Chapter Nine

494 44 13
                                    

IMELDA

Kabado ako ngayon dahil ngayon ay araw ng kasal namin ni Ferdinand. What if magkamali ako ng wedding vows ko na sasabihin kay Ferdinand?

Lord gabayan niyo po ako sa mga taon ng pagsasama namin ni Ferdinand. At sana hindi din ako mabuking sa loob ng 32 years..

"Imelda, ikakasal na kayo ni Ferdinand ngayon. Kaya ikaw, ayusin mo ang mga pananalita gayun na din ng asal mo" Bilin ni Lola Visitación habang inaayos ang suot kong gown

Infair dito sa wedding gown ko, feeling ko ako lang meron nito sa buong universe! Napaka-swerte ko talaga kay Ferdinand

Inlababo na ata ako sakanya!

"Lola, inlababo na ata ako kay Ferdinand!" Sambit ko kay Lola kaya tiningnan ako nito

"Anong inlababo?" Kunot noong tanong niya sakin "Lababo? Gusto niyo sa lababo tumira?"

"Panira ka kamo ng trip Lola!" Reklamo ko "I mean.. Basta! Inlababo ako!" Dagdag ko

"Lola, sasama ka ba sakin pag magsasama na kami ni Ferdi sa iisang bubong?" Pagi-iba ko ng usapan

"Oo, dahil wala akong tiwala sayong bata ka!"

Arayy Lola ah?

"Lola grabe ka naman sa walang tiwala! Ako lang toh, si Xandra!" Reklamo ko

"Yun na nga eh, ikaw si Xandra, hindi si Imelda!" Agad akong napa-simangot dahil dun

Kasalukuyan na ako ngayong naglalakad papunta sa altar sa simbahan. And there I saw Ferdinand waiting for me

Kung puwede nga lang mag runaway bride baka ginawa ko na. Kaso baka bigla akong itakwil ni Lola!

Nakatingin lang sakin si Ferdinand kaya naman nahihiya akong ngumiti. Kinakabahan din ako at the same time, mas malala pa ata yung kaba ko dito sa kasal na toh kesa sa thesis defense namin sa school!

Palapit ako ng palapit kay Ferdinand. At nakita ko na ngumiti pa ito sakin—

"AYYYYY!" Napatili ako, gayun na din ang mga tao nang bigla ko na lamang akong natapilok nang naapakan ko ang laylayan ng suot kong Trahe de Boda. Mabuti na lamang at nasalo ako agad ni Ferdinand

"Imelda ayos ka lang?!" Tanong ni Ferdi sakin habang naka-alalay ako sakanya para hindi ako tuluyang madapa.

"A-ayos lang ako!" Palusot ko at umalis mula sa pagkakahawak sakin ni Ferdinand

Anong kahihiyan ang nagawa ko ngayon?! At sa mismong kasal pa nina Imelda at Ferdinand ha?!

Tinuloy na lamang ni Father ang misa. Madami pang satsat si Father bago kami makapag-exchange ng 'i do' eme

"You, Imelda Remedios Visitación Romuáldez, do you take Ferdinand as your lawfully wedded husband? For richer and for poorer, in sickness and in health, 'til death do us part?" Tanong ni Father sakin kaya hindi ako nakasagot ka-agad

Ano ba sasabihin ko? Diba ‘ I do? ’

Tiningnan ko si Ferdinand, nakatingin din siya sakin, napansin niya siguro na hindi pa rin ako makasagot kay Father

"Anong sasabihin ko?" Bulong ko rito, pero kami lang ni Ferdinand ang nakakarinig nun

"I do malamang!" Pabulong na pambabara ni Ferdinand sakin

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now