Chapter Thirty Two

333 32 25
                                    

IMELDA

Paalis na sana kami ni Ferdinand ng palasyo nang magsalita siya, "Sweetheart?" Sambit niya kaya tiningnan ko ito.

"Bakit?" Tanong ko naman. "May nakalimutan ka?"

"Nasaan yung singsing mo?" At inangat niya ang mga kamay ko. At doon ko nakita na wala ang wedding ring ko sa daliri ko! "Di mo na suot yung singsing? Di mo na ako love?"

Sinaunang sadboy yarn?

"Nakalimutan kong isuot.. Hehe.. Sandali lang ah!" At agad akong tumakbo pabalik sa loob ng palasyo para kunin ang naiwan kong singsing sa kuwarto namin.

Nahubad ko kasi bago ako maligo!

Lumabas muli ako nang makuha ko na ang singsing na naiwan sa kuwarto namin. "Ohh, ayan na. Okay na ha?" At pinakita ko sakanya ang singsing na suot suot ko na.

"Akala ko hindi mo na ako love eh."

Ang cute naman nito maging sadboy!

"Di bagay sayo maging sadboy!" Puna ko.

-

Nandito ako ngayon sa event at awarding ceremony na, ika nga.

Atsaka on-air din pala yung event na toh, napapanood sa National TV.

Patuloy lang akong nakikipag-kamay sa mga tao na lumalapit sa akin.

Not until this man caught my attention, he's wearing a dark suit. At may nakita pa akong nakatago sa loob ng suot niyang suit, I can see that it's some kind of knife?

I looked around, sino kaya ang target nito?

Biglang nag-iba ang feeling ko nang sa mga sandaling yun..

Something is definitely wrong!

I took three steps from behind.

Nang makalapit siya sa akin ay mabilis nitong nilabas ang tinatago niyang kutsilyo kaya agad akong lumayo.

Tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang mga braso't kamay ko para walang matamaan na vital organs.

Napasigaw na lamang ako, doon na nagsimulang magkagulo ang mga tao. Napatumba na ako sa sahig pero patuloy pa din siya sa pag-atake sakin kahit pilit na siyang inaawat ng mga tao.

And everything just went black..

FERDINAND


Nadala na namin dito si Imelda sa pinakamalapit na ospital. Marami din siyang natamong sugat mula sa insidente.

Kahit saang anggulo tingnan ang insidente, I'd considered it as attempted assassination.

Pero sino namang gagawa ng ganung bagay?

Kung galit sila sakin ba't kailangan pa nilang idamay si Imelda?

"F-ferdinand?" Agad akong napatingin sa likuran ko nang marinig kong nagsalita si Imelda.

Gising na siya.

"Sweetheart, mabuti gising ka na!" At lumapit ako mula sa hinihigaan niya. "Wala bang masakit sayo?" Naga-alalang tanong ko.

"O-oo, ayos lang ako." Tugon naman niya.

"Sigurado ka?" Paninigurado ko, tumango naman ito.

"Ano ka ba, malayo sa bituka- ARAYYY!" Napadaing na lamang siya nang bahagya kong pinisil ang braso niya na may benda pa. "Tangina Ferdinand!"

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now