PROLOGUE

968 51 4
                                    

Kasalukuyan ako ngayong naglilibot sa Malacañang Of The North

Sa kalagitnaan ng aking paglilibot ay isang bagay ang pumukaw sa aking mga mata. Ngunit ito'y natatakpan ng isang pulang kurtina

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko ngunit wala iyon sa sarili kong nilapitan ito. Dahan dahan kong inalis ang pulang kurtina para makita ko kung ano ang tinatakpan nito

Bahagya akong napaubo dahil sa alikabok na nalanghap ko, marahil nanggagaling iyon sa kurtina nang iyon ay maalis ko na

Siguro matagal-tagal na rin ito na-stock rito

Ilang sandali pa ang nakalipas ay tiningnan ko na ang nasabing tinatakpan ng pulang kurtina. Ito ay isang portrait!

Isang matangkad na babae, naka-suot ito ng puting Filipina Dress. At naka-pusod ang kanyang buhok mula sa likuran

Napakusot ako ng aking dalawang mata nang may isang bagay akong napagtanto

Kamukha ko ang babae sa portrait

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now