CHAPTER 14

44 3 5
                                    

Nakaburol na si Ellery sa isang private and exclusive Funeral Chapel ngunit hindi ko pa rin matanggap na wala na siya at iniwan na niya ako. Hindi man lang kami nagkaayos bago siya mawala, hindi ko man lang nasabi sa kaniya na mahal na mahal ko siya bago niya ako tuluyan na iwan. Hindi ko alam kung paano o saan ako magsisimula gayong wala na ang babaeng nagsisilbi kong inspirasiyon sa buhay. Wala na ang babaeng dahilan kung bakit ako nagsisikap sa buhay sa kabila ng kahirapan.

Paano na ako ngayon Ellery? paano na ako ngayong wala ka na? Hindi ko ito matatanggap, hinding hindi.

“Kailan lang nang mamatay ang Mommy ni Ellery. Wala pa ngang isang buwan, ngayon siya naman ang pinaglalamayan,” ani Lucia na katabi ko sa upuan. Namumugto ang mata niya dahil mula kagabi pa siya umiiyak. Nandito rin ang apat na kapatid na babae ni Ellery, ngunit tanging si Clarett lang ang nakikipag usap sa akin. Halos isumpa naman ako ni Lucille sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.

Ngunit tila may kulang. Nasaan si Stephen? Bakit wala rito ang childhood friend ni Ellery?

STEPHEN POV

Nakatitig lamang ako sa unconscious pa rin na si Ellery habang nakahiga pa rin sa single bed, may nakakabit na oxygen mask sa kaniyang bibig na konektado sa isang life support machine at dextrose sa kaniyang kamay.

Matapos ang aksidente kanina ay hindi ako nagdalawang isip na dito dalhin sa Head Quarters ng CHIA ang katawan ni Ellery. Kilala ko kung sino ang nagtangka sa buhay ni Ellery. Hindi basta aksidente lang ang pagkakasagasa niya kanina sa tapat ng Hospital, sinadya iyon at pinagplanuhan. Pero kung mabilis siya makagawa ng hakbang, mas mabilis ako. Dahil matapos na dalhin si Ellery sa Emergency Room ay agad akong nakaisip ng plano upang mapalabas na namatay siya dahil sa aksidente sa tulong na rin ni Lucille na mabilis kong tinawagan nang ma-aksidente si Ellery. Clone na lamang ni Ellery ang naiwan sa Emergency Room na nilapitan at iniyakan ni Jefferson kahapon, clone na lang din ang Ellery na nakaburol ngayon. Dahil ang totoong Ellery ay nandito ngayon sa CHIA at hindi pa rin nagigising.

Hindi ako pupunta sa so-called Funeral ni Ellery dahil baka hindi ako makapag pigil at maisiwalat ko kung sino ang nasa likod ng tangkang pagpatay kay kaniya kahapon. Sigurado akong tuwang tuwa siya dahil iniisip niyang nagtagumpay siya na mapatay ang isa sa tagapagmana ni Ramon Samonte ngunit nagkakamali siya.

Gagawin ko ang lahat ma-protektahan lamang si Ellery, hindi ako makapapayag na muling may mangyaring masama sa kaniya. I can be her knight in shining armor. Handa akong itaya ang buhay ko alang-alang kay Ellery.

Hindi ko namamalayan na ilang minuto na pala akong nakatitig sa mala-anghel na mukha ni Ellery. Wala pa rin kakupas-kupas ang kaniyang ganda kahit na ilang taon na ang lumipas mula noong huli namin pagkikita. Kung hindi lang sana ako naging torpe at natakot sa magiging consequence ng pag amin ko, marahil ay girlfriend ko na siya ngayon. Pero dalawa lang naman kasi ang maaaring kahinatnan kung umamin ako noon na gusto ko siya. It's either matutunan niya rin akong mahalin o masira ang friendship namin dalawa. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ni Ellery kung kaya't mas pinili kong sarilinin ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Mahal kita mula noon hanggang ngayon at sa susunod pang mga bukas.

“Ellery!” sambit ko nang makita ang pag galaw ng daliri sa kamay ni Ellery. Senyales na unti-unti na itong nagkakamalay.

Agad kong tinawagan ang private Doctor ng CHIA at kaagad naman itong dumating.

“What happened?” ani Dra. Yna.

Hindi ako nagsalita at tinignan lamang si Ellery na ngayon ay unti unti nang idinidilat ang kaniyang mata.

ELLERY POV

Nang imulat ko ang mga mata, ramdam ko pa rin ang matinding pananakit ng aking buong katawan. Inilibot ko ang aking mata sa apat na sulok ng silid kung saan ako naroroon.

“Okay na siya, pero kailangan pa rin natin siyang obserbahan,” wika ng doktora. Nakangiting tumango lamang ang lalakeng sobrang pamilyar sa akin—si Stephen.

“Salamat, Dra. Yna,” ani Stephen.

“I'll go ahead. Call me if may naging problema,” aniya at lumabas na ng silid.

Nasa Miraculous Faith Hospital ba ako? Bakit parang hindi naman ganito ang itsura ng mga silid doon? Masiyadong simple ang itsura ng silid kung nasaan ako ngayon naka-confined.

“Thanks God, you're awake.” Nakangiting wika ni Stephen kaya ilang segundo ako napatitig sa kaniya. Ano nga ba ang nangyari sa akin? Ang alam ko lang ay tila wala ako sa aking sarili habang naglalakad patawid kanina. Hanggang sa may kung anong metal na lamang ang tumama sa aking katawan kasunod noon ay kadiliman.“Ba't nakatitig ka lang sa akin? Hindi mo ba ako nakilala?” May pag aalala sa tono ng boses ni Stephen kaya naman nakaisip ako ng kalokohan.

“K-Kilala ba kita? At saka nasaan ba ako? A-Anong ginagawa ko rito?” pag arte ko na kunware'y wala akong maalala.

“This is bad.” Napapa-iling na usal niya at may kung anong kinuha sa bulsa ng suot nitong leather jacket—ang kaniyang cellphone. Siguro tatawagan niya 'yung Doctor kanina. Ay sosiyal, may contact.

Bakas na ang labis-labis na pag aalala sa mukha ni Stephen habang may kung anong kinu-kutingting sa kaniyang cellphone kaya naisip kong bawiin na ang sinabi ko.

“That's enough. I am just kidding. How can I forget someone like you?” Nakangiting wika ko dahilan upang mapatigil si Stephen sa kaniyang ginagawa at seryosong mapatingin sa akin.“W-What?”

“This isn't a right time to crack a joke Ellery,” seryosong wika nito masama rin ang tingin nito sa akin. Gosh! Nagalit ko yata ang isang Stephen George De Silva.

“O-Okay. I am sorry. H'wag ka na magalit, please.” Malumanay at punong puno ng sinsiredad na wika ko.

Nagulat na lamang ako ng bigla siyang tumawa.“I got fooled you. Happy April's Fools, Ellery.” Natatawa pa rin na wika nita. I just rolled my eyes.

“Damn you!” Inis na wika ko at kung hindi lang masakit ang buong kung katawan ay binato ko na si Stephen ng cellphone ko. Wait, nasaan nga pala ang cellphone ko? Alam na kaya ng mga kaibigan ko at kapatid ko ang nangyari sa akin?“Did you see my phone?” Biglang naging malumanay ang boses ko.

“Nasira ang cellphone mo dahil sa nangyari kahapon. Don't worry, I'll buy you a new one. Anong brand ba ang gusto mo?” ani Stephen. Kahapon? So isang araw pala akong unconscious.

“Can I borrow your phone? I will make a call. Tatawagan ko si Clarett o kaya si Marga, baka nagtataka na mga 'yon kung bakit hindi ako nakauwi last night.”

“About that. I have something to tell you. This is a very important matter Ellery and you need to cooperate with me,” ani Stephen. Bakit bigla naman yata siya naging seryoso ulit?

“A-Ano ba 'yon?”

“First, wala ka sa Miraculous Faith Hospital o kung saan Hospital man. You're here at CHIA,” aniya. CHIA? Sounds familiar, as far as I remember isa iyong Intelligence Agency na parang counterpart ng FBI dito sa Pilipinas. So what I am doing at CHIA?“Second, ang alam ng lahat ay patay ka na.” F*ck! Ano raw?!

“Ako? P-Patay na? At bakit ko naman kailangan magpanggap na patay na ako?”

“That's for your own good Ellery. Remember that night na nagkita tayo sa isang Bar? Hindi 'yon aksidente lang. Nagbalik ako rito sa Pilipinas dahil sa isang mission, at ikaw 'yon. You're my mission, Ellery. Mission ko na protektahan ka laban sa mga taong nagtataka sa buhay mo. Maraming nakakaalam na isa kang Samonte at nakatakda rin na maging tagapagmana kaya hindi na nakapagtatakang maraming gustong kumitil ng buhay mo upang hindi ka maging tagapagmana ng iyong ama. You're one of Samonte Heiress, Ellery.” Mahinahon na paliwanag ni Stephen ngunit sa haba ng sinabi niya ay wala akong naintindihan.

“I still don't understand why I need to pretend na patay na ako?”

“To protect yourself from people who has a plan of killing you. 'Yung nangyaring aksidente sa'yo, hindi 'yon sinadya lang. Someone planned it. One of your closest friends is a traitor and wants to kill you.”

Halos hindi ako makapagsalita matapos marinig ang huling salita na binigkas ni Stephen. One of your closest friends is a traitor and wants to kill you, pero sino? Sino kina Lucia at Cristine ang gustong pumatay sa akin? At bakit?

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon