CHAPTER 19

49 4 5
                                    

ELLERY POV

In order for the relationship to grow, both needs space. Pansin niyo? 'yung mga puno, hindi sila lumalago kapag magkakadikit o magkakasama. Pero once na pinaghiwalay sila, doon na sila mag go-grow. Doon natin makikita kung gaano sila kagandang puno. Sa isang relasiyon, gano'n din. In order to grow, minsan kailangan natin ng space.

Sandali akong napatigil sa tinitipa ko sa aking Laptop nang maalala ko si Jefferson, bakit ba lagi na lang siya pumapasok sa utak ko? Masaya na siya kasama ang Summer na 'yon kaya dapat maging masaya na rin ako.

Nakakalungkot lang na tila naging silungan lang niya ako sa kasagsagan ng ulan at nang sandaling tumila na ang malakas na buhos na ulan ay umalis na rin siya upang umuwi sa tunay niyang tahanan.

For the longest time, I thought I was his leading lady—his female lead. Ngunit hindi pala, dahil isa lamang akong second female lead sa kwento nila ni Summer. Isa lamang akong extra sa kwento nilang dalawa.

Magsusulat na sana ako ulit nang umilaw ang cellphone ko na nakapatong sa tabi ng Laptop, sandali ko itong sinilip at nakita ko ang message ni Jessica na nag pop-up sa screen ng cellphone ko. Jessica is the author of The Professor's Wife, yes she's erzalalaloves. One of the best selling Wattpad author in the Philippines.

Jessica:
Hello.

Brightersunflower:
Hello rin po.

Jessica:
Aspiring writer ka 'di ba? Gusto mo sumali sa Group Chat namin? Don't worry, hindi kami nangangagat HAHAAHAHA

Well, wala naman masama kung magsisimula ulit ako makipag kaibigan sa mga co-writers ko na kilala ko na noon pa man. They are the good friends of Ellery Samonte, kaya gusto ko rin sila maging kaibigan bilang si Brightersunflower.

Brightersunflower:
Talaga po? WAAAHH sure po!

Knowing her for so long, napaka lowkey at humble niya talaga. She's one of the famous author pero hindi mo 'yon mararamdaman sa tuwing nakaka-intereact mo siya dahil sobrang humble pa rin siya.

Jessica:
Kilala mo rin si pinkishrose02 at KLVermilion? Members din sila roon.

Pinkishrose02? As far as I remember, she's the first writer na naka-interact ko noong nagsisimula pa lang ang writing journey ko. She's a good friend of mine and I really love her stories. My favorite stories of pinkishrose02 are River Boat, See Through It, Heartbreak Hotel and Heaven By Your Side. By the way, she's a successful Published Author now and she's living somewhere in France with her family.

Tulad ni erzalalaloves, isa rin sa best-selling author sa Pilipinas si KLVermilion. She's a good friend too, minsan ko lang siya naka-interact noon pero masasabi ko na sobrang bait talaga niya.

Seconds later, nag pop up na Messenger ko ang Group Chat na sinasabi ni Jessica. Puro mga kilala ng writer ang mga members doon, mga Published Author na rin.

Rising Authors

@erzalalaloves added you to the group

@pinkishrose02:
Welcome sa GC ng marurupok @Brightersunflower

@MissTearyAuthor replied to @pinkishrose02:
Ikaw lang @pinkishrose02, h'wag mo kami idamay.

@pinkishrose02 replied to @MissTearyAuthor:
Ang alter ego ko lang po ang marupok at hindi ako.

@erzalalaloves replied to @pinkishrose02:
Parehas lang naman kayo ng alter ego mo, remember?

@pinkishrose02 replied to @erzalalaloves:
Sarcasm ba 'yan, @erzalalaloves?

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Where stories live. Discover now