Chapter Twelve

1.4K 66 28
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

"Kara, ang layo naman ng quarters ng knights" nakasimangot na sabi ko kay Kara. Kanina pa kasi kami naglalakad. Papunta kami ngayon sa quarters ng knights dahil dadalhan namin ng meryenda si Arthur. Sabi ko nga kay Kara it will be rude kung si Arthur lang ang dadalhan namin that's why we made a lots of cookies for the other knights. May ibang kasamahan pa kami kaya walang problema sa pagbubuhat.

"Malapit na tayo my lady" I rolled my eyes. Pang limang beses niya ng sinabi yan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakarating doon. Napanguso na lang ako at piniling tumahimik na lang. After how many minutes, nakarating na kami sa quarters. Sakto naman ay katatapos na nilang mag-ensayo.

Arthur was told to practice as a knight para maging official knight siya ng Altherra Kingdom. Wala namang kaso kay Kara dahil personal maid ko naman siya. Papa told us na dito na lang kami. Well, I'm calling the queen mama and papa dahil iyon ang gusto nila. Hindi naman ako makatanggi. Mabuti nga at tinanggap nila ako. I'm always having a bonding with mama kapag katapos ng responsibilidad niya as a queen.

Nakikita ko lang si Cross tuwing dinner, pero gumagawa naman siya ng paraan para magkita kami. He's sneeking out pero lagi naman siyang nahuhuli ni Kuya Eros.

Kuya Eros is Cross' butler and secretary. He's already 26. Ilang taon lamang ang tanda niya kay Cross since Cross is already 21. Mabait si kuya Eros, since nagt-training si Arthur, siya muna ang in-charge sa akin minsan. Dahil sa kadaldalan ko ay naging ka-close ko siya. Wala siyang younger sister kaya naman sobrang nagpapasalamat siya dahil tinawag ko siyang kuya. Since then he became sweet towards me, pero kapag kaharap ang ibang tao, he's stiff and serious like Cross.

Napapangiti na lamang ako habang nagpapasalamat ang knights sa amin. Saglit lang din kaming nag-stay doon dahil nga hindi pa tapos ang training nila. Mabuti at may sasakyan na kami pauwi sa palasyo. Ang layo kasi eh. Napatingin ako sa hawak kong basket. Gumawa rin kasi ako ng cookies para kay Cross. Dadalhin ko ito sa office niya. Sana talaga wala siyang gaanong ginagawa. Ayoko namang maka-istorbo.

"Kara, punta muna ako kay Cross" paalam ko. Agad namang ngumiti ng nakakaasar si Kara.

"Sige my lady, doon muna ako kila Stella at tutulong muna ako sa kanila" sabi niya. Tumango na lamang ako atsaka tumalikod na. Hindi pa ako nakakalayo ng sumigaw ito.

"Bawas bawasan ang ka-sweetan my lady!" Nag-init ang pisngi ko. Dali dali na lamang akong maglakad. Lakas makaasar ni Kara eh. Halos ilang minuto lang ang layo ng office niya. Sakto naman ay nasalubong ko si kuya Eros.

"Pupunta ka ba sa prinsipe, Xeixei?" Tanong ni kuya eros.

"Opo kuya, busy ba siya?" Tanong ko. Mahirap na eh.

"Hindi naman. Actually, he ordered me to get some meryenda" he said. Agad naman akong napapalakpak. Tamang tama pala ang dating ko.

"I made some cookies and juice kuya. You don't have to get na" sambit ko. Ngumiti naman ito at pi-nat ang ulo ko. I chirped.

"Ganoon ba? Tara na. Baka naghihintay na ang isang yon. Alam mo na bugnutin" sabi ni kuya dahilan para matawa kami. Well, that's true. Sobrang bugnutin ni Cross pero sanay naman na lahat sa kanya. Maging ako.

"I'll carry those" kinuha ni kuya ang hawak kong basket. Ngumiti ako atsaka kumapit sa braso niya. Well, ganito talaga kami.

Pagkapasok pa lang sa chamber at bumungad sa akin si Cross na nakatingin sa bintana habang nakatalikod sa amin. Agad akong tumakbo sa direksyon niya.

"Cross!" Masayang sambit ko. Agad naman itong humarap sa akin. He smiled kaya naman agad akong yumakap sa kanya. Saka ko na lang narealize ang ginawa ko ng tumikhim si kuya Eros. Agad na bumitaw ako.

No Longer A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon