Chapter Ten

515 42 34
                                    

IMELDA

Ilang buwan na din mula nung maikasal kami ni Ferdinand.

"Nasaan si Ferdinand, Imelda?" Tanong ni Lola nang hindi niya mahagilap si Ferdinand kung saan

"Nandun sa Baguio!" Sagot ko naman

"Anong ginagawa niya sa Baguio?" Kunot noong tanong ni Lola

"Ewan ko dun, nilayasan niya na ako Lola!" Pabarang sagot ko

Nagc-crave ako ng chicken ngayon! Sana naman may pasalubong siya para naman may silbi siya. Mismong Valentines pa siya naglayas ah?

"Lola, pansin ko lang, parang delay period ko!" Ani ko at binaba ang librong binabasa ko sabay angat ng tingin kay Lola. Nakita ko naman na diretso lang ang tingin ni Lola sakin "May problema ba 'La?" Tanong ko

"Kailan ka huling dinatnan Hija?" Agad akong napaisip dun. Shuta kailan nga ba?

"Hala, di ko maalala! Pero alam ko nagka-period pa ako last month eh—" Napahawak ako sa sikmura ko dahil pakiramdam ko ay masusuka na ako sa mga sandaling yun!

"Ayos ka lang ba Imelda—" Hindi na natuloy ang mga sasabihin ni Lola nang mapatayo ako mula sa inuupuan ko at dumiretso ako sa lababo para magsuka, yak!

"Ikaw ba Imelda eh.. Buntis?!" Gulat na tanong ni Lola kaya tiningnan ko toh

Hala what if?!

"Halika, pumunta tayo sa doktor!" Anyaya ni Lola

"Congrats Mrs. Marcos, you're already 4 weeks pregnant" Napakurap ako ng mga sandaling yun. Buntis ako?!

"B-buntis ako Doc?" Paglilinaw ko kaya naman tumango ito sakin

"Congratulations again Mrs. Marcos, maiwan ko na po muna kayo" At agad na umalis si Doc

"L-lola ano gagawin ko?" Tanong ko kay Lola

"Wag ka mag-alala Hija, tutulungan kita" Sabi naman ni Lola kaya napa-simangot ako

Magiging nanay na ako in advance!

"I'm home sweetheart!" Rinig kong boses ni Ferdinand na galing sa labas

"Buti naman umuwi ka pa" Mataray na saad ko habang nagbabasa lamang

"What's wrong sweetheart?" Malambing na tanong ni Ferdinand at hahalik sana sa pisnge ko pero umiwas ako "May pasalubong ako sweetheart! I brought you chicken from Baguio" Ka-agad lumiwanag ang mukha ko nang sinabi niya yun

Buti naman bumili siya para naman may ambag siya sa kalikasan kahit papano!

"Nasaan?!" Tanong ko at tiningnan ang mga dala ni Ferdinand

"Kiss muna" At tinuro niya ang kanyang mga pisnge kaya napanguso ako

"Ferdiii!" Reklamo ko

"Kiss ko?" Agad kong hinalikan mga pisnge niya

"Saan na yung chicken ko?" At ngumuso ako rito muli. Narinig ko pa ang pagtawa nito bago inabot sakin ang isang supot na malamang chicken ang lamang!

"May sasabihin pala ako Ferdii" Sambit ko at nagsimulang kumain

"What is it sweetheart?" Tanong naman nito sakin habang nagka-kape ito at nagbabasa ito ng mga papel, o kung ano man ang binabasa niya

FERDINAND

"What is it sweetheart?" Tanong ko nang may sinabi ni Imelda na may sasabihin daw siya

"Buntis ako!" Agad kong nabuga ang iniinom kong kape nang sinabi niya yun "Ferdi ayos ka lang ba?!" Naga-alalang tanong ni Imelda

"A-anong sinabi mo?" Gulat na tanong ko

"I'm pregnant!" Sagot naman niya

Magiging daddy na ako?! Sulit yung homeymoon!

"M-magiging daddy na ako?" Paglilinaw ko so she nod

"MAGIGING DADDY NA AKO!" Bigla kong sigaw sa buong bahay

"Hoyyy Ferdii baka katukin tayo ng kapitbahay!" Suway naman ni Imelda pero di ko siya pinakinggan. Basta ang alam ko magiging daddy na ako

"May gusto ka pa bang kainin sweetheart? Baka nagli-lihi ka na? Naku tigilan mo na yang kakakain mo ng chicken kasi baka magka-pakpak yung anak natin!" Saad ko naman

"Siraulo!" Sagot ni Imelda sakin

IMELDA

Kakagising ko lamang nang hindi ko maramdaman si Ferdinand sa tabi ko. Nilayasan nanaman ba ako nun?

Bahagya kong binuksan ang bintana ng kuwarto namin para silipin kung naroon ba si Ferdinand. At nandoon nga siya, nagw-work out

Napatitig ako sakanya ng ilang sandali. Ang guwapo niya ngayon mga sis! Tapos insert matcho pa, nau-ulol na ako! Charrot

"Sweetheart baka matunaw na ako niyan!" Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Ferdinand habang nakatingin ito sakin

"Ang feeling mo naman!" Sagot ko naman rito at napaiwas ng tingin

"Good morning sweetheart!" He greeted. Lumabas ako ng kuwarto para samahan siya sa labas ng bahay

At agad niya naman akong sinalubong ng halik sa noo at humawak siya tiyan ko

"Good morning Baby!" Sabi ni Ferdinand habang nakahawak lang sa tiyan ko

"Naku Ferdinand pag yang junakis mo lumabas na, ikaw na bahala diyan ah!" Sambit ko kaya naman tiningnan ako ni Ferdi

"Anong pinagsasabi mo mahal?" Kunot noong tanong niya

"Basta, malalaman mo din.." Sagot ko na lamang

"Sweetheart, pupunta pala dito si Mom mamaya" Sambit ni Ferdi kaya tiningnan ko ito ng diretso

Shet sino ba mudracles niya?

"T-talaga?" Gulat na tanong ko "T-that's great!"

May pa that's great, that's great ako pero kabado na talaga ako!

"I'm sure they would be so happy to know that we're having our first baby na!" Nakangiting sabi ni Ferdi "Nga pala, aalis uli ako mamaya. May gusto ka bang pasalubong?" Tanong nito sakin

"Chicken!" Sagot ko ka-agad

"Sweetheart kakasabi ko lang na bawas bawasan mo yung kakakain mo ng chicken! Kasi baka magka-pakpak na yung anak natin!" Agad akong napa-simangot dun

"Pero gusto ko ng chicken!" Nakangusong sagot ko naman

"Mas masarap naman ako sa chicken sweetheart, ako nlang kainin mo" Agad akong napangiwi dahil dun

"Kadirdir ka Ferdinand! Dyan ka na nga" Sambit ko at agad pumasok sa loob 

FERDINAND

Iniwan ako ni Imelda dito sa labas ng bahay na nagi-isip pa din. Ba't ko nga ba siya pinakasalan uli?

Kadirdir daw ako? Atleast jeje naman diba? Kahit di ko alam ang sinasabi ni Imelda sakin! Basta mahal ko siya!

Sinundan ko na lamang si Imelda sa loob ng bahay

"Good morning Sister!" Bati ko kay Sister Visitación habang nagha-hain ito sa lamesa at tinutulungan siya ni Imelda

"Magandang umaga din sayo Ferdinand!" Nakangiting bati naman nito "Ohh kayong dalawang lovebirds kayo, kumain na kayo! At baka lumamig pa ang pagkain"

END OF CHAPTER TEN

(A/N: Writers block po ako that time, bawi nlang po next layp — Otor Dara)

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now