Chapter Seven

1.4K 70 12
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

Galing kami ni Kara sa isang boutique. I bought her a dress na gagamitin niya para sa birthday niya bukas. I almost buy the whole shop for her pero tumanggi siya. Habang namimili s'ya kanina ay naghanap na rin ako ng regalo ko sa kanya.

"Ayos na ba lahat para bukas Kara?" Tanong ko sa kanya habang papasok kami sa palasyo.

"Yes, My Lady" sambit nito. Kami-kami lang naman ang magc-celebrate. Mga maid dito sa palasyo at ang mga knights. Hindi rin naman makakadalo ang mga magulang ni Kara dahil hindi sila makakapag biyahe.

"That's good. You should rest, para bukas ay maganda ka" sabi ko sa kanya. Ngumuso naman ito.

"Walang mag-aasikaso sa'yo My lady" tumaas na lamang ang kilay ko sa tinuran niya.

"I can handle myself Kara, at isa pa, I'll just stay in my room for the whole day" mataray sa sabi ko. Pilit na tumango na lamang ito. Agad na nilapitan ko siya at binulungan. I'm really curious about this hehe.

"I'm really curious. Madalas kitang nahuhuling nakatingin kay Arthur. Do you perhaps like him?" Bulong ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya at agad na namula ang pisngi. Napatawa na lamang ako ng mahina.

"How'd you know my lady?" Tarantang tanong nito at kumapit sa braso ko.

"It's really obvious Kara" note the sarcasm. Mas lalo itong namula at tinakpan ang mukha nito.

"No! He shouldn't know that I like him" mahinang sambit nito. Napatingin naman ako kay Arthur na salubong ang kilay na nakatingin kay Kara.

"Ehem, Arthur. Pwede, layo ka muna ng konti. May pinag-uusapan kasi kami ni Kara" malumanay na sabi ko. Tumango naman ito at umatras ng konti.

"So Kara, ano naman ang nakita mo kay Arthur?" Tanong ko sa kanya. I really like teasing her. Ganti ko lamang ito noh, akala niya ay nakalimutan ko na kung papaano niya rin ako asarin tungkol doon sa special someone ko.

"Well, he's handsome, well built, and good at handling swords" nagb-blush na sabi niya. Napairap na lamang ako sa tinuran niya. Geez, mas matanda sa akin ng limang taon si Kara pero kung umasta parang teenager.

"Nako, dapat bakuran mo. Andami pa man ding nagkakagusto sa kanya" nang-iinis na sabi ko. Agad naman itong sumimangot.

"Tama ka my lady. Dapat ko nga siyang bakuran" sambit niya with matching hand movement pa. Napatawa na lang ako sa inasta niya. We continued talking, napatigil na lamang kami ng may kumuha sa atensyon namin. It's my brothers, together with the royalties.

Nakatingin sila sa akin na animo may inaantay na gawin ko. Mabilis na tinaasan ko lamang sila ng kilay. Ano na naman bang gusto ng mga ito? Gusto kong kuhanin ang loob nila pero ewan ko ba kung bakit ang bigat ng dibdib ko kapag kaharap ko sila.

"Hayaan mo na lang my lady" sambit ni Kara. Tumango na lamang ako sa kanya atsaka tinalikuran ang mga dati kong kaibigan.

"How dare a maid command a Princess?" Napatingin ako kay Carol. Ang prinsesa ng Gaea Kingdom.

Mabilis na nainis ako sa sinabi niya. Kinalma ko ang sarili ko bago ko siya hinarap at pilit na nginitian.

"She's not just my maid, she's my friend, Princess" pilit ngiting sabi ko sa kanya. I saw how the others gritted their teeth. Maya maya ay biglang umeksena si Kaye, lagi naman?

"The maid is Xeiryz's friend. Hayaan na natin" I almost rolled my eyes. Kita ko kung paano ako samaan ng tingin ni Carol.

"Xeiryz! Are you really out of your mind?! Ganyan ka na ba ka-desperadong magkaroon ng kaibigan at pati maid pinapatulan mo?!" She shouted. I should be mad at her but I remained myself calm. Nilingon ko si Kara na kasalukuyang nakayuko habang nasa likod niya so Arthur na mariin ang tingin kay Carol.

