Chapter Thirty Eight

271 34 18
                                    

IMELDA

Ba't ba palagi nlang akong may issue?!

Araw araw nlang akong may problema! Namumuti na buhok ko sa stress!

Tiningnan ko si Ferdinand sa tabi ko, mahimbing pa itong natutulog kaya agad ako bumangon.

"Itapon mo yan Lola!" Utos ko kay Lola at nagmadaling bumaba.

Hindi toh puwedeng malaman ni Ferdinand!

Agad kong tinago ang mga radyo na puwedeng magamit ni Ferdinand pagka-gising niya, yung iba naman ay tinanggalan ko ng baterya.

Kahit yung telephone niya walang patawad sakin, tinago ko din yun.

"Lola, anong gagawin ko?! Paniguradong susugurin ako ng mga media na yun!" At napahawak ako sa ulo ko dahil sa stress.

"Sinabi ko naman kasi sayong bata ka mag-ingat ka! Ayan tuloy, laman ka ng balita!" Sermon ni Lola sakin.

"Lola di ko naman kasalanan na kumakalat yung balita!" Depensa ko sa sarili ko.

"Wala ka bang ibang nasabihan ng sikreto mo?"

"Wala, I swear.. WALA!"

"Ehh yung nakipag-kita ka kay Luis?"

"Nakipag-kita ako kay Luis, pero hindi ko sinabi sakanya kung ano ang pakay ko dito bilang Imelda—"

Agad kong naalala na matagal na niya pala akong pinagdu-dudahan..

LUIS! HUMANDA KA TALAGA SAKIN!

"Malakas ang kutob ko na si Luis ang nagpakalat noon!"

"Eh ano ng balak mo?" Tanong ni Lola, "Alalahanin mo Imelda, hindi mo pa nagagawa ang dapat mo gawin!"

"Sweetheart?" Si Ferdinand at pababa ito galing sa taas, "Ang aga mo naman ata nagising?" Niyukom ko ang mga palad ko dahil sa kaba..

"A-ano kasi Ferdinand.. Wala lang! Trip ko lang talaga," Palusot ko. "Nagugutom ka na ba? Ipaghahanda kita ng almusal!" Presinta ko para maiba ang usapan.

"Sige salamat sweetheart," Tumango na lang ako doon at nanginginig na pumuntang kusina.

Habang nagluluto ako, narinig ko si Ferdinand na nagsalita sa likuran ko, "Sweetheart, nakita mo ba yung mga radyo natin?" Biglang napahigpit ang pagkakahawak ko sa spatula dahil doon sa tanong niya.

"H-hindi mo ba makita diyan sa tabi tabi?" Tanong ko.

"Magtatanong ba ako kung nakita ko?"

Luh.

"Hanapin mo lang diyan, baka na-misplaced mo lang!"

"Ehh sweetheart, wala ka pa bang natatanggap na news paper?"

Newspaper na ako ang headline..

"W-wala pa eh.." Utal na sabi ko, "Wala ka bang schedule or.. Meeting ngayon?" Pagi-iba ko mg usapan.

"Actually meron.. Pupunta ako mamaya sa meeting," Tugon niya.

"Mabuti yan," At pinagpatuloy ko lang ang pagluluto ko.

"Ok ka lang ba sweetheart? Ba't parang kanina ka pa nanginginig diyan?"

"Ahh, wala toh.. Medyo pasmado kasi yung kamay ko!" Palusot ko.

"Sigurado ka na okay ka lang sweetheart ah?"

"Oo!" Agad namang sagot ko.

Naramdaman ko na lumapit pa sakin si Ferdinand kaya mas lalo akong nailang, "Ako na diyan sweetheart,"

PORTRAIT (Under Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant