Chapter Four

531 45 22
                                    

MARIA ALEXANDRA

"Nga pala, nasa baba si Ferdinand. Hinahanap ka!" Agad napakunot ang noo ko sa sinabi ng lalaking yun

Who the hell is Ferdinand?! Wala akong kilalang Ferdinand!

"S-sinong Ferdinand?" Utal na tanong ko

"Si Mr. Congressman!" Sagot naman nung lalaki

No, nananaginip lang ako!

Bigla na lamang akong nataranta, hindi ko na alam ang gagawin ko!

Tumingin ako sa paligid ng kuwarto ko. At may nakita akong bintana

What if tumalon ako sa bintana? Babalik kaya ako pag tumalon ako sa bintana? Wala namang mawawala kapag susubukan ko diba?

Ka-agad akong naglakad papunta sa may bintana at akmang isasampa ang isa kong paa doon ngunit..

"Imelda ano bang ginagawa mo?!" Tarantang tanong ng lalaki na kausap ko kanina

"Hindi ako si Imelda!" Bulyaw ko sakanya

Nai-sampa ko na ang isa kong paa ngunit may bigla na lamang humila sa mga braso ko, dahilan para bumagsak ako sa sahig. Napahawak ako sa balakang ko dahil sa sakit

Sana manlang dinahan dahan niya diba?!

"Magpapatawag na ako ng albularyo" Saad nung lalaki kaya agad akong napatingin sakanya at pinanlakihan ito ng mga mata

"Hindi ako baliw—"

"Iwan mo muna kami ni Imelda, Daniel" Sabay kaming napatingin nung 'Daniel' sa pintuan nang magbukas ito

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.. Yung mysterious Lola sa Malacañang Of The North! Siya yun!

"Ngunit Sister Visitación—" Napatigil sa pananalita yung Daniel nang biglang lumalim ang tingin nito sakanya, na para bang sinasabi niya na 'wag mo na akong hintaying magalit'

Wala ng nagawa yung Daniel kundi ang iwan kami at sinara ang pinto. Agad akong tumayo kahit sumasakit pa ang bandang balakang ko

"Sa paningin ng lahat, ikaw ay si Imelda" Panimula ni Lola

"Anong ginagawa ko dito?! Ibalik mo na ako!" Pakiusap ko sakanya

"Wala ng ibang paraan para makabalik ka pa sa kasulukuyan."

"But I want to go back na!" Sagot ko naman

"Ngunit kapag natapos mo ang iyong katungkulan, ikaw ay makalalaya na" Napakunot ang noo ko sa mga sinabi ni Lola

"A-ano pong katungkulan?" Kunot noong tanong ko. Gusto ko lang namang bumalik! Ba't kailangan pa nila ng pa-ganto?!

"Ikaw ngayon ay nasa taong 1954. Taon kung saan makikilala mo pa lamang si Ferdinand" Panimula ni Lola. Diba kanina ang sabi nung Daniel.. Hinahanap ako nung Ferdinand sa baba?! "Makinig kang mabuti Imelda!" Ka-agad akong napa-angat ng tingin dahil dun. Napansin niya siguro na balisa ako!

"E-ehh.. Sino yung Ferdinand sa baba na sinasabi ni Daniel kanina?" Naguguluhang tanong ko

"Kalimutan mo na yung sinabi ni Daniel. Pagka't ikaw ay magsisimula muli, mga sandaling ito ay walang Ferdinand na naghahanap sayo" Paliwanag ni Lola

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now