Chapter Three

601 47 20
                                    

MARIA ALEXANDRA

"Ano pong sinasabi niyo, Lola?" Naguguluhan na tanong ko. Dahil mapa-hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sakin ang mga sinasabi ni Lola!

"Ikaw ang magpapatuloy sa naudlot na ibigan niyo, Imelda"

"Please Lola, stop calling me Imelda. Hindi ako si Imelda! Xandra po ang pangalan ko!" Pagu-ulit ko

"Kahit itanggi mo pa na ikaw si Imelda, hinding hindi mo maikakaila na dugo pa rin ng mga Marcos ang nananalaytay sayo!" Agad akong natahimik sa sinabing iyon ni Lola

Yes, may dugong Marcos ako. Pero hindi naman ibig sabihin nun na ako si Imelda na sinasabi niya!

"Hindi na po ako makikipag-talo sainyo Lola. Naiintindihan ko po na nagu-ulyanin na kayo!" Tanging saad ko "Mauna na po ako, baka hinahanap na ako ni Mama at papa, pati na rin ni kuya" Pamamaalam ko at naglakad na

Lalagpasan ko na sana si Lola nang—

"Tandaan mo ito Hija, magmula sa araw na ito. Mababago ang takbo ng buhay mo" Natigilan ako sa sinabing yun ni Lola kaya bahagya ko siyang nilingon, pero nanatili siyang nakatitig sa wedding picture nina Imelda at Ferdinand

"At magmula sa araw na ito, mababago din ang takbo ng nakaraang buhay nina Imelda at Ferdinand"

Bahagya akong napalunok nang dahil dun. Dahil mukha talagang seryuso si Lola kung tutuosin!

Hindi ko na iyon binigyang attensyon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad pabalik..

"Lalim ata ng iniisip mo diyan ah?" Puna ni Kuya Xander ngunit hindi ko siya pinansin dahil ang dami talagang gumugulo sa isipan ko ngayon "Saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap nila Mama!"

"Huyyy Xandra!" Dun lamang ako natauhan nang biglang pinitik ni kuya ang noo ko

"Aray ko kuya!" Daing ko

"Ano ba kasing iniisip mo diyan?" Tanong ni kuya at umirap sa kawalan

"Wala! Pagod lang ako" Palusot ko sakanya, pero ang totoo iniisip ko pa din kung ano ang ibig sabihin ni Lola tungkol sa sinabi niya sakin kanina!

At magmula sa araw na ito, mababago din ang takbo ng nakaraang buhay nina Imelda at Ferdinand

Paulit-ulit ko yang naririnig sa isipan ko! Walang humpay, parang ginagambala pa ako

"Kuya may tanong ako" Sambit ko sa kawalan at nag-angat ng tingin kay kuya

"Ano yun?" Tanong naman niya

"Possible kayang.. Magkaroon tayo ng kamukha?" Tugon ko

Nakita ko naman na parang napaisip pa si kuya sa tanong ko na yun

"Possible naman! Pero I think, they are called dopplegangers!" Sagot ni kuya

"Ehh kuya? Possible kayang... May maging kamukha tayong mga di na nage-exits sa Earth?" Pahabol na tanong ko kay kuya

"Paanong di nage-exist? Like.. Mga alien sila ganun?"

"Kuya!" Inis kong sabi at hinampas ang mga braso niya

"What's your point ba?" Tanong ni kuya at natawa

"Like.. May look alikes ba tayo na patay na ganun!" Diretsang sagot ko. Agad namang tumawa ng malutong si kuya

"Xandra! Don't be this insane. Kaka-wattpad mo na siguro yan!" Ka-agad akong napairap ng mga sandaling yun

I knew he would react likes this. Haup ka Xander!

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now