CHAPTER 3

55 4 0
                                    

ELLERY POV

“Papasok ka na? Nag almusal ka na ba?” Malumanay na tanong ko kay Lucille nang dumaan siya sa harapan ko pero parang hindi niya man lang ako nakita.

“Oo.” Tipid nitong tugon sa akin at nagpatuloy na sa kaniyang paglalakad.

Hindi ko na sana siya muling kakausapin nang maalala ko ang nangyari kahapon. She saw us.

“Lucille, sandali.” Pigil ko sa kaniya ar agad naman siyang napatigil at nilingon ako.

“Bakit?” Pagtataray nito.

“About kahap—”

“O! So tama nga ang hinala ko. Boyfriend mo nga ang lalaking cheap na kasama mo sa Mall kahapon. Wala ka ba talagang taste pagdating sa lalake, Ate?” pang iinsulto sa akin ng bunso kong kapatid. May pagka sarkastiko rin ang pagtawag niya sa akin ng Ate. Kailan ba kasi magkakasundo ng kapatid kong 'to? Sa amin magkakapatid si Lucille talaga ang nalalayo sa amin. Para siyang may sariling mundo. Hindi rin niya kasundo sina Clarett at Margaret, except kay Jillian.

“Lucille..” Babala ko. Hindi ko rin kasi nagugustuhan ang tabas ng dila niya.

“Why? Natatakot ka ba na magsumbong ako kay Daddy? Natatakot ka na malaman niya na ang kaniyang perfect daughter ay may kasintahan na mas mahirap pa sa daga?” sarkastikong wika nito.

“Lucille enough!” Muli kong babala. Nagtitimpi lang ako, dahil ayaw kong makapanakit ng ibang tao lalo na ang kapatid ko.

“Okay fine. Madali naman akong kausap eh. But be careful next time, one wrong move Ate Ellery baka mapalayas ka ni Daddy rito sa Mansion.” sarkastiko at nakangising saad nito bago ako tuluyang talikuran.

Napabuntong hininga na lamang ako. I don't want to stress myself, masiyado pang maaga para ma-stress ako.

“So, hindi na lang pala kami ni Marga ang nakakaalam tungkol sa secret boyfriend mo.” Muntik nang tumalon ang puso ko matapos kong marinig ang boses ni Clarett sa aking likuran. Ba't kasi kailangan mang gulat?!

“You scared me to death, Clarett!” saad ko habang sapo-sapo ang aking dibdib.

“Sorry, medyo sadya. Anyways, saan na naman ba ang lakad mo at bihis na bihis ka?” puna nito habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

“Hangout lang with friends. Matagal tagal ko na rin kasi silang hindi nakukumusta.” Nakangiting saad ko.

“Lubos-lubusin mo na 'yung hangout mong 'yan. Dahil nakausap ko 'yung sekretarya ni Daddy last night, uuwi na rito sa Pilipinas si Daddy next week,” pagbabalita ni Clarett.

“Gano'n ba? Edi mabuti.”

“Mabuti? Kapag nandito si Dad, hindi ka na makakalabas lagi ng Mansion. For sure na de-numero na naman ang kilos mo, and paano kung isumbong ka ni Lucille kay Daddy?”

“Kahit naman isumbong ako ng kapatid natin, hindi pa rin ako aamin. At hindi si Daddy ang makakapagpahiwalay sa amin ni Jefferson.”

Matapos ang pag uusap namin na iyon ni Clarett ay umalis na rin ako. Nagtungo ako sa Milktea Shop upang makipagkita sa aking mga kaibigan since Highschool na sila Lucia at Cristine.

——

“Always blooming ah, iba talaga kapag inlove.” Puna ni Lucia sa akin nang maupo na ako. Nauna pala sila sa akin na dumating. Late lang naman ako ng 10mins, medyo traffic kasi.

“H'wag mo na akong bolahin Lucia, sige ako na ang taya ngayon. Nag order na ba kayo?” wika ko.

“Oo, nag order na kami kasi alam namin na parating ka na.” Nakangising wika ni Cristine.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon