CHAPTER 30

42 2 2
                                    

“Uminom ka muna,” ani Stephen nang iabot niya sa akin ang isang basong tubig. Hindi ko siya kinibo kaya nilapag na lamang niya sa ibabaw ng coffee table ang baso at tumabi sa akin.”Magmula nang makaalis tayo hanggang sa makarating tayo rito sa rest house, napansin ko na tahimik ka at walang kibo. Dahil pa rin ba ito sa pag uusap niyo ni Jeffe—”

“Ayaw kong marinig ang pangalan niya,” seryosong saad ko. Aminado ako nakakaramdam pa rin ako ng kirot sa aking dibdib sa tuwing maaalala o mababanggit ang pangalan ng lalakeng minsan ko ng minahal ngunit sasaktan lang din pala ako sa huli.

Sa sobrang bilis ng ating kwento, hindi ko napansin na nasa huling pahina na pala tayo.

Paano nga ba nagiging madali sa isang tao na kalimutan ang mga masasayang alaala na inyong binuo para lamang sa panandalian na kaligayahan? Bakit may mga taong nakakalimot sa taong minamahal nila sa kalasalukuyan dahil bumabalik ang taong minsan nilang minahal sa nakaraan? Mas matimbang nga ba ang pag ibig ng nakaraan kaysa sa kasalukuyan? Kung gano'n, bakit pa kayo naghiwalay? Kung babalik lang din pala kayo sa isa't isa? Paano naman ang taong tumanggap sa'yo noong panahon na durog na durog ka? Basta-basta mo na lang ba talaga siya tatalikuran? Gano'n gano'n na lang ba talaga 'yon?

“S-Sorry.” Tinignan ko si Stephen, malaki ang pasasalamat ko sa taong 'to. Hindi lang dahil niligtas niya ako sa posibleng kamatayan ko, kundi dahil siya 'yung nand'yan noong mga panahon na wala na akong ibang makapitan. Siya 'yung muling bumuo sa akin matapos akong durugin ng lalakeng inakala ko na magiging tapat sa akin.

Ngumiti ako at hinawakan si Stephen sa kamay niya, nagtataka siyang tumingin sa akin.

“Salamat sa lahat,” sinserong saad ko.

“Ako ang dapat na magpasalamat sa'yo. Dahil tinanggap mo 'yung pag-ibig ko sa'yo kahit alam kong hindi pa tuluyan naghihilom ang sugat d'yan sa puso mo,” ani Stephen.

“Walang rason para hindi kita tanggapin sa buhay ko,” saad ko at simple akong ngumiti kay Stephen.

Hinagkan niya ako sa noo pagkatapos ay niyakap ako habang hinahaplos ang buhok ko.

“Kailan man ay hinding hindi kita iiwan. Kailan man ay hindi ko iparamdam sa'yo na nag iisa ka. Dahil simula sa araw na ito, palagi na akong nasa tabi mo, mamahalin kita sa araw-araw at sa bawat sandali ng buhay ko,” sinserong saad ni Stephen habang naka yakap pa rin sa akin. Awtomatiko naman akong napangiti dahil sa sinabi niyang iyon.

I still remember what my mom once told me noong nabubuhay pa siya, ‘Hindi mo makikita't mahahanap ang talagang para sa'yo kung patuloy kang kakapit sa maling tao na inaakala mong nakalaan para sa'yo.’ At marahil ay tama si Mommy. Dahil nang sandaling pakawalan ko sa buhay ko si Jefferson, dumating naman si Stephen.

Kinabukasan...

“Ellery.” Napatigil ako sa paglalakad matapos ko marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Nandito ako sa plaza dahil gusto ko lumanghap ng sariwang hangin. Wala si Stephen, nasa work niya at naiinip ako sa rest house kaya naisipan kong lumabas.

“O, Summer ikaw pala,” sarkastikong pagbati ko nang tanggalin ko ang suot kong shades.“Kumusta?”

“Nang iinis ka ba?” aniya dahilan upang mahina akong matawa in sarcastic way.

“I'm just asking how are you, saan banda ang pang iinis doon? Not unless threatened ka sa pangugumusta ko,” sarkastikong saad ko.

“Totoo bang nagkausap kayo ng boyfriend ko kahapon?” inis na tanong nito sa akin. I smell jealousy.

