CHAPTER 15

49 1 3
                                    

One week later

JEFFERSON POV

"Sa tingin mo ba matutuwa si Ellery kapag nakita ka niyang nagpapakalunod sa alak? Hindi." Napurnada ang dapat sana pagtungga ko sa ikatlong bote ng Beer na hawak ko nang marinig ko ang boses ng isang babae-si Summer.

Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang maihatid sa huling hantungan si Ellery ngunit magpasa hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang tanggapin na wala na siya-Hindi, dahil kailanman ay hindi ko iyon matatanggap. Mahal na mahal ko si Ellery, siya ang buhay ko. Siya ang nagbibigay lakas sa akin dito sa nakakapagod na mundo at kulang ako kung wala siya.

"Ano bang pakialam mo?" sarkastikong wika ko at itutuloy na sana ang pagtungga ko sa bote ng alak nang agawin 'yon ni Summer sa kamay ko at ilapag sa mesa.

Dito lang naman ako sa labas ng aming bahay nag iinom. Wala sila Inay at Itay, kasama nila ang bunso kong kapatid na nagtungo sa bahay ng Lola ko sa Probinsiya kung kaya't malaya akong mag inom at magpakalasing.

"That's enough. You're already drunk, Jefferson. Maaawa ka naman sa sarili mo!" Panenermon ni Summer kaya tinitigan ko siya na para bang sinasabi ko na 'wala kang pakialam sa buhay ko. Lumayas ka sa harapan ko'."Magmula nang mailibing si Ellery, hindi ka na rin daw pumapasok sa ekswela maging sa trabaho mo. Don't ruin your dreams as well as yourself dahil lang sa pag alis ng isang tao sa buhay mo kahit gaano pa siya ka-halaga sa'yo. You should accept the fact that people come and go." Pagpapatuloy ni Summer ngunit lumalabas lamang sa kabilang tenga ko ang sinasabi niya. People come and go? Tangina!

"Madaling sabihin 'yan para sa'yo kasi hindi naman ikaw 'yung namatayan. Hindi ikaw 'yung nagluluksa ngayon kaya hinding hindi mo 'ko maiintindihan," seryosong saad ko.

"Sinong may sabi sa'yong hindi?" sarkastikong wika ni Summer."When I left you. That was the hardest decision I ever made in my life. Ang iwan ang taong mahal mo para tuparin ang pangarap mo ay ang isa sa pinakamahirap na p'wedeng maging desiyon ng isang tao sa buhay nila. Lalo na kung mahal na mahal mo talaga ang taong iyon ngunit mas kinakailangan mong unahin ang pangarap mo. I told you to wait, pero sabi mo sa oras na umalis ako ay wala na akong babalikan. Kahit labag sa loob kong umalis at iwan ka ay ginawa ko alang-alang sa magiging buhay ng pamilya ko. Nang malaman ko na may bago ka na, that was the time na parang nag collapse 'yung mundo ko. That was the time na para akong namatayan. Ipinagluksa ko ang pagkawala mo sa buhay ko. Oo nga't buhay ka, patuloy na humihinga. Ngunit hindi ka na nabubuhay para sa akin o para sa pangarap natin noon, nagbubuhay ka na para sa babaeng iyon-kay Ellery. Wala kang alam sa kung anong hirap ang pinagdaanan ko noon habang ikaw ay masaya na sa piling ng iba, kaya wala ka rin karapatan para sabihin sa akin na hindi kita naiintindihan. Dahil ako ang mas hindi mo naiintindihan." Mahabang sanaysay ni Summer. Alam kong sa mga sandali na iyon ay gusto na niyang umiyak ngunit pinipigilan niya lamang.

"I'm sorry." Iyon na lamang ang tanging salita na namutawi sa aking labi. Sa totoo lang ay wala akong alam na nahirapan din siya sa paghihiwalay namin noon, ang buong akala ko ay naging masaya siya sa buhay niya matapos niya anong iwanan. Ngunit pala. Bakit nga ba laging nasa huli ang pagsisisi? Magsisisi tayo kung kailan tila huli na ang lahat at wala na tayong magagawa upang maitama pa ang pagkakamali natin.

"I don't need your sorry. What I need now is seeing you fixing yourself," aniya."Fix yourself, para kay Ellery. If you really love her, aayusin mo ang sarili mo dahil ayaw mong nakikita niya na nagkakaganiyan ka ng dahil sa kaniya. Just this time, listen to me Jefferson,"

SUMMER POV

I was shocked when Jefferson pulled me closer to him and hugged me tight. That was very unexpected. Ellery, if you're watching us please don't get mad okay? Wala akong intensiyon na agawin siya sa'yo. Kasi alam ko naman kung gaano ka ka-mahal ng boyfriend mo.

"Help me to fix myself." Napatulala ako habang yakap-yakap pa rin ni Jefferson dahil sa sinabi niya."I need you now."

It hurts me. Ngayon niya naisip na kailangan niya pala ako kung kailan wala na siyang ibang malalapitan. Samantalang nasaan ba siya noong panahon na ako 'yung may kailangan sa kaniya?

"Promise me na hindi mo na ako ulit iiwan," ani Jefferson. Inipon ko ang buo kong lakas upang makawala sa higpit nang pagkakayakap sa akin ni Jefferson. Ayaw kong muling ma-attached sa kaniya. Ayaw ko nang masaktan o makapanakit pa ulit, tama na.

"Lasing ka lang, mas makabubuti siguro kung matutulog ka na. Look, its passed 10 o'clock na," saad ko."Ako ng bahala maglinis dito sa labas. Pumasok ka na sa loob at matu-"

"Mahal mo pa rin ako, hindi ba? Iyon ang sinabi mo sa akin noong araw bago ka himatayin at dalhin ka namin ni Ellery sa Hospital," seryosong wika ni Jefferson kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"Hindi na." Mabilis kong sagot. I lied."Bukas na lang tayo mag usap ng maayos kapag hindi ka na lasing. Sige na, pumasok ka na sa loob at matulog na. Ako ng bahala sa mga kalat mo." Pagpapatuloy ko.

Hindi pa naman gano'n kalasing si Jefferson kaya naman nakaya na niyang maglakad papasok sa loob kahit pasuray-suray ang lakad niya. Nang makapasok siya sa loob ay saka ko nilinis ang kalat na naiwan niya rito sa labas ng bahay nila. Upos ng sigarilyo at bote ng alak, natuto na siyang mag inom at manigarilyo magmula nang mamatay si Ellery. Kung ako kaya 'yung namatay noon? Magiging gano'n din kaya ang reaksiyon ni Jefferson? Tingin ko hindi. Mabilis siyang naka-move on matapos namin maghiwalay, that means na hindi gano'n kalalim ang naging pagmamahal niya sa akin. I can't blame him, pinilit lang naman siya ng Papa ko na ligawan niya ako noon.

Nang matapos ako maglinis ay sinilip ko si Jefferson sa kwarto niya kung tulog na siya at nang masiguro kong oo ay agad na rin akong umalis.

Naglalakad na ako palabas ng eskinita nang mapatigil ako matapos na makita ang babae na pasakay na sa kotseng kulay puti. Hindi ako maaaring magkamali, kilala ko kung sino ang nakita ko.

Ellery?

ELLERY POV

Ironic isn't? How we need the comfort of the people who hurt us the most. He's my greatest love but he's also my greatest pain.

It's been a week since nang mailibing ang clone Ellery sa isang private and exclusive Cemetery. Nandoon ako ng araw na iyon ngunit nakatanaw lamang ako mula sa malayo. Hindi nila ako p'wedeng makita. I saw a lot of familiar faces na nakiramay sa pagkamatay ni Ellery Samonte. Nandoon ang mga kapatid ko, si Dad, mga kaibigan ko, ibang co-writers ko, si Jefferson at maging si Stephen. Nang masiguro kasi ni Stephen na okay na ako ay saka siya nagpunta sa fake funeral ko, hindi p'wedeng wala siya roon dahil alam ng lahat na childhood friend ko siya. Magtataka ang mga kapatid ko maging ang mga kaibigan ko kapag hindi siya nagpakita kahit sa araw ng libing ko-ironic.

Nakaramdam ako ng labis-labis na lungkot dahil mag isa lang ako rito sa rest house kung saan ako dinala ni Stephen. It's a safe place kaya walang makakakita o makakakilala sa akin dito. Natanaw ko ang kotse ni Stephen sa labas ng rest house kaya agad kong hinanap ang susi no'n sa mga drawer sa kwarto. Wala pa naman siya kaya gagamitin ko muna, mag iingat naman ako.

Suot ang itim na hoody jacket, pants, face mask at sombrero ay umalis ako sakay ng kotse ni Stephen patungo sa kung saan.

Hindi ko namamalayan na patungo na pala ako sa lugar nila Jefferson. Ipinarada ko ang kotse ko sa labas ng eskinita at saka ako bumaba, mag a-alas diyes na ng gabi kaya wala na masiyadong tao sa labas. Maingat akong lumabas ng kotse at tinahak ang daan patungo sa bahay nila Jefferson. Oo masama pa rin ang loob ko sa kaniya, pero may parte sa akin na gusto ko pa rin siya makita. Gusto ko pa rin masiguro kung kumusta na ba siya.

Malapit na ako sa bahay nila nang matanaw ko ang lalakeng nasa labas ng kanilang bahay at nagkalat ang mga bote ng alak sa paligid. Nakaramdam ako ng matinding awa para kay Jefferson nang makita ko kung gaano siya nahihirapan sa pagkawala ko. Gusto ko siyang yakapin ng mga sandaling iyon ngunit hindi maaari.

Paalis na sana ako nang makita ko ang pagdating ng isang babae-si Summer. Para naman madudurog ang puso ko nang makita ko ang pagyakap ni Jefferson sa ex-girlfriend niya. Naramdaman ko na lamang ang mainit na likidong humahalik sa aking pisngi kaya dali-dali kong pinunasan ang aking luha. Hindi ko na makakaya pa kung ano ang magiging susunod na eksena kaya naman nagpasiya na akong umalis na. Ngunit bawat hakbang na ginagawa ko ay ang bawat patak din ng aking luha.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Where stories live. Discover now