CHAPTER 8

40 2 0
                                    

STEPHEN POV

It's always good to be back. Matagal-tagal din mula nang huli kong makita ang ganda ng Pilipinas—or should I say ang ganda ni Ellery Catalina Samonte, the eldest daughter among Samonte Heiress. Ang panganay na anak ni Ramon Samonte at isa sa kaniyang tagapagmana.

Nakaraang linggo pa nang dumating ako rito sa Pilipinas dahil sa aking napakahalagang mission—ang protektahan ang panganay na anak ni Ramon Samonte na si Ellery laban sa mga nagbabalak magtangka sa buhay nila. Oo, isa akong secret agent sa isang matagal ng Intelligence Agency.

Pagkarating na pagkarating ko pa lang ay nagsimula na akong magbantay sa bawat kilos ni Ellery. Ang lahat ng taong nakakasalamuha niya ay pinag aralan ko na ang kani-kanilang mga background. Isa sa mga taong madalas niyang makasama't makausap ay may nililihim na galit sa kaniya at nagtatangka sa kaniyang buhay, dahil alam ng taong iyon na isa si Ellery sa may mahalagang gampanin sa pamilya Samonte. Ngunit hindi ko pa 'yon p'wede ipaalam kay Ellery. Bukod sa hindi siya maniniwala sa akin dahil malaki ang tiwala niya sa taong iyon, hindi pa niya p'wede malaman sa ngayon ang totoong pakay ko kung bakit ako nagbalik dito sa Pilipinas. Hindi pa sa ngayon.

“Ayos ka lang?” wika ko habang tahimik na naka-angkas sa motorsiklo ko si Ellery. Alam ko na may phobia siya dahil bago pa man ako magbalik ay inalam ko na ang nangyari kay Ellery sa nakalipas na limang taon na hindi namin pagkikita. Kaya alam ko rin na may boyfriend na siya ngayon.“Hindi naman ako mabilis magpatakbo eh. Kaya h'wag ka ng matakot. Sabi ko nga sa'yo, as long as kasama mo 'ko you're safe Baby.” Patuloy ko pa at isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ko.

I miss her damn much. I miss the way she laughed on my nonsense joke. I miss her smile. I miss everything about her. Kung bakit kasi hindi ko pa nagawang aminin sa kaniya noon na may gusto sa kaniya. Dahil ba masiyado akong naging torpe? O dahil natakot lang ako na baka masira ang pagkakaibigan namin at iwasan niya ako sa oras na malaman niya na higit pa sa isang kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya. I love her since we were twelve. She's my first and last love. Magmula nang maramdaman ko na minamahal ko si Ellery, hindi na ako tumingin pa sa iba. At kahit ngayon na may nagmamay-ari na sa kaniya, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa kaniya.

I will love her silently—secretly. Hindi ako naghahangad ng kahit ano man kapalit sa pagmamahal ko sa kaniya. Seeing her happy and treated right by the man she choose to love is already enough for me.

“Wala ka bang kotse? Ba't kasi naka-motor ka lang?” naiinis na wika ni Ellery. Ramdam ko pa rin ang kaba at takot sa boses niya, mas lalo rin humihigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

“Wala eh,” tugon ko. Pero ang totoo ay meron naman talaga. Iyon nga lang ay iniwan ko sa Headquarters dahil sa pagmamadali nang may mag tip sa akin na nasa Bar si Ellery.

“Ibaba mo na lang ako. Mag ta-taxi na lang ako pauwi!” Giit ni Ellery dahilan upang mahina akong matawa. She's so cute kapag natatakot na.“H'wag mo 'kong tawanan Stephen George De Silva Jr. Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!”

“Mas mapapanatag ang kalooban ko kung ako mismo ang maghahatid sa'yo pauwi sa Mansion. Ipapaala ko lang sa'yo Ellery, hindi ka basta ordinaryong babae lang. Isa ka sa tagapagmana ng iyong Ama. Kaya hindi kita p'wede pabayaan.”

“Alam mo naman na noon pa man, wala na akong pakialam sa pamana ni Daddy. I want to live a simple life,” aniya.

“It's still my duty to protect you Baby.” Mahinang sambit ko sapat lang upang ako ang makarinig.

“What did you just say?” ani Ellery at kahit hindi ko nakikita ang facial expression niya, alam kong nakakunot ang noo niya dahil hindi niya naintindihan at narinig ang sinabi ko.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Where stories live. Discover now