Chapter Twenty Eight

383 32 27
                                    

FERDINAND

"Sino si.. Maria Alexandra ba yun? Atsaka bakit.. Yun ang tawag ni Sister sayo kanina? Eh, diba Imelda naman ang pangalan mo?" Kunot noong tanong ko kay Imelda.

Hindi ako sinagot ni Imelda, bagkus ay tiningnan niya lang ako.

Narinig ko ang usapan nilang dalawa ni Sister Visitación kanina.

Ang nakakapagtaka lang ay ibang pangalan ang naririnig ko na tawag sakanya ni Sister.

Maria Alexandra daw—

"A-ano pang narinig mo?" Sa tono pa lamang ng pananalita ni Imelda ay kinakabahan na siya.

Ano bang meron?

"Ano—"

"Ferdinand.. Intindihin mo nlang si Lola ha?" Agad napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya na yun, biglang nag-iba ang ihip ng hangin ha?

Parang naging maamong tupa si Imelda sa lagay niya na yun. "Nagu-ulyanin na si Lola!" Pabulong na sabi ni Imelda sakin. "Alam mo na.. Tumatanda na kasi! Intindihin mo nlang, nagkaka alzheimer's na kasi Lola eh."

"Sino muna si.. Maria Alexandra?" Tanong ko.

"Tara na kumain na tayo—"

"Sino nga yun?" Pamimilit ko at hinablot ang braso niya.

"Ferdinand—"

"May hindi ka ba sinasabi Imelda?" Taas kilay na tanong ko sakanya.

"Tara sa sala, doon ko na iku-kuwento!" At nauna itong naglakad sakin papunta sa sala.

Di man lang ako hinintay?

Teka ayos na ba kami? Pinatawad na niya ako?

Sinundan ko na lamang si Imelda sa sala, at nandun siya nakaupo habang nagbabasa ng libro. "Sino nga yun sweetheart?"

Napa-angat si Imelda ng tingin sakin sabay, "Di ko din kilala eh."

Naghintay ako sa wala, ang galing.

"Like what I said, nagu-ulyanin na si Lola! Kaya kung sino sinong na yung nababanggit  niya!" Sagot naman ni Imelda.

"Pero—"

"Shut up, nandoon sina Imee sa taas yayain mo nlang doon." Putol ni Imelda sa sasabihin ko kaya napakamot ako sa batok ko.

Minsan iba talaga ang tama ni Imelda.

Buti nlang talaga mahal kita at jeje ako.

— 1969

Kakauwi lang namin ngayon ni Ferdinand galing sa pangangampanya dahil eleksyon nanaman.

Tatakbo daw uli si Ferdinand, ni hindi na nga siya makalakad sa sobrang dami ng tao dito!

Tatay daw siya ng Pilipinas, eh pagiging tatay nga niya kina Imee, Bongbong at Irene sumasakit na agad ulo niya. Pagiging tatay ng buong Pilipinas pa kaya?

No hate, just facts.

#factsnimeldy

Kumakain ako dito ngayon sa sala, habang ang tatlong junakis naman ni Ferdinand ay busy sa kanya kanyang buhay nila.

Naglalaro lamang sina Imee at Bongbong, habang si Irene ay lonely lang.

May sariling mundo si Irene.

"Mommy, I have a question." Sambit ni Irene habang nagkukulay ito sa coloring book niya.

"What was it dear?" Tanong ko rito habang lumalamon ako.

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now