Chapter Thirty Four

273 38 28
                                    

IMEE

Nanatili lamang kami na nakatago sa likuran ng halaman habang pinapakinggan namin ang pinagu-usapan nina Daddy at nung girl.

"May asawa na ako, may mga anak na din. Kaya tigilan mo na ako, umalis ka na dito!" Rinig namin na sabi ni Daddy.

*GASP*

Sabay kaming napatakip sa mga bibig namin dahil sa narinig namin.

"It's confirmed Ate!" Gulat na sabi ni Irene.

"Past lover siya ni Daddy!" Singit ni Bonget.

"Pero ba't siya nandito kung past lover nga siya ni Daddy?!" Inis na tanong ko.

"I want you back Ferdinand.." Sabi naman nung babae.

I can't stand it, seeing Daddy with another girl! Dapat si Mommy lang.

"Maghanda kayo, susugudin natin yan!" At aalis na sana ako sa puwesto namin pero pinigilan ako ni Irene at Bonget. "Ano ba! Let go of me!" Habang patuloy pa din akong nagpupumiglas.

"Ate, wag kang padalos dalos!" Saad ni Irene.

"I can't stand it!" Inis na sabi ko habang tanaw namin si Daddy with that girl.

"Kumalma ka!" Suway ni Bonget.

Huminga muna ako ng malalim, pinapakalma ang sarili ko.

Tama, kumalma ka Imee..

Habang pinapakalma ko ang sarili ko bigla na lamang may nabasag na flower vase sa likuran ni Irene.

Napatingin kami sa isa't isa, "Hoyy, narinig ata tayo ni Daddy!" Sambit ni Bonget.

Sumilip kami sa gawi ni Daddy, nakatingin nga siya sa gawi namin kaya agad kaming nagtago ng mabuti sa halaman.

"Ano gagawin natin Ate?" Kinakabahang tanong ni Irene habang nakiki-siksik ito samin ni Bonget. "Baka makita tayo ni Daddy!"

Pahamak talaga yung halaman!

"May tao ba diyan?" Rinig namin na sambit ni Daddy kaya mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Irene samin.

Bahagya akong sumilip, nakatingin talaga si Daddy sa tinataguan namin.. Mahuhuli na kami nito!

Naririnig na din namin ang yabag ng mga paa ni Daddy, senyales na palapit na siya amin.

"Ferdinand? Anong ginagawa mo dito?" Agad kaming bahagyang napasilip nang marinig namin ang boses ni Mommy.

"Omg, that's was near!" Sambit ko sa kawalan.

"Baka mag away sila Mommy at yung kasama ni Daddy na girl!" Sambit ni Irene.

"Deserve niya yun!" Sagot ko rito.

IMELDA

Matapos ng pagsasayaw ko kay Dr. Barnard, agad akong tumakbo palabas ng palasyo baka sakaling nandoon pa din si Ferdinand.

At di nga ako nagkamali, nandoon nga siya! At may kausap siya na babae.

At sino naman itong asungot na toh?

Nagtago ako sa isang tabi para makinig sa usapan nila, "May asawa na ako, may mga anak na din. Kaya tigilan mo na ako, umalis ka na dito!" Rinig kong sabi ni Ferdinand kaya agad nagkasalubong ang mga kilay ko.

Niyukom ko ang mga kamay ko, handa na din itong manapak. Totoo nga ang sinasabi ni Imee, ex nga toh ni Ferdinand?

"I want you back Ferdinand.." Sabi naman nung babae na kausap niya.

Putangina, iiwan iwan mo yung asawa ko tapos babalikan mo?

Nakahithit ka nanaman ng katol?

Agad akong nakarinig na para may nabasag na flower vase, kahit hindi ko sabihin, alam kong nanonood lang dun yung tatlo niyang junakis.

Agad akong lumabas sa tinataguan ko nang pakiwari ko ay lalapit sana si Ferdinand sa gawi na yun, "Ferdinand? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang ako ay makalabas.

"Imelda?" Sambit ni Ferdinand, tiningnan ko ang kasamang babae ni Ferdinand.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, at binigyan ko siya ng tingin na parang hinuhusgahan ko ang buong pagkatao niya.

"Sino naman toh?" Sarcastic na tanong ko at tinuro ang babae na kausap ni Ferdinand kanina.

Napataas ang isang kilay ko nang hindi pa din ako sinasagot ni Ferdinand, "Ano? Sino toh?" Pagu-ulit ko, pero di niya pa rin ako sinagot. "Sagot!"

"S-siya si Carmen.."

"Ex mo?" Tanong ko sakanya.

"Common-law wife ko siya noon Imelda—"

"Ehh iisa lang yun, naging kayo!" Putol ko sa mga sasabihin niya sana.. "At ikaw naman babae!" Pagtawag ko sa attention nung Carmen na yun. Whatever her name is! "May asawa na yung tao, matuto kang humanap ng lalaking walang sabit, nagmumukha kang kabit dear."

Pero di ako sinagot nung Carmen na yun nanatili lang siyang nakayuko, hindi ba siya marunong magsalita? Ano siya walang bibig?

"Di ka magsasalita? Ano ka walang bibig?" Tanong ko sakanya, kay Carmen. "Di mo manlang ipagtatanggol sarili mo?"

"Ang weak mo dear." At umirap sa kawalan. "At ikaw naman Ferdinand, magusap tayo sa loob. Madami kang kailangang ipaliwanag naku ka! Sa sala ka talaga matutulog mamaya!"

END OF CHAPTER 34

PORTRAIT (Under Editing)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu