Chapter Six

1.4K 62 11
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

Mahigpit ang kapit ko kay Cross habang tinatahak namin ang daan patungo sa palasyo. Inabot na kami ng gabi sa daan. Mabuti na lamang at short cut ang dinaanan namin.

Natanaw ko ang lugar kung saan unang nakita ko si midnight. Bumaba na si Cross at agad naman niya akong inalalayan.

"Stay here for a while, Midnight" Cross said to Midnight. Agad namang hinawakan ni Cross ang kamay ko at tinahak ang hindi pamilyar na daan. Hindi kasi kami sa gate dumeretso. Baka mabulabog sila lalo na't gabi na.

Ilang minuto kaming naglakad hanggang sa natanaw ko na ang garden.

"Thank you Cross" sambit ko. Ngumiti naman ito sa akin.

"I'll give you something" he said. Maya maya ay pumikit ito atsaka inusal ang isang enchantment.

I, Darkeus Cross Zaverson. Prince of Altherra Kingdom.
The holder of six elements
Calling you, the guardian of light element, Kairo

Napapikit ako sa sobrang liwanag. Maya maya ay nawala rin ito at tumambad sa akin ang isang puti at mabalahibong pusa.

"I'm giving you my light guardian. Take care of him, Eiry" sambit ni Cross at inabot sa akin ang tulog na pusa.

"I promise. Aalagaan ko siya Cross" nakangiting sabi ko at hinimas ang tulog na pusa.

"Pumasok ka na. Aalis na rin ako" sabi nito. Napatigil ako at bumaling sa kanya.

"When will I see you?" Mahinang tanong ko. Saglit naman itong natigilan. Hindi ko alam pero ngayon palang ay nam-miss ko na siya.

"I'll see you soon, hmm?" He said. Mahinang tumango ako at pilit na ngumiti.

"Promise?"

"Promise" tuluyan na akong napangiti sa kanya. Kumaway ako sa kanya bago lumabas ng garden.

"Bye Cross!" Paalam ko. He waved his hand. Nakangiting tumalikod na ako at umalis sa garden. Tahimik kong binabaybay ang daan patungo sa kwarto ko. Muli kong tiningnan ang pusang binigay sa akin ni Cross. Hindi pala basta bastang pusa ito dahil ito ang guardian of light. Bakit naman kaya binigay sa akin ni Cross ito? Pero gayunpaman, masaya ako dahil dito.

I'll definitely miss him. Pagkabukas ko ng kwarto ko ay nagtama agad ang paningin namin ni Kara. Nanlalaki ang mga mata nitong parang nakakita ng multo. Akmang sisigaw na sana ito ng agad kong inilagay ang kamay ko sa labi ko para patigilin siya. Nakuha niya naman ang gusto kong ipahiwatig kaya naman ay tinakpan niya ang bibig niya. Mabilis na lumapit ito sa akin at sinara ang pinto.

"My lady, saan ka ba galing? Limang araw lang nawala. Alam mo bang sobrang nag-alala ako sa'yo?" Walang tigil na sabi ni Kara. Deretso naman ako sa kama ko at ibinaba si Kairo.

"Nagliwaliw lamang ako sa labas Kara" sambit ko.

"My lady, limang araw kang nawala. Alam mo bang halos ipahalughog ng reyna buong Agartha? Kung hindi lamang sa sulat na pinaabot mo sa isang knight at hindi titigil ang reyna" sabi ni Kara. Nangunot naman ang noo dahil sa sinabi niya. Wala naman akong iniwan at ipinaabot na sulat ah. Muling sumagi sa isip ko sa si Cross. Tama, baka siya nga ang may gawa dahil siya lang naman ang nakakaalam na magtatagal kami sa Azvates.

"Gano'n ba?" Tanging nasabi ko na lamang.

"Nga pala My lady, dumating ang mga kapatid at kaibigan mo noong isang araw" sabi ni Kara dahilan para mapatigil ako. So they came home huh? Napayukom ako ng kamay. Muli kong naramdaman ang poot at galit ko sa kanila. Ano na naman kayang pakulo ni Kaye at nandito na naman sila? Imposibleng nandito sila para tingnan kung buhay pa ako diba?

No Longer A VillainessWhere stories live. Discover now