EPILOGUE

360 29 8
                                    

Pagkababa ko ng sasakyan, nilibot ko ang mga mata ko sa lugar na iyon. Kasalukuyan akong nandito ngayon sa Malacañang Of The North.

"It's been a while mula nung huli kong punta dito." Saad ko sa sarili ko.

Naglakad na ako papasok sa loob ng palasyo, at madami ang nanumbalik na alaala sa isip ko.

Kung alam ko lang na babalik pa pala ako, hindi na sana ako nagising pa.

Sa kalagitnaan ng paglilibot ko ay nakarating na ako sa Office Of The President.

Naalala ko na dito naglalagi si Ferdinand pag busy siya, ngumiti ako ng mapait sa pala-isipang iyon.

Muli kong nilibot ang mga mata ko, at nagilap ng mga mata ko ang isang portrait na natatakpan ng pulang kurtina.

Napalunok ako nang maalala ko na sa isang portrait din nagsimula ang lahat ng kababalaghan sa buhay ko.

Kahit may nararamdaman akong kaba, ay lakas loob kong hinawi ang kurtina na yun para makita ko kung ano natatakpan nito.

Napa-awang ang mga labi ko nang makita ko ang nakasabit na portait ni Ferdinand doon.

"Ang ganda pala dito sa opisina ng presidente!" Napakurap ako nang may narinig akong nagsalita mula sa likuran ko.

May kasama ako— teka, yung boses na yun, hindi ako puwedeng magkamali!

Agad ko itong nilingon at halos lumuwa na ang mga mata ko, na para bang nakakita ako ng multo.

Palihim kong kinurot ang mga braso ko, baka sakaling nananaginip nanaman ako. Pero hindi, mas malinaw pa sa future ko ang nakikita ko!

Mula sa tindig niya, hanggang sa mga mukha niyang mas maamo pa sa tupa.

Are we destined to meet here in this generation?

"F-ferdinand?"

END OF EPILOGUE

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now