CHAPTER 23

35 1 1
                                    

STEPHEN POV

Hindi pa ako inaantok at alam kong gano'n din si Ellery ngayon sa kwarto niya. Gusto ko sana sabihin sa kaniya ang sitwasiyon ngayon ni Margaret ngunit alam kong makadargdag lang 'yon sa mga iniisip niya kaya mas mabuting h'wag na lang. Masiyado nang maraming pinapasan na bigat sa kalooban si Ellery unang una na rito ay ang walang habas na pagpaslang sa kaniyang ina, at ang pangalawa ay ang panloloko sa kaniya ng boyfriend niya na si Jefferson. Ayaw ko ng madagdagan pa iyon.

Pauwi na ako kanina nang masalubong ko ang sasakyan ni Lucille, hindi ko rin alam na bibisitahin pala niya ang kapatid niya ngayon. Tila sinadya ni Lucille na iharang ang kotse niya sa daraanan ko kaya napilitan na lang din akong ihinto ang kotse ko. Nang bumaba si Lucille sa kotse at alam kong patungo siya sa direksiyon ko ay bumaba na rin ako at sumandal sa pinto ng kotse habang hinihintay ang paglapit niya.

“Hey,” bati nito. Pasimple ko lamang siyang kinawayan.“May kailangan tayong pag usapan.” Patuloy nito sa seryosong tono ng boses.

“Hindi ka naman siguro haharang sa gitnan ng daan kung trip mo lang,” sarkastikong wika ko ngunit hindi man lang siya natawa. Napaka seryosong babae.“Tungkol ba saan?”

“About Margaret.” Nangunot ang noo ko matapos na banggitin ni Lucille ang pangalan ng isa sa kapatid nila.

“What's with her?” Pagtataka ko.

“I guess she's missing. Few days after mailibing ang fake Ellery ay bigla na lamang nawala si Marga—”

“W-Wait. Are you serious?”

“O c'mon Agent Stephen, mukha ba akong clown para magbiro?” sarkastikong wika nito.“Nagpapatulong na ako sa mga connection ko upang mas mapabilis ang paghahanap kay Marga.”

“Si Ellery? Alam na ba niya—”

“No, at hindi niya 'yon dapat malaman. Muntik na akong madulas kanina nang tanungin niya sa akin kung kumusta na si Marga. Mabuti na lang at hindi ako pinahamak ng bibig ko. Ikaw ng bahala sa kapatid ko, gawin mo ang lahat to protect her. Ako na ang bahala sa paghahanap kay Marga. What ever happens, h'wag na h'wag mong sasabihin kay Ellery ang nangyari sa kapatid namin,” ani Lucille.“Mapagkakatiwalaan ba kita, Agent Stephen?” Agad naman akong tumango.

“H'wag ka mag alala, Lucille. Kahit sarili ko pang buhay handa kong ibuwis alang-alang sa kaligtasan ni Ellery,” sinserong saad ko.

“Alam ko naman 'yon. 'Cause you love my sister.”

Hindi pa nga nalalaman kung sino ang mastermind sa pagkamatay ni Mrs. Carmela, nawawala naman ngayon si Margaret. Hindi kaya iisa lang din siya? Siya rin kaya ang nagtangka sa buhay ni Ellery kamakailan? Kung oo, hindi nga ligtas ang magkakapatid ngayon. Kaya mas do-doblehin ko ang seguridad ni Ellery. Kung kinakailangan na kumuha ako ng magiging personal bodyguard niya habang wala ako sa rest house ay gagawin ko masiguro ko lang ang kaligtasan niya. Dahil kahit alam na ng lahat na namatay na si Ellery Catalina Samonte, hindi pa rin 'yon sapat upang masabi ko na ligtas na si Ellery laban sa mga nagtatangka sa kaniyang buhay. Hindi siya magiging ligtas hanggat hindi pa nakukulong ang nagtataka sa kaniyang buhay na kaibigan lang din naman niya.

Hindi pa kasi basta-basta p'wede gumawa ng hakbang upang ipakulong ang kaibigan niya dahil kulang pa ang ibendensiya na kinakailangan ko upang mapatunayang guilty ito sa tangkang pagpatay kay Ellery.

Matapos ko magmumuni-muni ay nagtungo ako sa silid ni Ellery upang alamin kung tulog na ba siya. Maingat akong pumasok sa silid niya nang mabuksan ko ang pinto.

Napangiti ako sa aking sarili nang makita na mahimbing na itong natutulog. Lumapit ako ng kaunti upang mas matitigan siya ng malapitan. Napakaganda niya kahit siya'y natutulog. Mula noon, hanggang ngayon walang kupas ang kagandahan ni Ellery. Para siyang isang anghel na binaba mula sa langit.

Pasimple kong hinawi ang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ni Ellery at muli akong napangiti habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha—mukha ng babaeng pinakamamahal ko mula noon hanggang ngayon.

Bago ako tuluyan umalis ay kinumutan ko muna si Ellery at hinagkan ang kaniyang noo sabay bitaw ng katagang, “Sleep tight my brighter sunflower. I love you.”

ELLERY POV

“Sleep tight my brighter sunflower. I love you.”

Nang maramdam ko na nakalabas na si Stephen sa silid ko ay saka ko pa lang idinilat ang aking mata. Hindi pa ako tulog nang pumasok siya rito sa kwarto ko, nagpapantok pa lang ako ng mga oras na 'yon. Ayaw kong mapahiya si Stephen kaya nagpanggap na lang ako na tulog na ako.

Ngunit ang salitang binitawan niya bago siya lumabas ng silid ko, guni-guni ko lamang ba iyon? O totoong mahal niya ako?

Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga habang hindi pa rin naaalis sa utak ko ang sinabing iyon ni Stephen. Is he really have deep feelings for me? Is he really love me more than friends?

Dahil naudlot ang dapat sana'y pagtulog ko ay naisipan ko na lang na mag online sa Facebook ko. Mag a-alas dose na ng hating gabi pero marami pa rin online sa mga Facebook friends ko.

I was about to log out my account dahil hindi ko rin naman trip mag scroll down and up sa newsfeed ko nang makatanggap ako ng message mula sa isa sa pinakamatalik kong kaibigan since Highschool.

Christine:
Hello

I miss her—I miss them. Miss ko na maka-bonding sila ni Lucia. But I still need to distance myself from them. Sorry kung hindi ko pa p'wede sabihin sa inyo na buhay ang kaibigan niyong si Ellery.

Brightersunflower:
Hello rin po.

Christine:
Writer ka 'di ba?

Brightersunflower:
Yes po, why?

Christine:
I just remembered my longtime bestfriend sa'yo. She's a writer din kasi.

Napangiti ako na hindi pa rin pala nila ako nakakalimutan. Nasa alaala pa rin nila si Ellery na isang aspiring writer.

Brightersunflower:
Talaga po? P'wede ko po ba malaman account niya so I can add her po. Gusto ko po kasi magkaroon ng mga kaibigan na writer din eh.

Christine:
She already passed away weeks ago. Iniwan na kami ng kaibigan namin na nangako na magiging ninang pa kami sa magiging anak nila ng boyfriend niya.

Nagsimulang tumulo ang luha ko matapos na mabasa ang message na iyon ni Christine. She's my closest friend dahil siya ang una kong naging kaibigan bago ko makilala si Lucia sa isang school. Alam ko na noong inakala nilang patay na ako ay si Christine ang pinaka-higit na nasaktan.

Christine:
Miss na miss na namin siya ng isa pa namin kaibigan.

Ngunit natigil ang pagtulo ng aking luha ng maalala ang sinabi ni Stephen noong magising ako mula sa aksidente, one of your closest friend wants to kill you.

No. Hindi 'yon magagawa ni Christine. She's a softhearted type of girl kaya imposible. Ever since na makilala ko si Christine, alam ko na hindi niya 'yon magagawa.

Pero...

Paano kung siya nga?

How come she betrayed me? How come the person I trusted the most betrayed me?

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon