CHAPTER 2

71 5 1
                                    

JEFFERSON POV

Naging maayos naman ang ikatlong beses na pagbisita ko sa bahay ng Mommy ng girlfriend kong Ellery na si Tita Carmela. Kahit na hindi pa rin ako magawang ipakilala ni Ellery sa Daddy niya, ayos lang at naiintindihan ko 'yon. Knowing their family for so long. Alam kong hindi talaga papayag ang ama niyang si Ramon na panganay na anak nina Don Juan at Doña Stella na ako ang maging kabiyak ng kaniyang panganay na babaeng anak at isa sa heredera ng pamilya Samonte. Hindi maipagkakaila na langit si Ellery, at ako? Isa akong lupa. Kung pagbabatayan, hindi talaga ako tugma ni Ellery sa isa't isa. Nanggaling siya sa isang marangyang pamilya. Hindi niya kailangan magpagod upang magkapera at mabili ang gusto niya dahil lahat ng naiisin niya ay agad niyang makukuha sa isang kisap-mata lamang. Samantalang ako? Kailangan ko muna magpakapagod, makabili lamang ng bagong tsinelas o mabili lamang ang pangangailangan ng aking pamilya.

Kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend ko na ang isa sa heredera ng pamilya Samonte—si Ellery. Mahal ko siya hindi lamang dahil sa mayaman siya at mapera, mahal ko siya hindi lamang dahil sa maganda at matalino siya. Minahal siya ng puso ko dahil sa pagiging simple at mapagkumbaba niya. Hindi na ako magtataka ko siya nga ang hiranging tagapagmana ng pamilya Samonte dahil sa pagiging perfect daughter niya. Mapagmahal na anak at Ate sa kaniyang apat na nakababatang kapatid.

Akala ko nga noon, tulad ng kaniyang ama ay hindi rin ako magagawang tanggapin ng kaniyang ina. Ngunit nagkamali ako sa pagkakakilala sa ina niyang si Tita Carmela. Napaka bait nito, at tulad ni Ellery ay mapagkumbaba rin ito lalo na sa tulad ko na nanggaling sa hirap. Hindi ko malilimutan na minsan siyang nagpadala ng tulong sa amin nang masira ang barong-barong namin dahil sa pananalanta ng bagyong Yolanda.

Iyon din ang araw na nakilala ko si Ellery, dahil kasama siya ng kaniyang ina na nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

“Kanina ko pa yata napapansin na nakangiti ka. Ano ang meron?” Puna ni Ellery nang sulyapan niya ako ng tingin dahil kasalukuyan itong nagmamaneho ng kotse.

“Wala, may naalala lang ako.” Nakangiting tugon ko. Hindi pa rin maalis ang matamis na ngiti sa labi ko habang nagbabaliktanaw sa napakagandang alaala.

“Care to share, Babe,” aniya.

“Our first met,” tugon ko. At kita ko ang pag guhit ng matamis na ngiti sa labi ng babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng handa kong ipaglaban ano't ano pa man ang mangyari.

“Naalala mo pa rin pala,” aniya.

“Oo naman. Para sa akin, iyon ang araw na hinding hindi ko talaga makakalimutan. Alam mo 'yung pakiramdam na kahit binagyo na 'yung bahay namin pero nakangiti pa rin ako dahil sa'yo. Tapos nalaman ko na taga Manila ka pala, kaya nag ipon talaga ako ng pamasahe noon para sundan ka rito sa Manila. Tinitipid ko ng husto 'yung sarili ko makalikom lang ako ng gagamitin kong pamasahe. Kaso pagdating ko rito sa Manila, hindi ko naman alam ang eksaktong address mo kaya pumasok muna akong Janitor sa isang fast-food chain dahil wala na rin akong pera noong panahon na 'yon. Ta—”

“Tapos aksidente mo akong natapunan ng hawak mong disposable cup na may lamang Juice. Gusto kong mainis sa'yo ng araw na 'yon dahil kabibili ko pa lang ng damit na 'yon. Pero dahil nasa public place tayo at kasama ko rin 'yung dalawang kaibigan ko, higit sa lahat ayaw kong mamahiya ng tao kaya minabuti kong magpasensiya na lang.” Pagtutuloy ni Ellery sa kwento ko. Dahil sa ginawa niyang iyon noon, mas lalo ko siyang nagustuhan.“Akala ko nga noon, iyon na ang una't huli nating pagkikita kasi hindi ka naman pamilyar sa akin. Hindi ko naman alam na nagkakakilala na pala tayo somewhere in Visayas region. Nagulat na lang ako isang umaga nasa labas ka ng gate ng unibersidad na pinapasukan ko at may hawak kang bulaklak.”

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Where stories live. Discover now