CHAPTER 17

42 0 1
                                    

Kinabukasan..

JEFFERSON POV

“Napapadalas yata ang pag punta ni Summer sa inyo, bakit?” ani Sarah. Nang magkita-kita kaming tatlo nila Kristofer.

“Napaka chimosa mo talaga Sarah, pati ba naman iyon itatanong mo?” ani Kristofer.

“Wow! Akala mo siya hindi. Sino kaya 'yung tumawag sa akin ng alanganin oras para lang itanong kung mahal pa ba ni Summer itong kaibigan natin,” sarkastikong saad ni Sarah habang nakataas ang isang kilay.

“Sinusulit lang niya 'yung natitirang dalawang linggo ng bakasiyon niya rito sa Pilipinas,” tugon ko sa tanong ni Kristofer.

“Sinusulit sa'yo?” ani Sarah saka mahinang natawa.

“Hindi naman sa gano'n.” Tipid kong tugon.

“Hindi sa gano'n eh gano'n na nga 'yung ginagawa ni Summer. Hindi ako naniniwala na kino-comfort ka lang niya. Kasi in the first place, why she needs to do that? For what? Dahil sa namatayan ka ng dating minamahal? I don't think so. I have a strong feeling na kaya ka kino-comfort ni Summer ay dahil she wants to win you back. Babae ako kaya nababasa ko 'yung galawan ni Summer, she still loves you. At ngayon na wala na siyang kaagaw sa'yo, ngayon pa ba siya susuko na makuha ka ulit?” ani Sarah. Hindi naman ako manhid para hindi 'yon maramdaman. Alam ko na mahal pa rin ako ni Summer, dahil inamin niya 'yon noon.

Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot ako na dumating 'yung araw na muli kong matutunan mahalin si Summer. Natatakot ako na muling maging masaya sa piling niya. Bago namatay si Ellery, nasaktan siya sa pagbabalik ni Summer at hanggang ngayon ay pinagsisishan ko pa rin ang mga araw na lumipas na hindi man lang kami nagkaayos ni Ellery bago niya ako iniwan. Kung hindi siguro kami nagkaroon ng samaan ng loob noong araw na 'yon, hindi siguro masasagasaan si Ellery. Hindi sana siya nawala sa akin.

“Pero kung ako ang tatanungin pre, h'wag ka na makipagbalikan kay Summer. Kung sakali man na muli mong bubuksan 'yung puso mo at magmamahal ka ulit, sa ibang babae na lan at h'wag kay Summer, dahil para mo lang din pinatunayan sa mga kapatid ni Ellery na totoong nag cheat ka sa kapatid nila. Lalo na 'yung Lucille na 'yon? Ano na lang ang sasabihin niya sa'yo kapag nalaman na nagkabalikan kayo ni Summer? Edi pinaulanan ka na naman ng masasakit na salita. Isa pa, h'wag mo ng balikan 'yung taong sinaktan ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay totoo ang salitang true love has a habit of coming back kasi kung true love 'yan, bakit kailangan ka niyang iwan in the first place? Kung true love 'yan, hinding hindi ka niyan iiwan gaano man kahirap ang sitwasiyon,” ani Kristofer napapalakpak naman si Sarah sa sinabi ng kaibigan namin. Maging ako ay hindi ko rin inaasahan na makakapag bigay ng advise si Kristofer ng may kabuluhan. Madalas kasi ay puro kalokohan lamang ang payong naibibigay niya.

“Tangina Kristofer, ikaw ba talaga 'yan? Grabe 'yung choices of words mo ah.” Pang uuyam ni Sarah saka muling natawa.

“Minsan lang ako mag seryoso, kaya pakiusap makinig ka sa akin pre. Just a friendly advise lang naman 'yon. Pero siyempre, na sa'yo pa rin ang desisiyon. Kaibigan ko kayo ni Sarah, at parang kapatid na rin ang turing ko sa inyo. Kahit sino sa inyong dalawa ayaw kong may nasasaktan sa inyo,” ani Kristofer.

“Alam ko naman 'yon, at wala rin naman akong planong makipagbalikan pa kay Summer.”

Wala na nga ba?

SUMMER POV

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang babaeng nakita ko kagabi. Hindi ako maaaring magkamali, alam kong si Ellery ang babaeng iyon. Pero imposible, patay na si Ellery at kailan man ay hindi na siya babalik. Pero sino ang babaeng nakita ko kagabi na pasakay sa kaniyang kotse? Wala naman nabanggit si Jefferson sa akin na may kakambal si Ellery.

“S-Summer?” Bumalik ako sa aking wisyo matapos na may tumawag sa pangalan ko kaya agad akong napaangat ng aking ulo.

“Yes ako nga, do I know you?” Mahinahon kong tugon sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Nandito ako ngayon nakaupo sa labas ng convenience store na medyo malapit lang sa bahay namin, nagpapahangin habang umiinom ng malamig na Fruit Shake.

“I guess hindi pa. Pero kilala na kita, you're Jefferson's ex-girlfriend right? I'm his girl bestfriend, Sarah.” Nakangiting wika ng babae na nag ngangalang Sarah.

“Hi, it's nice meeting you Sarah.” Nakangiting tugon ko nang ilahad ko ang kamay ko sa kaniya upang makipagkamay, agad naman niya itong tinanggap.

“Same goes, Summer. P'wede maupo?” aniya tumango naman ako saka siya naupo sa katapat na upuan.“Totoo nga ang chika, maganda ka nga,” aniya habang nakatitig sa akin. Alam ko naman 'yon, pero naiilang ako kapag hindi ko pa lubusang kilala ang magsasabi sa akin.

“H-Hindi naman,” nahihiyang tugon ko.

“Anyways, may gusto sana akong itanong sa'yo kaya agad na kitang nilapitan nang makita kita rito sa labas ng convenience store at hindi na rin ako mag aalangan na itanong 'yon. You know, girls talk.” Nakangising wika ni Sarah. Hindi pa man niya sinisimulan ibuka ang kaniyang bibig ay tila alam ko na ang gusto niyang itanong sa akin kaya inunahan ko na siya.

“Tungkol ba 'to kay Jefferson?” Malumanay kong tanong at kita sa mukua ni Sarah na nagulat siya na alam ko na ang itatanong niya, maya-maya pa ay bigla siyang natawa. Sounds sarcastic.“I knew it. Wala naman tayo p'wedeng pag usapan kundi ang taong parehas natin kilala,” sarkastikong wika ko.

“Stay away from him.” Walang paligoy-ligoy na saad ni Sarah. How dare her?

“At sino ka sa tingin mo para sabihin sa akin 'yan? You're just his girl bestfriend. I'm his ex-girlfriend—”

“Ex-girlfriend.” She emphasize the word ‘ex-girlfriend’ bago muling nagsalita.“Meaning, past na kaya hindi na dapat bumabalik pa. Kaya siguro hindi pa rin nai-imbento ng mga scientist ang time machine para maiwasan 'yung mga past na tulad mo na bumalik sa present,” sarkastikong wika ni Sarah. Nagtitimpi lamang ako pero kung wala kami sa pampublikong lugar ay baka pinatulan ko na ang babaeng 'to.

Yes, I'm just an ex-girlfriend pero hindi ibig sabihin no'n ay p'wede niya na akong husgahan.

“Hindi counted ang opinion ng taong wala naman alam sa buong kwento, parang ikaw. So if I were you? Mananahimik na lang ako, kasi ayaw kong mapahiya,” sarkastikong tugon ko bago tumayo sa aking kinauupan at iniwan si Sarah.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Where stories live. Discover now