CHAPTER 6

41 1 1
                                    

Pasado alas-siyente ng kapwa kami magpasiya ni Summer na umuwi na. Kitang kita ko naman sa mga mata niya na nag enjoy siya sa araw na 'to. 35days lang ang bakasiyon niya rito sa Pilipinas at after no'n ay babalik na rin ulit siya sa Dubai dahil pinaplano niyang i-renew ang contract niya sa dati niyang amo. Kaya naiintindihan ko kung nanaisin niya na sulitin ang pagbabakasiyon niya rito sa Pilipinas.

Matapos kong ihatid si Summer sa bahay nila ay agad na rin akong umuwi sa bahay kung saan naabutan ko si Mama na naghihintay sa akin sa labas ng aming bahay.

“Ma, ba't nandi—”

“Ginabi ka yata. Saan ka nanggaling?” Salubong ni Mama sa akin kaya hindi ko na naituloy ang dapat sana ay sasabihin ko.“Totoo ba ang sinabi ng Papa mo na magkasama kayo ni Summer kanina?” Patuloy ni Mama.

“O-Opo,”

“Nanggaling dito kanina si Ellery, hinahanap ka niya sa akin. Hindi mo raw kasi sinasagot 'yung mga tawag at text niya sa'yo.” Matapos kong marinig iyon mula kay Mama ay dali-dali kong kinapa sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko.

At nang mabuksan ko ang cellphone ko, bumungad sa akin ang 15 missed calls at 27 unread messages mula sa girlfriend ko dahilan upang makaramdam ako ng labis-labis na guilt. Ano ba 'tong katarantaduhan na pinasok ko. Paano ko nagawang i-ignore si Ellery nang dahil lamang sa Summer na iyon? F*ck!

Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad ko nang tinawagan si Ellery, siguro naman gising pa siya sa mga oras na ito.

Wala pang ilang segundo na nagri-ring ang cellphone niya ay agad na rin niya itong sinagot. Ibig sabihin ay talagang hinihintay niya ang tawag ko.

“B-Babe—”

“Kumusta naman ang pagkikita ninyo ni Summer? Nag enjoy ka ba kasama siya?” Agad na bungad sa akin ni Ellery dahilan upang mapapikit na lang ako. Ayaw kong masinugaling sa kaniya at mas lalo naman na ayaw ko siyang masaktan sa katotohanan. Pero kahit yata magsinungaling ako ay huli na rin ang lahat, dahil sigurado akong sinabi na sa kaniya ni Papa kanina nang pumunta siya rito.

“Nasaan ka ngayon? P'wede ba tayo magkita?” Malumanay na wika ko. Gusto kong bumawi sa kaniya. Alam kong ang gago ko sa part na mas inuna ko si Summer kaysa sa girlfriend ko kaya naman gusto kong ituwid ang pagkakamali kong iyon. Gusto kong bumawi sa girlfriend ko.

“Ba't hindi mo sagutin ang tanong ko? Kumusta ang pagkikita niyo ni Summer?” Malumanay lamang ang boses ni Ellery sa kabilang linya ngunit alam kong nagpipigil lang siya ng kaniyang luha. I don't want my precious girl cry.

“S-Sorry.” Iyon na lamang ang tanging nasabi ko. Dahil hindi ko alam kung paano magpapaliwanag kay Ellery na hindi ko siya nasasaktan. Aminado akong may pagkakamali rin ako kanina. Dapat una pa lang ay iniwasan ko na si Summer.

Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Ellery sa kabilang linya, sounds sarcastic.

“So totoo nga? Magkasama kayo ni Summer kanina? Kaya ba hindi mo sinasagot 'yung mga tawag at text ko? Sobra ba akong nakakaabala sa moment ninyong dalawa?” sarkastikong wika ni Ellery.

