CHAPTER 1

105 7 1
                                    

“Sure ka ba talaga na wala ka ng ibang problema bukod sa sinabi mo sa akin kanina?” Muling tanong sa akin ni Jefferson habang naglalakad-lakad na kami rito sa loob ng Mall na magkahawak ang kamay.

“Oo naman,” tugon ko.

“Sa mga kapatid mo? Kumusta naman sila? I mean, kumusta naman ang pakikitungo nila sa'yo?” intresadong tanong sa akin ni Jefferson. Hindi pa niya name-meet personally ang mga kapatid ko pero madalas ko na silang ikinukwento sa kaniya. O, maalala ko isasama ko nga pala si Jefferson sa bahay ni Mommy. Yes, hindi na nakatira si Mommy sa Mansion magmula ng mag asawa ng iba ang Daddy. Hindi na rin sila nag uusap dahil may iba ng pamilya ang Daddy, samantalang si Mommy ay abala sa kaniyang own business. Mas okay na rin 'yon.

“Okay naman. Ayon nga lang si Jillian, palagi na lang niya akong pinag aalala. Kaya nga ayaw ko sana pumayag na bumukod siya ng bahay. Party goer pa naman ang babaeng 'yon. Umuwi siya sa Mansion kanina, himala nga eh.” Pagku-kwento ko. Medyo mahirap din pala ang maging panganay, kapag wala ang magulang ikaw ang tatayong ama't ina para sa mga kapatid mo. Pero malalaki naman na ang mga kapatid ko. Hindi na sila bata na dapat palaging pagsasabihan, alam na nila 'yung tama at mali.

“How about Lucille? Nakwento mo sa akin before na among your sisters, siya ang pinaka hindi mo kasundo. Why?” ani Jefferson.

I take a deep breath bago sumagot sa tanong na iyon ng boyfriend ko,“Ewan ko ba. Siguro kasi hindi iisa ang Nanay namin? Pero hindi rin siguro iyon ang rason. Dahil tulad ni Lucille ay step-sister ko lang din si Jillian, pero mas nakakasundo ko pa siya kahit papano. Though, minsan lang siya umuwi sa Mansion,” saad ko.“H'wag na nga lang natin sila pag usapan. May pupuntahan tayo.” Pagpapatuloy ko sabay hila sa kamay ni Jefferson.

“S-Saan?” aniya na sumusunod lang sa bawat hakbang ko.

“Kay Mommy,”

———

“Ba't ngayon lang kayo? Mauubos na namin 'yung Cake.” Bungad sa akin ni Marga na nakaupo sa sofa at may hawak na dinner plate.

“Where's Mom?” unang tanong ko.

“Nasa Kitchen, kasama ni Clarett mag bake,” tugon nito habang abalang nilalantakan ang slice ng chocolate cake sa dinner plate niya.

“Babe, si Margaret—kapatid ko,” pagpapakilala ko sa aking kapatid.

“Magandang tanghali,” pormal na pagbati ni Jefferson. Pasimpleng tinanguan lamang siya ni Margaret.

“Puntahan natin sila Mommy sa Kitchen, for sure matutuwa 'yon kapag nalaman niyang kasama kitang bumisita sa kaniya rito—”

“Hindi mo sure, Ate Ellery.” Sarkastikong wika ni Margaret hindi ko na lamang siya pinansin at hinila na ang kamay ni Jefferson papuntang Kitchen kung saan nadatnan namin na abala sila ni Clarett sa pagbi-bake.

Ito ang pangatlong beses na mami-meet ni Mommy si Jefferson.

“Mom,” pagtawag pansin ko sabay naman nila akong nilingon.“kasama ko po si Jefferson,” patuloy ko.

“Magandang tanghali po, Tita.” Magalang na pagbati ni Jefferson na lumapit pa kay Mommy upang bumeso at yumakap. Well, close siya kay Mommy.

“Mabuti naman at nakasama ka na pumasiyal dito, Hijo. Kumusta naman?” tanong ni Mommy. Boses mataray lang talaga si Mommy pero mabait siya. Kaya nga hindi ko maitindihan kung bakit o paano siya nagawang ipagpalit ni Daddy sa iba.

