Chapter Eight

469 39 4
                                    

— short UD muna goizz, bawi tayo bukas 🤍

IMELDA

Ilang araw na lang bago kami maikasal ni Ferdinand. At nakabalik ako ng Maynila ng matiwasay!

Minsan napapaisip din ako kung ano na ang lagay nina Mama, Papa at kuya Xander. Kumusta kaya sila? Sana naman ayos lang sila!

Ngayon ay nakaupo ako sa lamesa habang pinapanood ko si Lola Visitación na magluto. Bibisita daw kasi si Ferdinand dito!

"Lola, kapag ba hindi ko hinayaang mapatalsik si Ferdinand sa pagka-presidente niya.. Makakabalik na ako?" Tanong ko kay Lola kaya naman nilingon ako nito "As in agad agad?"

"Oo nga, ba't mo naman natanong?" Ani Lola

"Ehh ano mangyayari kung hindi mapatalsik si Ferdinand?" Tanong ko pa

"Makakabalik ka ng mapayapa sa kasalukuyan. Yun ay kung tinupad mo ang misyon mo!" Sagot ni Lola sakin "At kung iyon ay hindi mo natupad, asahan mo apo. Malaki ang kahaharapin mo sa kasulukuyan" Dagdag pa ni Lola

Napapalapit na din kasi ang loob ko kay Ferdinand kahit papaano.

"Lola? Diba sabi mo tatlo ang naging anak nina Imelda at Ferdinand?" Tanong ko

"Oo, dalawang babae, at isang lalaki" Ibig sabihin magbubuntis ako?

Ayos lang yun, basta si Ferdi naman ang ama why not

"Ehh Lola ba't kailangan hindi mapatalsik si Ferdinand?" Nakasimangot kong tanong

"Kapag hindi napatalsik si Ferdinand bilang presidente, magiging mapayapa ang Pilipinas sa susunod na mga taong pamumuno niya.. Magiging maunlad pa ito!" Sagot ni Lola

"Lola, kung sakali man pong hindi ako magtagumpay sa mission ko.. Anong mangyayari sakin sa future?" Tanong ko muli

"Bibigyan muli kita ng katungkulan, ngunit asahan mo na mas mahirap ang iyong kahaharapin"

"Related pa din ba kay Ferdinand yung gagawin ko sa future?" Curious na tanong ko

"Mismo!" Sagot ni Lola

"T-talaga po?" Gulat na tanong ko pero hindi kumibo si Lola "Ehh Lola, paano ko kaya maiiwasan ba mapatalsik si Ferdinand?" Curious na tanong ko

"Malalaman mo din!" Tanging tugon ni Lola "Ngunit hindi pa panahon para iyon ay iyong malaman, oh siya, iyong munang bantayan ang aking niluluto dahil nariyan na si Ferdinand. Pagbubuksan ko lamang ng pinto" Napangiti na lamang ako habang nakabantay sa sinaing, excited na akong makita si Ferdi

Parang ayaw ko na tuloy bumalik sa future dahil dito kay Ferdinand!

FERDINAND

Nang makarating ako sa bahay ni Imelda, agad ko siyang hinanap

"Si Imelda po Sister?" Tanong ko kay Sister Visitación at nagmano nang pagbuksan ako nito ng pintuan

"Si Imelda ay nasa kusina lamang. Akin muna siyang tatawagin!" Sagot ni Sister kaya ngumiti na lamang ako

At tulad ng nakasanayan, nagdala muli ako ng munting regalo para sa mahal ko.

All your hardworks are already payed off Ferdinand! Ikakasal na din kayo ni Imelda!

"Ferdi!" Salubong ni Imelda sakin kaya naman hinalikan ko ang noo nito. Aaminin ko, natutuwa ako sakanya minsan kapag ‘Ferdi’ ang tawag niya sakin. Di ko lang alam kung saan niya nakuha ang pangalan na yun!

Minsan ay napapadalas na din ang mga sinasambit niya sakin na mga hindi pamilyar na salita. Buti na lang talaga mahal kita!

"Mahal ko, para sayo nga pala!" At inabot ko sakanya ang bini kong bulaklak at mga tsokolate. Alam kong paborito niya yun!

"Ba't ngayon ka lang? May bagong chix ka na noh?" Saad ni Imelda

"Chicks? As in... Sisiw?" Paninigurado ko

"Wag mo namang ipahalata na matanda ka na talaga Ferdinand!" Pabarang saad niya

"Sinong matanda huh?!" At sinamaan ko siya ng tingin

"Biro lang!" Sagot naman niya "Ikaw naman bilis mong ma-beastmode!"

"Hayy naku kayong dalawa diyan! Halina kayo at kumain, at lalamig ang pagkain!" Pagtawag ni Sister samin

Ngayon ay ang mismong araw na ikakasal na kami ni Imelda. Matapos ng ilang araw panunuyo, dito rin kami sa simbahan mauuwi!

Nakatayo lamang ako dito sa may altar, kasama ang pinsan niya na si Daniel. Nang makapasok na ang lahat ng guess sa loob ng simbahan, at susunod na ang bride.

Bigla na lamang ako nakaramdam ng kaba ng makita kong hindi pa din pumapasok sa loob ng simbahan si Imelda. Kinakabahan ako na nae-excite!

Hindi kaya't tinakbuhan na ako nun? Wag naman sana!

Ilang sandali pa ay nasilayan ko na ang magandang si Imelda. At ito ay naglalakad papuntang altar

Akala ko tinakbuhan niya ako!

END OF CHAPTER EIGHT

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now