“B-Babe, I am really sorry. Maniwala ka sa akin, walang malisya ang naging pagkikita namin ni Summer ka—”

“Wala nga ba? Sa tingin mo maniniwala akong wala lang talaga? Hindi ako kahapon lang pinanganak. Summer isn't just a friend of yours or a stranger. She's your ex! At anong gusto mong gawin ko? Kumalma lang? Matuwa ka? Dahil wala naman malisya 'yon? At alam mo ba 'yung hindi ko maintindihan? Why do you need to lie to me. Ba't hindi mo sa akin sinabi na pauwi na pala ang Summer na 'yon dito sa Pilipinas? At bakit ayaw mong sagutin ang mga tawag ko kanina?” Ramdam ko na ang matinding galit sa akin ni Ellery dahil sa katangahan ko.

“Hindi ko nasabi sa'yo agad dahil biglaan din ang naging pag uwi ni Summer at higit sa lahat, hindi rin naman ako intresado sa pag dating niya. Babe, maniwala ka man sa akin o sa hindi, totoong walang malisya ang pagkikita namin ni Summer kanina. Gusto lang din niya ng closure kaya pumayag na lang din ako sa—”

“I don't think so,” sarkastikong wika ni Ellery.

“Babe..Babe..Hello!” At tuluyan na nga niya akong binabaan ng telepono. Napasabunot na lamang ako sa sarili ko. Kasalanan ko 'to. Masiyado akong naging marupok kay Summer kanina.

ELLERY POV

Nang matapos ang pag uusap naming iyon ni Jefferson ay napasubsub na lamang ako sa unan ko at doon ay nagsimulang humagulhol. Ang sakit isipin na na nagawang magsinungaling at maglihim sa'yo ng taong sobrang pinagkakatiwalaan mo. Masiyado yata ako naging kampante na mahal at tapat sa akin si Jefferson kaya hindi niya magagawang pagtaksilan ako, ngunit nagkamali ako. May malisya man o wala ang pagkikita nilang dalawa ng ex-girlfriend niya, naglihim pa rin siya sa akin. Kung hindi pa pala ako nagpunta sa kanila, hindi ko pa malalaman. And hiding the truth from your partner is already a form of cheating.

How could be a man that I thought faithful and loyal to me will betrayed me?

Wala akong tigil sa pag iyak hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili kong hinahanap sa contact ko ang numero ng kapatid kong si Jillian.

What I am doing?

“Hello, Ate Ellery. Ba't napatawag ka?” Malumanay na wika ni Jillian sa kabilang linya. Teka, ba't ko nga pala siya tinawagan?

“H-Hello, Lil’ Sis.” Nag aalinlangang tugon ko.

“Ba't ganiyan boses mo? Umiyak ka ba?” Nag aalalang tanong sa akin ng kapatid ko. Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang naramdaman na nag alala sa akin si Jillian. Hindi ko rin naman kasi siya madalas na nakakausap simula nang maglayas siya rito sa Mansion at mamuhay ng mag-isa.

“H-Hindi, medyo masama kasi pakiramdam ko kaya ganito boses ko,” pagsisinungaling ko.

“Eh bakit ako tinawagan mo? Mukha ba akong Doctor?” sarkastikong wika ni Jillian mula sa kabilang linya. Ibaba ko na sana ang telepono nang muli siyang magsalita,“I know we're not that really close, but you can't lie to me Ate. Alam kong hindi totoong masama ang pakiramdam ko. Umiyak ka kaya ganiyan ang boses mo. Bakit? May problema ka ba?”

“Hindi naman gano'n kabigat, I can still handle this pa rin naman. Tumawag lang ako para kumustahin ka, sige ibaba ko na 'to baka naiistorbo na kita. Thank you sa pag sagot.”

“Wait. You can't just hang up this call knowing na ganiyan ang sitwasiyon mo. I know you Ate Ellery, hindi ka iiyak kung hindi magbigat ang problema mo at hindi ka lang din basta tumawag para kumustahin ako. You need someone to talk to, I may right?” ani Jillian habang ako'y tahimik lang na nakikinig sa kaniya.“May alam akong lugar na makakatulong sa'yo para gumaan ang bigat na nararamdaman mo Ate,”

“Saan?”

“Well, saan pa ba? Edi sa Bar. I know na mag e-enjoy ka. Wait me, I'll pick you up.” Magsasalita pa sana ako upang tumutol sa gusto ni Jillian ngunit binabaan na niya ako ng telepono.

This is crazy.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon