Chapter Five

540 40 35
                                    

MARIA ALEXANDRA

"Nga pala, Imelda. Si Ferdinand, yung kasamahan ko sa congreso" At tinuro ni Daniel ang kasama niya "Ferdinand, si Imelda. Yung pinsan ko!"

SIYA SI FERDINAND?!

"S-siya si Ferdinand?" Wala sa sariling tanong ko. Bigla na lamang ako napatakip sa bibig ko dahil bigla kong napagtanto ang mga sinabi ko

"Oh, I see. Nakilala mo na pala si Ferdinand?" Kunot noong sabi ni Daniel

"A-ahhh hindi, naririnig ko lang siya sa tabi tabi" Palusot ko at napaiwas ng tingin sa kanila dahil grabe naman kung makatingin sila sakin, parang ang laki ng naging mga kasalanan ko!

"Ikinagagalak ko na makilala ka, Imelda" At inabot ni Ferdinand ang kamay niya sakin kaya naman nahihiya kong tinanggap yun at nakipag-kamay sakanya, at ngumiti ako ng tipid

"Ako din" Tugon ko naman rito. Nakita ko na ngumiti ito sakin, bigla na lamang ako nakaramdam na parang nag-init ang mga pisnge ko. Agad kong binawi ang mga kamay ko sabay umiwas ng tingin

"U-uuwi na ba tayo?" Kinakabahan kong tanong kay Daniel. Kahit hindi mo sabihin, nakatitig pa din sakin si Ferdinand

Kulang nlang matunaw na ako sa mga titig niya!

Ehe enebe— yawa hindi bagay!

"Uuwi tayo maya maya! Nagugutom ka na ba? Gusto mo ba bilhan na kita ng pagkain?" Presinta ni Daniel

Ano bang isasagot ko? Mahirap pala maging si Imelda, tapos hindi ko pa kasama yung si Lola

Magsasalita na sana ako pero—

"Ililibre ko nalang si Imelda! Ako na bahala" Biglang singit nung Ferdinand kaya pinanlakihan ko toh ng mga mata

"Naku Ferdinand wag ka na mag-abala!" Sabi naman ni Daniel

"Hindi na!" Saad naman ni Ferdinand. Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa, kaya halos maduling na ako! "Diba may pinapagawa pa ako sayo? Ba't hindi mo na gawin?"

Nakita ko na napakamot sa batok si Daniel at umalis na lamang

Ano nga bang gagawin ko?

"Nagugutom ka na ba talaga Imelda?" Biglang tanong ni Ferdinand sakin kaya naman napakunot ang noo ko

"H-ha?"

"Ba't kinakain mo na yang mga kuko mo?"

"A-ayyy.." Napahiyang saad ko at binaba ang mga kamay ko. Kinakagat ko na pala yung mga kuko ko! Medyo nat-tense kasi ako.

Nakakahiya!

"Gusto mo na ba kumain? Ano ba gusto mo kainin?" Pagi-iba ni Ferdinand ng usapan

"Kahit ano na" At pilit akong ngumiti

Habang kumakain lamang ako dito..

"Paano mo nga pala ako nakilala?" Biglang tanong ni Ferdinand kaya biglang naudlot ang pagsubo ko, NG PAGKAIN HA? Naku yung mga utak niyo!

Pero paano ko nga ba siya nakilala?

"Ahmmm... May naririnig na kasi akong chika about sayo" Sagot ko naman. Nakita ko naman na napakunot ang noo ni Ferdinand

May mali ba sa mga nasabi ko?

"Ano?" At natawa pa si Ferdinand

Ang expensive ng pagtawa nito! Halatang di mapapasayo

"Chika?" Saad naman ni Ferdinand

"What I mean.. Mga.. Chismis?" Agad naman akong napatampal sa noo ko dahil sa sinabi ko

Ako ata ang sisira sa love story nina Imelda at Ferdinand!

"Basta.." At nagpatuloy nlang sa kinakain ko. Pero infair dito sa pagkain, masarap. Parang yung kaharap ko, masarap. Joke!

"Nakakatuwa ka naman Imelda" Sambit naman niya sakin

Ako lang toh!

"Siya nga pala Imelda.." Natigilan akong muli sa kinakain ko nang nagsalita si Ferdinand. I gave him a puzzled looked

"I was a bit bothered.." Agad akong nakaradam ng kaba sa sinabi niyang yun. What if may napansin na siyang kakaiba sakin?!

"B-bothered? S-saan?" Kinakabahan kong tanong

"Yung sapatos mo kasi Imelda, hindi magka-pares!" Agad akong napatingin sa lapag nang sinabi niya yun

Yawa! Magkaibang pares pala ng sapatos ang nai-suot ko

"S-sorry.. Nagmamadali kasi ako kanina" Nahihiyang saad ko. Narinig ko pa ang pagtawa ni Ferdinand

Anong kahihiyan ang nagawa ko ngayon?!

"If you will marry me, Imelda. I will court you forever" Muntikan na akong mabulunan ng mga sandaling yun

ANO DAW?!

If you will marry me, Imelda. I will court you forever?!

Nasisiraan na ba siya ng ulo?!

"Imelda ayos ka lang ba? Ito magtubig ka na muna!" At inabutan ako ng tubig ni Ferdinand kaya naman agad ko iyong kinuha at ininom

"N-nakakabigla ka naman!" I stated "Sa susunod wag ka na mag joke ng ganun!"

"Ngunit seryuso ako Imelda" Napanganga ako ng mga sandaling yun

"Alam kong guwapo ka! Pero hindi naman porke guwapo ka, ehh maga-alok ka na agad ng kasal! Sana manlang manligaw ka diba?" Wala sa sariling sambit sakanya. Wala ako sa sariling tumayo mula sa inuupuan ko at biglang naglakad palayo kahit di ko mawari kung saan ako maaaring dalhin ng mga paa ko

Don't take advantage ba?! Yun lang naman ang point ko

Sino ba siya para alukin agad ako ng kasal? Sana manlang manligaw siya diba?!

It took them 11 days to fall inlove. Yun lang ang alam ko, pero di ko naman alam na nag-alok pala agad ng kasal tong si Ferdinand!

Napatigil na lamang ako sa paglalakad nang makita kong nasa harapan ko na pala si Ferdinand

“ I don't believe in courtship, it's a waste of time. If I love the person I would her right away. But for you my Imelda, I'll make an exception, just love me now and I'll court you forever ”

END OF CHAPTER FIVE

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now