter of the Supreme leader of highest council. Sa pagkakaalam ko isa rin siya sa mga gusto kay Ariez noon pero siya lang ang hindi ko inaway. But I don't think so. Hindi ni Ariez ang gusto niya, sigurado ako doon.

Tahimik na naglakad na lamang ako sa table katabi ng kanya. Nagtataka nga ako kung bakit nandito siya sa table ng mga commoner. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagsimulang kumain. Hindi pa man ako nakakakalahati sa pagsubo ay biglang lumitaw sa harap ko ang isang kampon ng demonyo.

"Oh look who's here. The fallen princess" agad na nag-angat ako ng tingin at inosenteng tiningnan niya.

Amanda Lockhart. Daughter of our Headmaster. A certified bitch. Isa sa mga galamay ni Kaye.

Her face is really funny. Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkairita. Ngumisi na lamang ako ng magtama ang mata namin ni Kaye. Oh geez, shall we start the play?

Third Person's Point of View

Lahat ng estudyante ay nasa cafeteria sa mga oras na ito. Kanya kanya silang kwentuhan ng makita nila na nilapitan ni Amanda si Xeiryz. Tila ba isa itong palabas kaya naman lahat ng mata nila ay tutok na tutok sa dalawang dalaga na magkaharap.

Amanda really wanted to pissed the fallen princess of White Palace, hindi niya lamang ito ginagalaw noon dahil nga isa itong prinsesa, but now that she's fallen, mas nakaka-angat na siya. She really wanted to beat this wicked princess.

"Oh look who's here. The fallen princess" nang-uuyam na wika ni Amanda. She was expecting Xeiryz to act like a 'Karen' pero iba ang nangyari. She just saw how innocent Xeiryz is. Tila ba isa itong anghel sa harap niya at siya ang demonyo. Nagpuyos ang loob ni Amanda.

"Stop acting like a saint!" She screamed. But Xeiryz is like a puppy who is about to be eaten by a big wolf. Nakita ng lahat kung papaano mangilid ang luha nito. Tila ba naestatwa sa kinakatayuan niya si Amanda. She didn't expect this! Ang sabi ni Kaye sa kanya ay magiging war freak ito pero anong nangyari?! Tarantang saisip ni Amanda.

Umiling-iling si Amanda. She needs to prove her worth para mapalapit siya kay Kaye. Lalo na't nangako itong ipapakilala siya kay Jairus. Isa sa mga royalty at kapatid ni Carol.

Ngumisi si Amanda at lumapit kay Xeiryz. Ang juice na nasa harap ni Xeiryz ay dinampot ni Amanda at binuhos sa ulo niya. Umalingawngaw ang tawa ni Amanda kasama ng kanyang alipores. Ngunit natigil iyon ng makarinig sila ng isang hikbi.

Nakita ng lahat ang unti-unting pagtulo ng luha sa mga mata ni Xeiryz. Nakaramdam ng awa at galit ang mga estudyante. Awa dahil sa nangyayari kay Xeiryz, at galit para kay Amanda.

No Longer A VillainessWhere stories live. Discover now