CHAPTER 35

49 3 1
                                    

JEFFERSON POV

Masiyado paring gulong gulo ang isipan ko sa mga natuklasan ko. Hindi ko inakala na sobrang laki pala talaga ng naging kasalanan ng pamilya ko kay Ellery. I cheated on her, while my own Father killed her mom. Kung tutuusin ay wala na nga akong mukhang maihaharap pa kay Ellery, sobrang hiyang hiya na ako sa dami ng naging kasalanan at pagkukulang ko sa kaniya. Kaya ngayon ay gusto kong ituwid ang mga pagkakamaling iyon. Gusto kong bumawi sa mga naging kasalanan ko sa kaniya. Hindi man niya ako mapatawad ngunit gagawin ko pa rin ang lahat upang makabawi.

“Marunong ka ga gumamit ng baril?” ani Stephen nang makarating na kami sa location ngunit hindi pa kami bumaba ng sasakyan. Naghihintay pa kasi kami ng go signal mula sa look out niya na nauna na sa amin dito sa kanina. Nasa loob daw ng abandoned building na ito si Ellery at bihag siya nina Lucia at ang Tito nito na dating governor.

“Oo,” tugon ko kahit na ang totoo ay hindi ako gano'n kabihasa. Sa mga online games or video games lang naman ako nakakagamit ng baril at hindi ko inaasahan na ngayon ay makakagamit na talaga ako.

“Okay good. Ito ang gamitin mo,” aniya sabay abot sa akin ng 45 Caliber na baril.“Nasa ika-walong palapag ng gusali dinala si Ellery, sa may pinakadulong bodega. May mga bantay sa paligid, kailangan natin maging maingat. Papunta na rin dito 'yung back up pati ang media.”

“Media?” Pagtataka ko.

“Oo, upang makita mismo ng mundo ang tinatagong baho ni ex-governor Rolando Del Carmen,” aniya. Nauna itong bumaba ng kotse at sumunod na rin ako.

Maingat kaming pumasok sa loob ng gusali. Bawat hakbang namin ay kailangan maging maingat upang hindi makalikha ng ano man ingay. Bigla kami nagtago sa likod ng malaking tipak ng bato nang may dumaan sa harapan namin na dalawang lalake na sa tingin ko ay bodyguard ni ex-governor Rolando.

“Ang ganda pala talaga ng Ellery na 'yon ano? Tiyak na mag e-enjoy si Boss Rolando. Sana pagkatapos ni Boss, ako naman ang makatikim sa Ellery na 'yon.” Nagpantig ang tenga ko sa narinig kong iyon kaya naman awtomatikong kumilos ang kamao ko at naumbagan ko nang suntok sa mukha ang isa bodyguard ng put4nginang Rolando na 'yon.

“Na lintikan na!” Rinig kong usal ni Stephen kaya ako napalingon sa kaniya.“Maghanda ka, mapapalaban tayo.” Babala nito kaya agad kong kinasa ang hawak kong baril.

ELLERY POV

Pigil hininga ako at wala rin tigil sa pagpatak ang luha ko habang hinahaplos ni Rolando ang hita ko. Gusto kong magwala ngayon at pigilan siya sa pinaplano niya ngunit nanghihina ako dahil sa kung anong kemikal na itinurok sa akin ni Lucia kanina.

Akmang hahalikan na ako sa leeg ni Rolando nang matigilan siya matapos na marinig ang sunod-sunod na putok ng baril na umalingawngaw sa buong paligid.

“B-Boss! May mga kalaban! Napatay na nila ang ilang tauhan mo na nasa una at ikalawang palapag. Papunta na sila rito ngayon!” Humahangos na pagbabalita ng lalake.

“Put4ngina!” Malutong na mura nito at agad na tumayo matapos na ikasa ang baril niya.“Babalikan kita. Hindi pa ako tapos sa'yo.”

“Ako ng bahala sa babaeng 'yan,” ani Lucia. Tinapik lang siya sa balikat ni Rolando bago umalis.

