Chapter Eighteen

384 31 31
                                    

IMELDA

"Diyan ka lang, kung ayaw mong magpatawag ako ng pulis." Banta ko sa lalaking ' Ninoy ' daw ang pangalan.

"Hindi mo na ba talaga ako naaalala, Imelda?"

"Hindi nga, kulit mo!" Singhal ko sakanya.

"Sweetheart? Sino siya?" Ka-agad akong napalingon sa likuran ko dahil bigla ko na lamang narinig ang boses ni Ferdinand.

Pahamak talaga kayo, mga walang ambag sa kalikasan.

"D-di ko siya kilala!" Palusot ko sakanya.

"May kailangan ka sa asawa ko, sir?" Tanong ni Ferdinand at pinuwesto ako sa likuran niya.

"Wala naman po President Marcos. Kakilala ko po kasi siya—"

"Hindi nga kita kilala! Ba't ba ang kulit mo?!" Singhal ko at akmang susugudin sana siya pero bigla na lamang ako inawat ni Ferdinand.

"Sweetheart kumalma ka!" Suway ni Ferdinand kaya napa-buntong hininga na lang ako, "Sino ba kasi yan?"

"Hindi ko nga siya kilala!" Sagot ko naman.

"Ex mo?"

"What?! No way!" Tanggi ko ka-agad. "Sabi niya manliligaw ko daw siya noon, eh hindi naman totoo yun!"

"Eh mas jeje pa ako diyan eh!" Kinurot ko sa tagiliran si Ferdinand dahil sa sinabi niya.

"Umalis na tayo dito, baka scammer lang din yan tulad ni Luis!" At ka-agad nag walkout.

FERDINAND

Matapos mag walkout ni Imelda, ka-agad kong tiningnan ang lalaking kausap ni Imelda kanina lamang.

Manliligaw niya ito noon? Eh mas jeje pa ako dito eh!

"Totoo ba ang sinasabi ni Imelda, 'pre?" Tanong ko sakanya.

"Patingnan mo na sa doctor yang asawa mo President Marcos, makakalimutin na ata eh." Tanging sagot nung lalaki.

Sana naman hindi pa nagu-ulyanin si Imelda ano?

"Pero kilala mo talaga asawa ko?"

"Nakakapag-taka lang bigla na niya akong kinalimutan.." At napakamot ito sa ulo niya.

Baka naman niloloko lang talaga ako nito ha? Baka naman totoo yung sinasabi ni Imelda na hindi nga talaga sila magkakilala!

"Ah, wag mo nlang lapitan si Imelda para hindi na tayo magkagulo! Eh mas jeje naman ako sayo kung tutuosin." Payo ko rito at ngumiti ng peke "Mauna na ako, magkita nlang tayo dun." At lihim na umirap sabay walkout na din.

At nang makabalik ako, nadatnan ko doon si Imelda na nakatayo habang pinapaypayan ang sarili, agad ko naman itong nilapitan.

"Sweetheart?" Sambit ko kaya naman gulat siyang napatingin sakin. Gulat na gulat pa nga eh.

Ewan ko ba diyan sa asawa ko, masyadong magugulatin! Kulang nlang atakihin na sa puso yan. Pero atleast mahal ko siya!

"Ayy susmaryusep ka Ferdinand! Patawarin ka!" Gulat na sabi niya sakin. "Ba't ba ang hilig mong manggulat?!" Angil nito.

"Hindi ako nanggugulat, ikaw lang talaga ang nagugulat!" Pabarang sagot ko rito.

"Eh paanong hindi ako magugulat kung bigla ka nlang susulpot dyan sa tabi tabi? Dati ka bang kabute?!"

Itong babaeng ito, kahit kailan napaka-balasubas magsalita, pasalamat ka mahal kita!

"Ano ba kasi pangalan nung lalaking yun?" Tanong ko sakanya.

"Sabi niya 'Ninoy' daw ang pangalan niya. Eh di ko naman tinatanong!" Sagot ni Imelda sakin.

"Sigurado kang hindi mo kilala yun?" Paninigurado ko sakanya.

"Hindi nga sabi eh!" Angil niya.

"Init agad ng ulo mo ah?" Asar ko rito. Nakita ko kung paano ito napa-buntong hininga.

"Di ko nga siya kilala! Atsaka wala naman ako naging manliligaw!"

"Wala pala ha." At nairap ako sa kawalan. "So hindi mo ako manliligaw?"

"Hindi kita manliligaw kasi asawa na kita!" Sagot ni Imelda habang patuloy pa din ito sa pagpapaypay sa sarili niya.

END OF CHAPTER 18

(Short UD muna coz wala lang 🤩)

P.S: Always remember, jeje si Ferdii.
Epbii: Sandara Marcos

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now