“Okay naman po Tita. Medyo naging busy lang po sa trabaho kaya madalang lang po ako na makasama kay Ellery na pasiyalan po kayo,” ani Jefferson.

“Ahm, Babe. Si Clarett nga pala, siya 'yung kapatid kong madalas kong ikwento sa'yo,” sabat ko nang maalala ko si Clarett na tahimik lamang na nagbi-bake sa gilid. Totoo 'yon, madalas kong ikwento si Clarett sa boyfriend ko dahil siya lang naman ang pinaka-close ko sa magkakapatid. Para ko na rin siyang bestfriend. Naalala ko noong nagsisimula pa lang ang writing journey ko, si Clarett ang first reader at basher ko. Naiinis kasi siya kapag pinapatay ko 'yung main character sa story ko. Well, para saan pa ba at naging tragic author ako kung may endgame sa story na isusulat ko.

“Wow ah! So tsini-tsismis mo pala ako Ate?” ani Clarett na natigilan matapos marinig ang sinabi ko. Bahagya na lang kami natawa ni Jefferson sa reaction niya.

“Kumusta naman ang Daddy niyo?” Dahil sa sinabing iyon ni Mommy ay natigil kami sa pag tawa ni Jefferson at tila biglang nag iba ang atmosphere. Ito kasi ang unang beses na nangamusta si Mommy kay Daddy since nang mag divorce silang dalawa.

“Ayon, masiyadong abala sa pagpapayaman at sa bagong pamilya niya.” Biglang sabat ni Margaret na nasa may Pintuan pala at kanina pa nakamasid sa amin.“Hayaan niyo na siya Mommy, h'wag niyo nang kumustahin. Kayo nga kinalimutan na eh.” Patuloy pa nito.

“Margaret!” Mahinang saway ko habang pinandidilatan ng mata ang kapatid ko. Kahit kailan talaga, walang preno ang bunganga niya.

“Bakit? Totoo naman,” aniya.

“Clarett, mukhang masarap 'yang bini-bake mo ah.” Pag segway ni Jefferson.

“Ah oo naman, si Mommy yata ang nagturo sa aking magbake. 'Di ba, Mommy?” ani Clarett. Mukhang naiintindihan naman niya. Very good, kapatid ko.

“Maiwan ko na muna kayo.” Walang emosiyon na wika ni Mommy at nagmamadaling lumabas ng Kitchen. Nagkatinginan na lamang kaming apat na naiwan sa Kitchen.

“Susundan ko lang si Mommy,” saad ko at nagmamadali rin lumabas ng Kitchen upang sundan si Mommy.

——

Naabutan ko si Mommy sa kwarto niya at nakaupo sa gilid ng kaniyang kama hawak ang picture frame—wedding picture nila iyon ni Daddy. She miss our dad. She miss the man who promised her a lifetime happiness. Namimiss niya ang lalakeng nangako sa kaniya noon na sabay silang tatanda na magkasama.

“Mom..” Napansin ko na nagpunas si Mommy ng luha sa kaniyang pisngi. She's crying.“Mom, are you okay?” Kahit alam kong hindi, nagtanong pa rin ako. Talino ko 'di ba? Ellery yata 'to.

“A-Anong ginagawa mo rito? Doon ka na sa Kitchen, tulungan mo na 'yung mga kapatid mo sa ginagawa nila—”

“Namimiss mo po si Daddy, tama po ba?” Malumanay na wika ko dahilan upang mapa-angat ng ulo si Mommy at tumingin sa mga mata ko ng diretso. Hawak pa rin niya ang picture frame.

“Akala ko kaya ko na mabuhay ng mag-isa, akala ko kaya ko na matulog sa gabi at gumising sa umaga na hindi katabi ang Daddy niyo ngunit hindi pa pala. May mga pagkakataon pa rin na nangungulila ako sa dati kong asawa.” Ang mga salitang iyon na binitawan ni Mommy ay tila punyal na paulit-ulit tumatarak sa dibdib ko.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Where stories live. Discover now