Chapter Thirty One

322 34 28
                                    

IMELDA

Nandito pa din kami ngayon ni Ferdinand, sumasayaw pa din.

Nangangalay na ako! Hindi ba siya nakakaramdam?

Ako halos nirarayuma na, siya wala pa din?

"Ferdinand.. Umupo na tayo!" Sambit ko sakanya habang sinasabayan ko pa din ang bawat galaw niya.

"Mamaya na." Tugon niya kaya napa-buntong hininga ako.

"Di ka ba napapagod?" Tanong ko sakanya.

"I will never be tired, basta ikaw!" Sagot niya.

"Ayan tayo eh, bolero ka talaga kahit kailan!" Puna ko, "Pagod na ako oh, makiramdam ka naman!" Saad ko sakanya.

"Ehh tingnan mo nga yung tatlo mong anak, hindi pa rin napapagod sumayaw ng cha-cha!" At tiningnan niya ang tatlong junakis niya na walang tigil kakasayaw sa tabi.

"Hoyy, hindi ba kayo napapagod tatlo?!" Tanong ko sakanila.

"No Mommy, mapapagod lang kami pag napagod na kayo." Sagot naman ni Bongbong.

"Kung gusto mo Mommy mag twerk pa ako eh!" Sabat ni Imee.

FYI lang, ako ang nagturo sakanya ng twerk na yan. They will soon learn kaya sinabi ko na agad, para advance na!

"Ehh pagod na ako, mapagod na din dapat kayo!" Giit ko sakanila.

Habang nagi-isip isip ako, bigla kong naalala ang pagkain ko kanina, baka kinain na ng pusa yung pagkain ko dun!

Agad akong bumitaw mula sa pagkakahawak kay Ferdinand, "Diyan ka muna, yung pagkain ko hinihintay na ako— AYYY!" Napatili ako nang bigla na lamang ako hinila ni Ferdinand palapit muli sakanya.

"Hindi pa nga tayo tapos eh!" Sambit ni Ferdinand.

"Oyyyy kinikilig na si Mommy!" Asar ng mga bata.

"S-shut up!" Mahina kong saway sakanila.

"Sweetheart, ngayon lang ako magiging sweet! Kaya lubusin mo na." Singit ni Ferdinand.

"Grabe, para namang wala kang ka-sweetan sa katawan mo!" Turan ko sakanya. "Ehh araw araw ka namang sweet!" Dagdag ko pa.

Baka ako ang walang tamis sa katawan..

Tingin niyo?

December 07, 1972

"Ano? Ha? Ang saya noh?" I sarcastically asked to Imee and Bongbong sabay crossarms.

Pero nanatili lamang silang nakayukong dalawa.

"Naku pasalamat kayo Josefa, Ferdinand at hindi Daddy niyo ang nakakita sainyo ha!" At tumingin ako mula sa likuran ko.

Kahit kailan talaga tong mga batang toh, ang kukulit!

"Masaya ba lumambitin sa chandelier?" I sarcastically asked, pero di sila sumagot. "Ano? Sumagot kayo!"

"Mommy—"

"Ahh sumasagot ka na ah?!" At nag-pamewang rito.

Tumingin sila Imee at Bongbong sa isa't isa, parang, parang nagtataka sila.

"Pasalamat kayo wala yung Daddy niyo—"

"Imelda, magusap muna tayo. Puwede?" Si Lola Visitación, ano nanaman kaya yung kasalanan ko?

"Sige po.." Sagot ko na lamang, "Kayong dalawa, dito lang kayo ah." Saad ko sa dalawang bata at pumunta sa kusina kung saan nandoon si Lola.

"Ano po meron 'La?" Tanong ko sakanya.

"Aalis ba kayo ni Ferdinand mamaya?" Tanong ni Lola kaya naman tumango ako.

"Opo, may awarding ceremony kami na pupuntahan ni Ferdinand." Sagot ko naman. "Bakit po?" Tanong ko pa.

"Wag ka na tumuloy Imelda.." Kunot noo ko siyang tiningnan ng mga sandaling yun.

Bakit nanaman? Ehh award ceremony lang naman yun, wala naman sigurong masama.

"Bakit naman po Lola? Ehh award ceremony naman po yun, wala naman akong gagawin doon na ikakabuking ko!"

"Pakiwari ko ay may masamang mangyayari."

"Napa-praning ka lang Lola!" At natawa ako ng medyo awkward.

"Pero wag ka ng tumuloy, mabuti ng sigurado!" Prangkang saad ni Lola.

"Lola, walang mangyayari sakin. Atsaka.. Sasaglit lang naman kami dun ni Ferdinand." Pagpapakalma ko sakanya.

Ang weird naman ni Lola! OA lang?

"Wag kang masyadong maki-salamuha sa mga tao, dumistansya ka." Payo ni Lola sakin.

"Okay?" Alanganing sagot ko sakanya.

"Imelda, nandito ka lang pala!" Si Ferdinand, "Tara na sweetheart!" Anyaya niya kaya tumango ako sakanya.

"Ferdinand, iyong ingatan ang asawa mo ha?!" Bilin ni Lola dito kay Ferdinand.

"Opo naman Sister, wag po kayo mag-alala. May mga bodyguards naman kami eh." Sagot ni Ferdinand.

Pero kinabahan din ako kahit papano. End of the world na ba?!

Mabubuking na ba nila ako? Ngayong araw mismo?

Naku wag muna, wala pang 1986 mga dear!

END OF CHAPTER 31

Short UD muna mga dear, wala kaming kuryente eh 💀

PORTRAIT (Under Editing)Where stories live. Discover now