Chapter Forty Five

329 32 6
                                    

PAST MEETS THE FUTURE

XANDRA

Wala ako sa sarili kong napabangon. Napatingin ako sa paligid ko dahil hindi iyon pamilyar, puro puti lang ang nakikita ko.

Sinusundo na ba ako ni San Peter?

Pakiramdam ko din ay sobrang bigat ng ulo ko na para bang kahit anong oras ay puputok na ito.

At medyo masakit din ang katawan ko, parang ang tagal kong nakaratay dito sa kuwarto na toh..

Ang huli ko lang naaalala ay nasa hospital ako at—

Si Ferdinand!

Agad akong umalis mula sa pagkakahiga. Hindi ko pa nabubuksan ang pinto ay bigla na lang itong kusang nagbukas, at niluwa nito si—

"Xander?" Gulat na sambit ko.

Anong ginagawa ni Xander dito?!

"Oy gago— Xandra, gising ka na?! Sandali lang, tatawag lang ako ng Doctor—"

"Anong year na?!"

"Ano? Bakit—"

"Ang sabi ko anong year na?!"

"2081?" Agad nanlaki ang dalawa kong mga mata, at wala na itong mas mailalaki pa.

N-nakabalik na ako sa taong 2081?

"2081?" Paninigurado ko kaya tumango siya.

"Kurutin mo nga ako Xander," Sambit ko.

"Ha? Bakit—"

"Kurutin mo'ko!"

Hindi pa ako puwedeng makabalik! Kailangan pa nila ako!

"Aray—" Napadaing ako dahil kinurot nga ako ni Xander sa braso ko.

Napatulala ako dahil sa bigla ko na lamang napagtanto, nawalan ng balanse ang katawan ko at di ko namalayan na bumagsak ang sarili ko sa sahig.

"Oy, Xandra! Tumayo ka nga diyan, dapat hindi ka muna gumagalaw eh," At sinusubukan akong alalayan ni Xander ngunit hindi ko siya pinakinggan.

Nagsimula nanamang umagos ang mga luha ko.

"Ba't ka umiiyak oyy?" Tanong ni Xander sakin pero hindi ko siya sinagot. "Tumayo ka nga diyan!" At inalalayan niya ako tumayo at tinulungan niya ako makabalik sa higaan ko.

"Diyan ka lang ah, tatawag lang ako ng Doctor," Utos niya pero di ko siya pinansin.

Nang makalabas siya, doon ko binuhos lahat ng luha na kanina pa nagba-badya.

"May nakabangga sayo na sasakyan kaya ka nandito," Sambit ni kuya Xander kahit hindi ko naman tinatanong.

"Oum.." Tanging sagot ko nlang habang nakatulala lamang ako.

"Akala nga namin hindi ka na magigising eh, kasi makina nlang ang nagpapabuhay sayo.." Kuwento niya pa, "Himala nlang para sa amin nina Mama at Papa na nagr-respond ka pa din. Tapos minsan parang umiiyak ka pa nga eh,"

"Oo Xander, share mo lang," Pambabara ko rito at nilaro na lamang ang mga daliri ko.

"Pasalamat nlang talaga kami na sila ang sumagot sa gastos mo dito sa hospital," Saad niya pa.

"Sino ba nakabangga sakin?" Tanong ko nang mahimasmasam na ako.

"Isa sa anak ng angkan ng mga Araneta," Kunot noo kong tiningnan si Xander pagkasabi nun.

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now