"You don't have the right to disrespect my maid in front of me. And what's the fuss? It's my choice to befriend her, to be friends with my maid. Hindi naman ikaw ang nakipag-kaibigan kaya bakit grabe ka makapag-react?" Mahinang sabi ko. Sa totoo lang gusto kong sumigaw. Pero nasa palasyo ako. I'm still a princess. Lumapit ako sa kanya, not avoiding our eye contact.

"At isa pa, hindi ako desperado. Hindi porke't nasa mababang estado siya ay mamaliitin mo na siya. She's worthy to be my friend" mariing sabi ko sa kanya. Isa isa kong tiningnan ang mga dating kaibigan ko. Kita ko ang gulat, sakit, galit, at pagkamangha sa mga mata nila.

"Lastly, please don't call me by my name. We're not even close, and you're not my friend. So please, address me formally, Princess of Gaea Kingdom" I said while smiling. Mula sa nanlilisik na mata ay agad itong nawala. Kiming ngumiti lamang ako.

"Mauuna na ako. Have a safe trip" i bowed and turn away from them. Mula sa nakangiting mukha ko ay napalitan agad ito ng pagkainis. Nilapitan ko na si Kara na ngayon ay nakangiti na sa akin, maging si Arthur ay balik na sa pagiging seryoso ang mukha.

"Let's go, Kara" naglakad na ako palayo sa kanila. Mamaya na lamang siguro ako magpapaalam kila mommy at daddy dahil hanggang ngayon ay naiirita pa rin talaga ako.

Carol, she's one of my closest friend, maging si Aera at Katy. Katy, she always acts as my mom. Carol, my protector, and Aera, who is always concerned about me. Pero lahat iyon ay nagbago na.

Wala na rin naman akong pakialam pa doon. Kung dati ay nasasaktan ako tuwing tinataboy at sinasabihan nila ako ng masama dahil kay Kaye, ngayon at wala na. Nasanay na ako, at puro galit lamang ang nararamdaman ko sa puso ko.

Isa sila sa nanakit at tumalikod sa akin. Kaya naman ay isa sila sa makakatikim ng paghihiganti ko.

Dati ay sobrang gustong gusto kong magpapapansin sa kanila. Pero ngayon? Ang gusto ko lang talaga ay iwasan at ibalik sa kanila ang sakit na pinaranas nila sa akin. Kung may kapangyarihan lamang ako ay agad ko na silang papatamaan non. Para mapabilis na ang paghihiganti ko. Too bad I'm powerless.

Napaasik na lamang ako ng wala sa oras. Kung may kapangyarihan lamang ako ay hindi ako mahihirapan ng ganito. Bakit ba kasi sa aming magkakapatid ay ako pa ang hindi sinwerte?

Wala sa sariling napairap na lang ako. Bwiset talaga. Bad mood na naman ako dahil sa Carol na 'yon.

Third Person's Point of View

Tahimik lang ako habang sakay ng karwahe. I can still remember how Xeiryz ignore us.

Dati rati ay laging bumubungad sa akin ang masayang mukha at kumikinang na mata niya sa tuwing nakikita niya kami.

Pero ngayon, iba na.

The coldness in her eyes is visible whenever her gaze landed on us. Gone the twinkling eyes, sa tuwing tinitingnan niya kami ngayon ay para kaming estranghero. Na hindi niya kami kilala, na wala kaming pinagsamahan, na hindi niya kami kaibigan.

Mabigat ang loob ko dahil doon. I really miss her presence, I miss hanging out with her.

I was happy when Kaye invited her to go with us, pero nawala iyon ng tanggihan niya ang alok ni Kaye na lubos kong ikinagulat. Mas lalong nadurog ang puso ko ng makahanap siya ng bagong kaibigan. And it was her maid.

Nakita ko kanina kung papaano siya ngumiti habang kausap si Kara, mabilis na nawala ang ngiti niya ng tumingin ito sa amin.

What made me shock most is that, pinagtanggol niya ang maid niya, and told Carol to address her formally.

Does she really see and consider us as stranger?

------------------
Short update for today because I'm tired. Hope you like it guys! Don't forget to vote :>

No Longer A VillainessWhere stories live. Discover now