Chapter Five

1.5K 65 15
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

Halos apat na araw na kami rito sa Azvates. Marami na rin kaming napasyalan ng prinsipe. Sa mga araw na nakasama ko siya ay napansin kong maayos at kalmado na ang pakikitungo niya sa akin. Sa ngayon ay naririto ako sa aking kwarto para mag-ayos. Katunayan ay nahihirapan ako dahil nga walang tumutulong sa akin. Nasanay kasi akong si Kara ang umaasikaso sa akin. Matapos kong suotin ang isa sa pinamiling dress namin ay lumabas na ako ng kwarto. Agad na bumaba na ako dahil sabi ng prinsipe ay magkita na lamang kami sa tapat ng Inn. Pinakain niya pa kasi si Midnight.

Nang makalabas ako ay tumambad sa akin ang nakatalikod na pigura ng prinsipe. He's wearing casual attire. Kahit anong suot naman nito ay tiyak na babagay sa kaniya. Lumapit na ako sa kanya. Excited na rin ako sa susunod na papasyalan namin. Bukas kasi ay uuwi na kami. Susulitin ko talaga ang araw na ito.

"Greetings your highness" I courtly bowed. Wala namang ibang nakapansin sa ginawa ko kaya nakahinga ako ng maluwag. The prince smiled a bit. Napansin ko rin na medyo ngumingiti na rin siya. At sobrang gwapo niya talaga kapag nakangiti, lalo na kapag ngumingisi.

"Hold my hand" he offered his hand. Mabilis na tinanggap ko ito. Sabay kaming naglalakad, not minding our surrounding. Sa ilang araw na pamamalagi namin rito ay marami na rin kaming nakilala. Tulad ni Lola Isko at Lola Letty, maging ang apo nilang si Jane at Jake na kapwa pitong taong gulang.

Tumigil kami sa isang kalye kung saan may mga kalesa. Agad na lumapit ang prinsipe at kinausap ang isang kutsero. Inalalayan niya akong umakyat sa kalesa kasunod ay siya.

Binaybay na ng kutsero ang daan. Hindi ko nga alam kung saan kami mamamasyal ngayon.

"Mahal na prinsipe, saan tayo patungo?" Mahinang tanong ko dahil baka marinig ng kutsero na prinsipe ang kasama ko.

"We're going in the circus. I heard there's a lot of rides there" he said. Halos mapunit ang labi ko sa pag ngiti. Bihira kasi ang mga royalties at ibang nobles na dumayo sa circus. Maging ako, ito ang unang beses kong pupunta ng circus kaya ganito ako ma-excite.

"Nakapunta ka na ba sa isang circus kamahalan?" Tanong ko rito.

"Nope, I haven't go into one" he honestly said. So pareho pala naming first time na pumunta.

Halos mapanganga ako ng makita ang isang malaking gate. At natatanaw ko ang maraming tao sa loob, lalo na ang mga kabataan. Mula rito sa labas ay nakita ako ang naglalakihang mga rides.

Halos tumalon na ako pababa sa kalesa. I even heard the prince cursed. Sorry hihi, excited talaga ako eh.

Pagkatapos magbayad ng prinsipe sa kutsero ay mabilis ko na itong hinila papasok. Bago kami makapasok ay nagbayad muna ang prinsipe para sa entrance fee at nilagyan ng stamp ang kamay namin.

He paid two golds for the two of us. At masasakyan namin ang lahat ng rides dahil doon. Syempre ang mga pagkain ay hindi kasama doon.

Halos hindi ko alam kung ano ang uunahin naming sakyan. Siguro ay maglalaro na lang muna kami. Inilibot ko ang mata ko para makahanap ng magandang mapaglalaruan. Nahagip ng pansin ko ang isang batang naglalaro ng dart at pinapatamaan ang mga lobo.

"Mahal na prinsipe, doon po tayo maglaro!" Parang bata kong sabi. He chuckled then nodded. Napangiti ako kaya naman ay muli ko siyang hinatak.

"Maglalaro po kami" sambit ko sa nagbabantay sa palaruan. Ngumiti naman ito at inabot sa amin ng prinsipe ang tig lilimang dart.

Ang gagawin lamang ay dapat maputok namin ang limang lobo para makakuha kami ng dekorasyon sa ulo. Headband raw ang tawag. Ang cute kasi ng mga ito. May baboy, may palaka gano'n. Mabilis na naglaro kami ng prinsipe, halos mapatalon ako ng makumpleto kong maputok ang limang lobo.

No Longer A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon