CHAPTER 21

51 2 2
                                    

JEFFERSON POV

Mga handwritten messages every anniversaries, regalo at maging ang couple necklace namin ni Ellery ang nilalaman ng kahon. Sa lahat ng laman ng kahon, may isang bagay ang higit na nakakuha ng atensiyon ko—ang snow globe na niregalo sa akin noon ni Ellery.

“Happy Anniversary, Babe.” Masayang bati sa akin ng girlfriend ko, ngayon ay ang unang anibersaryo namin bilang magkasintahan.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala ba ang babae na dating pinapangarap ko lang, ngayon ay pagmamay-ari ko na. Kaya naman lahat gagawin ko mapasaya ko lamang si Ellery dahil mahal na mahal na mahal ko siya.

“S-Snow Globe?” wika ko nang buksan ko na ang regalo niya sa akin. Nakangiting tumango naman sa akin si Ellery.

“Naalala ko kasi noong magpunta tayo sa Mall, titig na titig ka sa snow globe na nakita natin. Naisip ko na baka gusto mo kaya ayon 'yung naisip kong iregalo sa'yo ngayong anniversary natin.” Nakangiting wika ni Ellery. Sa sobrang saya ko ay bigla ko siyang nayakap kahit pa pagtinginan kami ng mga tao rito sa Pancake House.

Bata pa lamang ako ay pangarap ko na magkaroon ng snow globe. Tuwang tuwa kasi ako sa tila snow nasa sa loob ng tila bolang crystal. At dahil may kamahalan iyon, hindi ko ito mabili kahit na noong nagta-trabaho na ako. Dahil mas nilalaan ko ang pera ko sa mas mahalagang bagay hindi sa pansarili ko lamang.

“Thank you Babe. Thank you so much. I love you.” Hindi maalis ang malapad na ngiti sa labi ko, muli kong niyakap si Ellery at hinagkan siya sa noo.

Mapait akong napangiti nang maalala ang araw na 'yon. Totoo nga na people leave, but memories stay. Nawala na 'yung taong nakasama mo nang mga sandaling iyon, ngunit nananatili pa rin na nakatatak sa puso't isipan natin ang mga alaalang kanilang iniwan.

Iniligpit ko na ang laman ng kahon at ibinalik ito sa dati nitong lagayan. Pagkatapos ay bumalik ako sa higaan ko at nagsimula na naman na magmuni-muni.

Kung sana'y maibabalik ko lang ang nakakaraan, mas mamahalin at aalagaan ko si Ellery. Ngunit paano pa? Ngayong tuluyan na siyang lumisan at kailanman ay hinding hindi na siya babalik pa. Paano ko pa maitatama ang pagkakamali ko, kung huli na ang lahat.

Ang daya mo Ellery, hindi pa nga ako nakakabawi sa mga naging pagkukulang at kasalanan ko sa'yo pero iniwan mo na 'ko. Nangako ka pa sa akin noon na kapag nag 29 ka na, magpapakasal na tayo kahit civil wedding lang. 2years na lang sana, pero umalis ka pa. At ang pinakamasakit? 'yung umalis ka na hindi man lang tayo nakapag paalam ng maayos sa isa't isa. Umalis ka na kahit ikaw mismo ay hindi mo alam na aalis na pala.

ELLERY POV

After a few minutes mula nang umalis si Lucille ay siya naman dating ni Stephen. Ngayon nga ay sabay kaming kumakain ng hapunan kahit alas-sais pa lang ng gabi.

“Kanina ka pa sumusulyap sa akin? May dumi ba ako sa mukha? O may gusto kang sabihin?” ani Stephen nang uminom siya ng tubig at mapansin na panay ako sulyap sa kaniya.

“May gusto sana akong itanong sa'yo, pero mamaya na lang siguro after natin kumain ng dinner,” saad ko.

“Ngayon na. About saan ba 'yan?” ani Stephen at mukhang intresado rin siya malaman kung ano 'yung itatanong ko.

“About kay Lucille.” Nang sandaling banggitin ko ang pangalan ng bunso kong kapatid ay naudlot ang dapat sana'y pagsubo niya.“She came her awhile ago. I wonder how did she know na nandito ako and how did she know that I'm still alive. Sinabi mo ba sa kaniya?” Pagpapatuloy ko.

“Yes. I told her. Don't worry, we can trust your step-sister. In fact, she helped me para palabasin na namatay ka na that day.” Nakangising wika ni Stephen at tila nabunutan ako ng tinik sa sinabi niyang iyon pero...

“About kapatid kong si Marga, kumusta siya? May balita ka ba sa kaniya? Pakiramdam ko kasi, may itinatago sa akin si Lucille noong makausap ko siya kanina.”

Muling ngumiti si Stephen at hinawakan ang kamay ko nakapatong sa dining table bago siya nagsalita,“You don't have to worry about your sister Margaret, she's okay. She's safe and sound.”

“Makakasiguro lang ako na totoo ang sinasabi mo kung makikita ko mismo si Marga. Pupunta ako sa Mansion at aalalamin ko ang totoo,” seryosong saad ko tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Stephen.

“No. Hindi ka aalis dito sa rest house ng mag isa. Kung gusto mo na masigurado na okay lang ang kapatid mo, sasamahan kita. Dalawa tayong pupunta. But, you should promise me na hindi ka magpapakita sa kahit na sino. Mag i-stay ka lang sa loob ng sasakyan at ako na ang bahala na tumawag upang palabasin ng gate si Marga nang makita mo siya pero hindi ka niya p'wedeng makita. Ellery, pinag iniingatan lang kita na h'wag makita ng mga taong may lihim na galit sa'yo. Sana maintindihan mo 'ko.” Mahinahong paliwanag ni Stephen.

Napabuntong hininga ako bago nagbitaw ng salita,“Okay, I will stay here na lang. H'wag na tayong pumunta sa Mansion. Tingin ko naman hindi kayo nagsisinungaling sa akin ni Lucille, totoong okay lang si Marga.”

——

“Totoo pala 'no? Totoo pala na sa una lang palaging masaya. Tulad sa isang relasiyon, sa una lang nakakakilig. Pero habang tumatagal, unti unti mo mapapansin 'yung pagbabago sa inyong dalawa. Kaya ang swerte mo, kung mapunta ka sa taong consistent. 'Yung mula umpisa—mula sa sandaling nililigawan ka pa lang niya hanggang sa maging kayo na officially, ay gano'n pa rin ang trato niya sa'yo. Sweet pa rin siya tulad ng dati, hinahanap-hanap ka pa rin niya kapag wala ka.” Nakatingin sa malayong saad ko. Nandito kami ni Stephen sa Balcony ng rest house habang nagpapahangin. Katatapos lang kasi namin mag dinner at hindi pa naman kami inaantok.

“The length of the years you've been together will never be an assurance of a happy ever after,” aniya dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.“Kahit gaano pa kayo katagal ang relasiyon niyo kung hindi kayo ang nilaan sa isa't isa, maghihiwalay at maghihiwalay pa rin kayo. 'Yon nga lang, masakit. Dahil marami na kayong naipong masasayang alaala na sa oras na matapos ang kwento ninyong dalawa, ay kapwa niyo gugustuhin na ibaon sa limot ang mga alaalang iyon.”

“Nothing hurts than seeing your man falling inlove with someone else. Nothing hurts than being an option.” Out of nowhere kong saad. Hindi ko rin alam ba't ko nasabi 'yon, naboboang na yata ako.

“Nothing hurts seeing the girl you love mistreated by the man he choose to love,” aniya dahilan upang muli akong mapatingin sa kaniya. Na-inlove na ba ang taong 'to at grabe kung humugot.

The length of the years you've been together will never be an assurance of a happy ever after.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon