Chapter Thirteen

456 40 31
                                    

FERDINAND

"Siya nga pala mga kababayan gusto kong ipakilala sainyo ang aking asawa—" At nilingon ko si Imelda sa likuran ko, ngunit hindi siya nahagilap ng mga mata ko. Wala siya room

Aba saan na nagpunta yun?

"Saan na napunta yun?" Tanong ko at tumingin sa mga tao "Nakita niyo ba si Imelda?" Tanong ko sakanila, pero tanging tili lang ang naisagot nila. Tumakas na siguro yun!

Pinuntahan ko ang mga bodyguards ko na dapat nakabantay kay Imelda

"Anong nangyari?! Ba't hindi niyo binantayan ng maayos ang asawa ko?! Paano kapag may nangyaring masama sakanya?!"

IMELDA

Mas gugustuhin ko pa na makulong sa bahay at naga-alaga ng mga bata kesa nandito ako sa venue na toh! Sobrang daming tao, hindi mo na ata mahulugan ng karayom toh!

Nang makasiguro akong hindi nakatingin sakin ang mga bodyguards ni Ferdinand, agad akong naglakad palabas. Bibilhan ko nlang ng toys si Bongbong!

Hindi pa ako nakakalayo ng venue nang bigla kaming nagkagulatan— ni Ferdinand. Nakatayo siya sa isang sulok, halatang inaabangan ako!

"At saan pupunta ang ating sunod na unang ginang?" Tiningnan ko si Ferdi at ngumiti, yung ngiti na parang ang laki ng kasalanan mo sa buhay! "Akala mo ba hindi ko alam na tatakas ka?" Dagdag pa ni Ferdinand at kinorner ako sa pader kaya napalunok ako

"G-gusto ko ng umuwi!" Utal na sabi ko sakanya "Iniintay ako ng mga bata!"

"Makakauwi naman tayo sweetheart, pero wag kang tumakas! Atsaka hindi mo naman alam ang daan pauwi sweetheart" Napasapo ako sa noo ko. Ba't di ko naisip yun? "Tara na sweetheart bumalik na tayo dun" At hinila ako nito pero nagpupumiglas ako, dahil ayuko talaga!

"Susunod ka sakin o hahalikan kita?" Agad akong natigilan ng mga sandaling yun at nakipag-titigan sakanya

Binasag ko ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa "None of the above, basta ako, uuwi ako!" Sagot ko naman

"That was not on the choices sweetheart. Unless, you want me to kiss you?" At ngumisi ito na parang aso

"Gago, ang feeling mo!" Sambit ko

"Tara na sweetheart, hinihintay na tayo ng mga tao dun!" At hinila niya ako, pero di ako nagpahila sakanya

"Ayuko nga sabi!" Saad ko rito "Sige kiss mo nlang ako!"

"What?" Tanong ni Ferdi na para wala siyang narinig

"Tss, wala! Tara na, bumalik na nga tayo dun!" At iniwan ko siya doon

"Wait sweetheart! Kiss mo na ako!" Rinig kong pahabol ni Ferdi mula sa likuran ko

"Bahala ka diyan!" Sagot ko sakanya

Nakabalik kami sa venue ng matiwasay, pero biglang bumalik ang kaba ko na kanina pa namamayagpag.

"Pasensya na kayo mga kababayan, sadyang naiinip lamang ang ang aking asawa. Siya nga pala mga kababayan! Ito ang aking pinakamamahal na asawa na si Imelda!" Pakiramdam ko mga ano mang oras gusto ko nlang mahimatay sa sobrang kaba. Grabe ang kabog ng dibdib ko ngayon! Gusto ko nlang magpa-lamon sa lupa...

Rinig ko na biglang nagsigawan ang mga tao, cheering for me.

"FIRST LADY!"

"FIRST LADY!"

"FIRST LADY!"

"I told you sweetheart, the people will love you!" Bulong ni Ferdinand sakin kaya pilit akong ngumiti at tumingin sa mga tao na nandun at nahihiya ko silang kinawayan

"Parang may gustong sabihin ang ating unang ginang!" Binelatan ko si Ferdinand sa sinabi niya na yun

"A-ano? Wala kaya—" Hindi na natuloy ang mga sasabihin ko nang bigla na lamang inabot ni Ferdi ang mic sakin at biglang iniwan ako sa harapan.

Tinawag ko pa siya "Ferdi!"

Naupo ito at ngumiti sakin, parang sinasabi niya na... Kaya mo na yan, matanda ka na! 

Putangina anong sasabihin ko?

Napatingin muli ako sa mga tao, ang they kept on cheering for me. Inaabangan talaga nila ako magsalita. No choice ako, alangan naman na tumakbo ako paalis ng stage uli. Baka masira image ng asawa ko!

Napahinga ako ng malalim bago ako magsalita.. "M-magandang araw sa inyong lahat.." Partida bumati pa lang ako pero grabe na ang hiyawan ng mga tao "Ako po si Maria Alexandra— ayy este.."

Yawa nadulas pa!

"Ako po si Imelda Marcos"

Tapos ano ng kasunod? Punyeta sana pala tumakbo nlang ako paalis ng venue kahit hindi ko alam ang daan pauwi.

"Kaya mo yan sweetheart!" Rinig kong sigaw ni Ferdinand mula sa likuran ko kaya nilingon ko ito

Humanda toh sakin mamaya!

Binaling ko muli ang tingin ko sa mga tao na naroon. Nagkakagulo pa din sila, ito na talaga. Aayos na talaga ako!

"Ikinalulugod ko po na makita kayo rito! Ramdam na ramdam ko po ang init ng inyong suporta para sa aking pinakamamahal na asawa na si Ferdinand!" At nilingon ko si Ferdinand sa likuran na nakaupo lamang, at nanatili lang siyang nakangiti sakin. Humanda talaga toh sakin mamaya! "Sana sa darating na election ay inyong iboto ang aking PINAKAMAMAHAL na asawa" Diniinan ko talaga yan para damang dama!

"Kapag binoto niyo ang asawa ko, may kiss kayo sakin!" At tiningnan ko si Ferdi mula sa likuran ko. Nakita ko na biglang nag-iba ang expresyon ng mukha niya, pero nanatili pa rin siyang nakangiti...

Ngiting may sama ng loob

END OF CHAPTER 13

(Otor: Hi vlog welkam to my guys, djk. I-plug ko lang sana tong peysbok (fb) ko na Sandara Marcos. I'm planning to be Mama Meldy and FEM's Convo story writer there hehe. I know medyo jeje (si Ferdi) pero kailangan ko ng sideline sa acc ko HAHAHA. I hope you support me, thank you!)

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now