“What if sabihin kong oo.” Nang uuyam na saad ko habang nakangisi. Nakita ko naman ang pagbabago ng facial expression ni Summer, kulang na lang manapak siya.“Nag usap lang naman kami, so don't be mad.”

“Nag usap? Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo? Lasing si Jefferson nang umuwi siya sa kanila at pangalan mo ang sinasabi niya. Kaya paano ako maniniwala na nag usap lang kayo?”

“Ngayon alam mo na ang pakiramdam. Ganiyan na ganiyan ang naramdaman ko noong kailangang kailangan ko si Jefferson pero hindi ko siya ma-contact dahil magkasama pala kayong dalawa. Masakit ba?” sarkastikong saad ko dahilan upang tila umurong ang dila ni Summer at hindi ito makapagsalita.“Don't worry, hindi mo 'ko katulad Summer. Hindi ko ugaling mang agaw lalo na kapag pag mamay-ari na siya ng iba. Ex na rin ako tulad mo noon, pero hindi ako gagaya sa'yo. Dahil may respeto ako sa kasalukuyang girlfriend niya, bagay na wala ka.”

“Hindi ko na kasalanan kung mas gusto niya akong makasama noon kaysa ang sagutin ang mga tawag at text mo. Hindi ko na kasalanan na mas masaya siya sa tuwing nakakasama niya ako kaysa sa'yo,” aniya at tila nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

Ngumisi ako bago humakbang palapit sa kaniya at binulungan siya sa tenga,“Kaya pala nang niyakap niya ako kahapon sabi niya miss niya na raw ako.” Pagkatapos ko sabihin 'yon ay tinignan ko ang facial expression ni Summer, namumula 'to sa galit. Ngumisi akong muli bago siya tinalikuran.

Hindi na ako nag abala na lingunin siya dahil sapat na sa akin na nainis ko siya ngayon. Though, wala naman sinabi si Jefferson na miss niya na ako pero trip ko lang na sabihin 'yon. Wala akong pakialam kung mag away silang dalawa, maganda nga 'yon. Sa gano'n paraan man lang makaganti ako sa kanila.

Pasakay na ako sa kotse ko nang aksidenteng magtagpo ang mga mata namin ni Jefferson na may ilang dipa lamang ang layo mula sa akin. So, may date pala sila ngayon dito sa Plaza.

Hindi ko siya pinansin at binuksan na lamang ang pinto ng kotse ko nang may kamay na pumigil sa akin. It's him.

“Sandali lang.” Pigil nito.

“Nagmamadali ako Jefferson kaya kung p'wede—”

“Mag usap tayo.”

“Ano pa bang dapat natin pag usapan? Hindi mo ba nakikita? Masaya na ako sa buhay ko nga—”

“Mahal pa rin kita,” sinserong saad niya. Sandali akong natahimik pagkatapos ay natawa na lamang ako in sarcastic way.“Makikipag kita ako ngayon kay Summer upang makipaghiwalay na sa kaniya. Please bumalik ka na sa akin.” Napailing na lang ako habang natatawa pa rin.

“Are you really out of your mind Jefferson? Kahit hiwalayan mo pa si Summer at lumuhod ka pa sa asin o sa munggo, wala ng Ellery na babalik sa'yo. Hinding hindi na ako babalik sa'yo. Hindi isang laro ang pagkikipag relasiyon, na kapag pagod ka na o sawa ka na ay bigla mo na lang iiwan ang kalaro mo. H'wag mo gawin kay Summer ang ginawa mo sa akin,” seryosong saad ko.“Sasabihin mo sa akin na mahal mo 'ko? But the truth is, you never love me. 'Cause if you did, hindi mo 'ko sasaktan. Hindi mo ipaparamdam sa akin na wala akong halaga sa'yo. You love me? Really? Ang sakit mo naman magmahal at mahalin.” sarkastikong saad ko.

“Iyon ang totoo. Mahal kita at kailan man ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo.”

“Hindi ko kailangan ng ganiyang klaseng pagmamahal. Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo na hindi ko maramdaman sa tuwing kailangan kita. Hindi ko kailangan ng pagmanahal mo na nakakalimutan ako kapag may kasama kang iba.”

Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Jefferson at tuluyan na akong pumasok sa loob ng kotse ko.

Sana iyon na ang huli namin pagkikita.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Where stories live. Discover now