”Lucia..”

“Tumahimik ka. Ayaw ko marinig ang boses mo at kahit ano pang sasabihin mo,” seryosong wika nito nang lapitan niya ako. Nagulat na lang ako nang kalagan niya ako mula sa pagkakatali. Nang matagal niya na ang tali sa paa't kamay ko ay mabilis niya akong tinutukan ng baril sa ulo.“Lakad,” seryosong utos nito sa akin. Kaya naman kahit hinang-hina ang aking buong katawan ay pinilit kong tumayo at humakbang ngunit sobrang nanlalambot talaga ang magkabilang tuhod ko kaya agad akong napasubsub sa malamig na semento.

Tumingala ako at tinignan si Lucia na seryosong nakatingin sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril niya sa ulo ko.

“Tumayo ka r'yan!” Malumanay na wika nito ngunit bakas ang pagiging seryoso sa kaniyang boses. Umiling ako dahil hindi talaga ako makatayo, sobrang nanghihina ako.“Tatayo ka o papasabugin ko 'yang bungo mo?” Banta nito sa akin.

“Kung gusto mo talaga tapusin 'yung buhay ko. Ba't hindi mo pa gawin? Tayong dalawa lang dito sa loob, walang makakaalam kung sino ang pumatay sa akin.” Walang emosiyon na wika ko. Hindi rin ako nakaramdam ng kahit anong takot sa mga sandaling ito.

“Hinahamon mo ba 'ko?” sarkastikong wika ni Lucia, ngumisi ito ng nakakaloko bago naupo sa harapan ko at ilapat sa noo ko ang nguso ng hawak niyang baril.“Kung 'yan 'yung gusto mo, madali naman ako kausap Ellery.”

“Sige iputok mo 'yan. Baka bago mo pa makalabit 'yung gatilyo ng hawak mong baril mauna ng sumabog ang bungo mo.” Napaangat ako ng aking ulo at nakita ko mismo si Stephen na walang emosiyon ang mukha habang ang hawak niyang baril ay nakatutok sa ulo ni Lucia na bakas sa mukha ang matinding takot.

Nagtama ang mga mata namin ni Lucia at muli kong nakita ang Lucia na nakilala ko noon. Ang Lucia na naging kaibigan ko at itinuring ko ng kapatid. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay nawala rin 'yon, bumalik ang Lucia na nagtraydor sa akin.

Dahan dahang tumayo si Lucia habang nakataas sa ere ang dalawa niyang kamay na animo'y sumusuko. Ang buong akala ko ay tuluyan na niyang isusuko ang sarili niya ngunit nagkamali ako.

Napatunganga na lamang ako nang mag agawan sila Lucia at Stephen sa baril, maya-maya pa nga ay umalingawngaw ang putok mula sa baril na hawak ni Lucia kanina.

Tila ba tumigil ang mundo ko habang nakatingin sa direksiyon nila Lucia at Stephen. Bakas sa kanilang mga mata ang pagkabigla. Hindi ko rin batid kung sino ang tinamaan sa kanilang dalawa.

Napatingin ako kay Stephen na mapait na ngumiti sa akin, nakita ko rin ang unti unting pagpatak ng luha mula sa kaniyang mata.

Hindi..

“People come and go, but I'm willing to stay by your side. Hinding hindi kita iiwan,” sinserong saad ni Stephen habang nagpapahangin kami sa balcony ng rest house.

“Masasabi mo ba 'yon? Hindi naman natin hawak 'yung kapalaran natin. Sa bawat ikot ng mundo, sa bawat takbo ng oras maraming nagbabago,” seryosong saad ko.

“Bakit parang ang drama naman yata ng Baby ko.” Malambing na wika ni Stephen matapos niya akong marahan na paharapin sa kaniya.

“Natatakot lang ako na dumating 'yung oras na kailangan mo 'kong iwan.”

“Hindi mangyayari 'yan. Mahal kita kaya hindi mangyayari ang sinasabi mo. Hindi kita iiwan.”

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora