CHAPTER 7

40 0 0
                                    

Tulad nga ng aking inaasahan ay dumating ang step-sister kong si Jillian upang sunduin ako rito sa Mansion. I don't know, pero isang pagkakamali yata na tinawagan ko siya. Bakit ko ba kasi naisip na gawin 'yon?

“Pasensiya ka na kung naistorbo kita.” Malumanay na wika ko habang kasalukuyan kaming nasa biyahe. Sakay ako ng kotse ni Jillian patungo kami kung saan.

“That's okay. Mabuti nga ako 'yung tinawagan mo,” aniya.“Bakit ka ba kasi umiiyak? I thought you're already strong enough to handle your problems, eh bakit umiiyak ka ngayon?”

“Something bad happened lang awhile ago. But I'm fine.” Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa labi ko.

“At sinong niloko mo? You look like a mess, Ate.” Sarkastikong wika ni Jillian habang nagmamaneho ng kotse niya.

“Can I ask you?”

“Ano 'yon?”

“Ano ba talagang mas matimbang? 'Yung first love o 'yung true love?” Out of nowhere kung tanong sa kapatid ko. Hindi ko rin alam ba't naisip kong itanong 'yon sa kaniya. Eh hindi ko nga alam kung may boyfriend na 'tong si Jillian.

“True love,” seryoso nitong sagot dahilan upang mabaling ang atensiyon ko sa kaniya.

JEFFERSON POV

Ano nga ba ang mas matimbang? Is it first love o true love? Paulit ulit kong tanong sa sarili ko. Mag a-alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog dahil alam kong hindi pa rin kami nagkakaayos ni Ellery.

Si Summer, she was my first love and my first girlfriend. They say, first love never dies. Yes it's true, but only the memories with someone thought you how to love never dies. It's only the memories and not the person you shared your memories with.

Si Ellery, she's my true love. The love of my life. She's the woman I want to spend the rest of my life with. She wasn't the girl I fell inlove first, but I swear to God that she will be the girl I will love until the end.

So ano nga ba ang mas matimbang? For me, it's your true love of course, then when it comes to first love naman that will be a memory na lang if your relationship with your first love didn't work out. True love last then if your first love was your true love then that much better than the expected.

Muli kong sinubukan tawagan si Ellery pero out of coverage area ang numero niya. Marahil ay tinanggal niya ang sim card niya upang hindi ko siya matawagan.

This is all my fault. Ang tanga-tanga mo Jefferson. Bakit hinayaan mo na magkaroon kayo ng tampuhan ni Ellery dahil sa Summer na 'yon. Dapat talaga hindi na nag cross pa ang landas namin dalawa.

Hindi ako mapakali. Ayaw ko lumipas ang gabing ito na hindi kami nagkakaayos ni Ellery. Pupuntahan ko siya sa Mansion. Tama, pupunta ako roon at kakausapin siya. Wala akong pakialam kung may makakita sa akin at isumbong ako sa Daddy nila Ellery. Handa ko naman ipaglaban ang pagmamahal ko sa kaniya kahit hanggang kamatayan pa.

Dali-dali akong bumalikwas mula sa aking pagkakahiga at kinuha ang leather jacket ko saka ito isinuot. Dadaan muna ako sa bahay ni Kristofer na taga kabilang Barangay lang upang hiramin ang motorsiklo niya. Mas mapapabilis kasi ako na makarating sa Mansion kung iyon ang gagamitin ko.

ELLERY POV

Ito ang first time ko na magtungo sa isang Bar. Hindi ko kasi ugali 'yung ganitong klase na hangout. I preferred to stay in my room writing down those ideas na na-stock sa utak ko para makabuo ng new plot of story o hindi kaya naman I go out with my boyfriend or with my friend, pero hindi kami nagpupunta sa ganitong klaseng lugar.

“Anong ladies drink 'yung gusto mo Ate?” tanong sa akin ni Jillian, medyo malakas nga lang ang boses niya dahil maingay din dito sa loob gawa ng malalakas na tugtog na nanggagaling sa sound system na naka-set up sa paligid. Medyo masakit din sa mata ang Disco light na iba't iba ang kulay.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon