CHAPTER 29

36 2 10
                                    

STEPHEN POV

Nang matapos kami kumain ng lunch kasama si Agent Chantria ay nagpasiya ako na ihatid na si Ellery sa rest house upang makapag pahinga siya. Pero mas pinili nito na magtungo sa sementeryo kung saan nakahimlay ang kaniyang ina na malapit din kung saan inilibing ang clone ni Ellery.

“Baby..” pukaw ko sa kaniya nang mapansin ko na kanina pa siya tulala. Nakasandal ang kaniyang ulo sa saradong bintana ng kotse.“Are you okay?” Mahinahong tanong ko.

“Ayos lang ako. Medyo pagod lang.” Matamlay na wika nito.

“Gusto mo ng magic kiss para ma-boost 'yung energy mo?” Malambing na saad ko habang nagmamaneho ng kotse. Kahit lingunin si Ellery alam kong nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko.“Dapat kasi ipinagpabukas na lang natin 'yung pagpunta sa sementeryo. Hindi naman siguro magtatampo si Tita Carmela kung hindi mo siya madadalaw ngayon.” Patuloy ko.

“Napanaginipan ko siya last night. Sa panaginip ko nakangiti siya, masaya siya. Pero bago ako magising, bigla niya ako niyakap. Pagkatapos, nagulat na lang ako nang may dugo na ang kamay ko. Nang tignan ko si Mommy, umiiyak siya.” Sandali kong sinulyapan si Ellery. She's crying too.“Wala pa rin bang lead sa kung sino ang mastermind sa pagkamatay ni Mommy? Hindi pa rin ba nalalaman kung sino?” aniya. Umiling ako, kung kaya't napabuntong hininga na lang siya.

Ang totoo ay matagal ko ng alam kung sino ang mastermind sa pagkamatay ni Tita Carmela. Isa sa pinakamalapit sa kanilang pamilya ang pumatay sa Mommy ni Ellery. Ayaw ko muna itong sabihin sa kaniya dahil mas gusto kong i-relax ang isipan niya upang maging handa siya sa mga susunod pang rebelasiyon sa kaniyang buhay.

Pagdating sa parking lot ng isang exclusive private memorial cemetery ay inalalayan ko na bumaba si Ellery sa kotse ko. Isang malamig na hangin ang siyang sumalubong sa amin dalawa. Sinayaw ng hangin ang kulay tsokolate niyang buhok.

Ilang minuto rin ang itinagal namin sa puntod ni Tita Carmela bago nagpasiya si Ellery na umuwi na. Ngunit nabaling ang kaniyang atensiyon sa lalakeng nakatayo sa tapat ng kaniyang pekeng puntod hindi kalayuan mula sa aming kinatatayuan.

Kapwa kami nagkatinginan ni Ellery. Kahit malayo ay kilala ko kung sino ang lalakeng iyon, si Jefferson.

JEFFERSON POV

Hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Hindi ko pa rin alam kung talaga nga bang si Ellery ang babaeng nakita ko noong nakaraang araw o magkamukha lamang sila. Kaya naman naisipan ko na mag halfday na lang muna sa trabaho ko upang makapunta ako rito sa sementeryo kung saan nakalibing si Ellery.

Alam kong marami ako naging pagkakamali kay Ellery, hindi ko siya naalagaan ng husto noong kami pa. Kaya ikatutuwa ko kung malalaman ko na buhay nga siya at nagtatago lang. Mas gugustuhin ko nang malaman na nagsinungaling at naglihim siya sa akin, ang importante ay alam kong buhay siya.

Paalis na sana ako nang mapatigil ako matapos kong makita ang babae't lalake na nakatayo sa hindi kalayuan. Kapwa sila nakatingin sa akin. Hindi ako maaaring magkamali, si Stephen ang lalakeng iyon na naka suot ng grey polo shirt at ang babaeng kasama niya? Si Ellery?

“Sandali lang!” Pigil ko nang akmang paalis na sila. Ngayon ay sigurado na ako. Buhay si Ellery at marahil na si Stephen ang nagtatago siya sa kaniya. Kaya ba hindi man lang nalungkot si Stephen noong malaman na patay na si Ellery? At nagpunta lamang siya noong ililibing na ito. Dahil ang totoo ay hindi naman talaga tunay nag pagkamatay ni Ellery.“Ellery!” tawag ko sa pangalan ng babaeng malaki ang pagkakasala ko. Agad naman siyang napatigil sa paghakbang at nilingon ako.

Nang sandaling magtama ang mata namin ay agad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Punong puno ang ng pagsisisi at panghihinayang.

“Ellery..” Mahinang sambit ko sa pangalan niya at kaagad siyang niyakap. Nakita ko naman ang masamang tingin na pinukol sa akin ni Stephen.

Ngunit mabilis akong itinulak ni Ellery na tila hindi natuwa sa ginawa kong pagyakap sa kaniya.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” sarkastikong tanong nito sa akin matapos niya ako itulak palayo sa kaniya.

Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko nang mga sandaling iyon. Parang umurong ang dila ko at hindi makapagsalita matapos kong makompira na buhay nga siya.

“P'wede ba tayo mag usap?” Mahinahon kong pakiusap.

“Bakit? May dapat ba tayong pag usapan?” sarkastikong saad niya.

“Tungkol sa relasiyon na—”

“Matagal na tayong tapos, Jefferson. Kaya wala naman dapat tayong pag usapan pa,” seryosong saad nito.

Ngayon ko lang napansin ang pagbabago sa kaniya. Sa kung paano siya magsalita, kumilos maging ang pananamit niya, malayong malayo sa Ellery na minahal at nakilala ko noon. Marahil ay binago siya ng matinding galit niya sa akin.

Patawad.

ELLERY POV

Hindi ko rin inaasahan ang pagkikita naming iyon ni Jefferson, aminado rin ako na nakaramdam ako ng matinding kirot sa dibdib ko nang sandaling magtama ang mga mata namin at yakapin niya ako.

Pinagbigyan ko na lang din siya sa gusto niya na mag usap kami, closure at para na rin sa peace of mind ko. I told Stephen to wait me inside his car at pumayag naman siya. Ngunit bago umalis ay hinagkan niya ako sa noo at tinawag pa akong ‘Baby’ sa harapan ni Jefferson.

“Kayo na ba ni Ste—”

“Oo.” Diretsong sagot ko sa tanong ni Jefferson.“Ayaw ko ng maraming paligoy-ligoy. Ano bang gusto mong pag usapan natin?” seryosong tanong ko.

“I'm sorry.”

“I don't hate you. I'm just disappointed you turned into everything you said you'd never be. I still remember you once told me na kailan man ay hinding hindi mo 'ko sasaktan. Totoo nga, words are just words. Mahirap maniwala sa mga salita lang. I'm a writer pero hindi ko man lang napaghandaan ang magiging character development mo, na from being faithful and loyal boyfriend. Magiging cheater ka pala at the end of the story.” Halos pigilan ko ang pagpatak ng aking luha. Ayaw kong makita niya na nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon.

It's kinda hard to turn the page when you know someone won't be in the next chapter.

“Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo. Sorry kung nasaktan kita, sorry kung—”

“Ano pa bang silbi ng sorry mo? Kung nadurog mo na ng husto 'yung puso ko. Kaya bang ibalik ng sorry mong 'yan 'yung mga gabi na halos makatulog na lang ako kakaiyak? Kaya bang ibalik ng sorry mong 'yan 'yung mga araw na halos mag breakdown ako sa kakaisip kung saan ba ako nagkulang? Kung bakit kailangan mo 'ko saktan? Kung bakit kailangan ko maramdaman na parang wala akong halaga.”

“Ellery..”

“After what I've done to save our relationship. After I embraced your flaws and imperfections. After loving you unconditionally knowing that you are a red flag. After being loyal and faithful to you, at the end of the day magc-cheat ka lang pala sa akin?” sarkastikong saad ko. Halos hindi na siya makatingin sa akin ng diretso.“Minahal kita. Alam mo 'yan, pero bakit parang kulang pa 'yung pagmamahal ko sa'yo at naghanap ka pa talaga ng iba?”

“Minahal kita—”

”I don't think so. Kasi kung totoong minahal mo 'ko, hindi mo 'ko sasaktan.”

“Bakit ikaw lang ba ang nasaktan? Sa tingin mo ako? Hindi ba ako nasaktan?” aniya.

“H'wag mo 'kong baliktarin. Alam natin dalawa kung sino ang unang nagloko,” seryosong saad ko.

“Ilang beses ko ba ipapaintindi sa'yo na hindi kita niloko. I didn't cheated on you Ellery.” Giit ni Jefferson. Naiinis na ako sa lalakeng 'to. Gusto na ilibing ng buhay.

“Really? I don't think so. Remember that lying is also a form of cheating.”

“So nag cheat ka rin? Dahil nagsinungaling ka na buhay ka pa pala.”

“Magkaiba tayo ng rason kung bakit kinakailangan kong magsinungaling, para iyon sa kaligtasan ko. Eh ikaw? Nagsinungaling ka para pagtakpan ang pagkikita ninyo ni Summer,” sarkastikong saad ko.“I'm a good enough person to forgive you, but not stupid enough to trust you again.” Pahabol ko bago ko siya talikuran at maglakad palayo.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon