Chapter Nine

1.4K 62 12
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

Sa nakalipas na dalawang linggo ay wala akong ibang ginawa kundi ang iwasan ang mga kapatid ko at ang ibang prinsipe. I spend most of my time reading a book, chit-chat with Kara, sleep and visit the garden.

I really hate it whenever I'm seeing them. Ang sakit lang sa mata. Lalo na kapag nakikita ko yung pagiging pabebe ni Kaye, tsk.

Cross isn't visiting me, last na bumisita siya ay noong birthday ni Kara. Malamang ay busy siya, sayang naman kasi ang dami ko pa namang ik-kwento sa kanya.

Sa ngayon, I have an appointment to one of the great painter in the world. It's been two years since last na nagpa-paint ako eh.

I'm wearing my one of the best gowns and my tiara as a princess. Pinagmasdan ko ng maigi ang repleksyon ko sa salamin. May kulang.

Bigla kong naalala ang binigay na necklace ni lola. This is the perfect day for me to wear it.

"Kara, tara sa museum" agad namang tumalima si Kara. Lumabas kami ng kwarto ko at agad na nagtungo sa museum.

Sa museum namin nilalagay ang mga importanteng bagay sa amin. May sariling museum para sa palace, at museum para sa aming mag-anak. Pagkapasok pa lamang ay bumungad na sa amin ang pinaka-iingatan naming bagay. There's a section for mom, dad, me and my brothers. Agad na dumeretso ako sa section ko pero halos sumabog ang ulo ng makitang wala na sa glass box ang necklace ko.

"Where the fuck is my necklace!" Malakas na sigaw ko. Agad na dinaluhan ako ni Kara. Nanginginig ang kamay ko sa galit. No one dares to touch my things!

Agad na lumabas ako ng museum at nilapitan ang isang knight guard na nagbabantay sa malaking pinto.

"Sino ang huling pumasok rito bago ako?" Madilim na tanong ko. Kita ko ang paglunok niya ng laway at ang panginginig niya.

"T-The king and y-your sister, m-my lady" utal na sagot niya. Mabilis na tinalikuran ko siya at nagtungo sa office ni Daddy.

"Princess you're not allowed to enter unless you have important to say" pigil sa akin ng sekretarya ni Dad pero tinulak ko lamang ito at pabalang na binuksan ang office ni Daddy.

Sabay na napatingin sa akin si Kaye at Daddy. Mas lalong namuo ang galit sa dibdib ko ng makitang suot ni Kaye ang necklace na regalo sa akin ni lola.

Agad na lumapit ako sa pwesto niya at mabilis na pinadapo ang kamay ko sa pisngi niya. Umalingawngaw ito sa buong silid. Tila nagulat naman ito sa ginawa ko dahil hindi siya agad nakabawi.

"Xeiryz!" Malakas na sabi ni dad pero si Kaye ang dinaluhan nito.

"Are you okay honey?" Marahan na tanong ni daddy sabay himas pa sa pisngi ni Kaye. Umismid na lang ako ng wala sa oras. Bumaling naman ng tingin sa akin si daddy.

"Why did you slap your sister Xeiryz?" Marahang tanong niya. Galit na tiningnan ko si Kaye na ngayon ay tahimik na umiiyak.

"She stole my necklace" mariin na sambit ko. Ang kapal naman talaga ng mukha niya na pagkatapos nakawin ang necklace ko ay susuutin niya ito at ipapakita mismo sa harapan ko.

"I gave it to her" mahinang sabi ni daddy dahilan para mapasigaw ako.

"What?!"

"I gave it because you're not using it. Sayang naman kung nakatambak lang. Your sister wants it kaya binigay ko na lang sa kanya" Galit na tumingin ako kay daddy. Bakas sa mata niya ang gulat ng magtama ang paningin namin.

"Wala kang karapatan para galawin ang gamit ko! It was grandma who gave that necklace to me kaya sino ka para magdesisyon na ibigay ang necklace ko sa kanya! At nakatambak? Wala ka bang utak huh?! Kaya nga nasa museum natin kasi isa yan sa pinakaiingatan kong gamit ko! Porke't gusto niya ay ibibigay mo agad sa kanya?! Gamit ko yan! Akin yan! Kaya wala kang karapatan para basta basta na lang na ipamigay ang pagmamay-ari ko!" Nawalan na ako ng respeto sa ama ko. Galit na sinigaw ko lahat ng hinanaing ko.

No Longer A VillainessOnde as histórias ganham vida. Descobre agora