CHAPTER 20

51 2 0
                                    

JEFFERSON POV

Hindi na ako nagtataka nang makita ang angry reaction ni Sarah sa tagged post sa akin ni Summer kung saan magkasama kami kanin na nagpunta sa Plaza. Ayaw ko naman talaga dapat na samahan siya, ang kaso masiyadong makulit at nangako naman siya na iyon na 'yung huling beses na mangungulit siya sa akin dahil 16days mula ngayon ay babalik na siya sa Dubai upang magtrabaho. May posibilidad din na hindi na kami magkikita kailanman dahil dadalhin niya na roon ang pamilya niya para magkakasama na sila.

Hindi ko alam pero para akong biglang nakaramdam ng lungkot sa nalaman kong iyon. Sa ikalawang pagkakataon kasi ay maiiwan na naman pala akong mag isa.

Habang nasa Plaza kami ay pinilit kong itago ang lungkot sa aking mga mata ngunit napansin pa rin pala iyon ni Summer. Kahit sobrang tagal na, alam pa rin niya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

Ila-log out ko na sana ang Facebook account ko nang mapansin ko ang profile picture ng account na nasa Friend Suggestions ko.

Brightersunflower..

Agad kong binisita ang account niya, writer din pala siya tulad ni Ellery. Pero kagagawa lang ng account niya base sa kung kailan siya nag upload ng profile picture siya.

Oh shit!” Malutong na mura ko nang hindi sinasadya ay mapindot ko ang ‘add friend’ button. At kung minamalas ka nga naman, ika-cancel ko sana iyon nang biglang mag shutdown ang cellphone ko. Hindi ko napansin na lowbat na pala ako.

Hindi ko ugali na mag unfriend ng mga babae sa Facebook account ko. Kung magkakaroon man ako ng babaeng friend sa Facebook, malamang ay kilala ko rin siya sa personal. Si Sarah, Summer, Ellery at mga ka-close kong babaeng kaklase at katrabaho nga lang ang Facebook friend ko na babae. The rest ay puro lalake na, kaya hindi pabor sa akin na na-unfriend ko ang Brightersunflower na 'yon na hindi ko naman kilala sa personal.

Sinubukan ko pa na i-open ang cellphone ko pero lowbat na lowbat talaga kaya napabuntong hininga na lang ako na chinarge ito at saka nahiga habang nakatulala sa kisame.

Minahal mo ba talaga ako?

Agad akong napabalikwas matapos na marinig ang boses na iyon ni Ellery. Nakaidlip na pala ako nang hindi ko namamalayan. Naupo ako sa higaan ko habang nagmumuni-muni. Hindi ko pa madalaw si Ellery sa sementeryo dahil masiyado akong busy sa school at trabaho. Alam ko naman na maiintindihan niya ako.

Hindi ako mapakali kaya naman sinubukan ko na lang na libangin ang sarili ko. Nakita ko 'yung medium size kahon sa ibabaw ng Aparador kaya bumaba ako ng kama upang kunin 'yon.

Medyo maalikabok ang ibabaw ng kulay itim na kahon kaya kumuha ako ng basahan sa kusina upang punasan 'yon. Hindi ko alam kung ano ang laman ng kahon na 'yon at hindi ko rin alam kung bakit iyon nandito sa kwarto. Siguro noong inayos itong bahay ay si Mama ang naglagay ng kahon na ito sa kwarto ko. Kamakailan lang kasi ng dagdagan ng isang kwarto itong bahay para sa akin at medyo palakihin ang sala't kusina.

Nang mapunasan ko na at masigurong hindi na ito mailakabok ay saka ko na maingat na binuksan ang kahon.

Bumungad sa akin ang libo-libong alaala nang sandali na mabuksan ko na ang kahon. Mga alaala ng kahapon na hindi na maibabalik pa.

Imposible na.

ELLERY POV

Nang masiguro kong natuyo na ang luha sa pisngi ko ay saka ako lumabas ng aking silid upang salubungin si Stephen ngunit hindi siya ang bumungad sa akin.

“L-Lucille?” sambit ko sa bunso kong kapatid na ngayon ay nasa aking harapan at sarkastikong nakangiti sa akin.

“Yes, the one and only Lucille Zebbiana Samonte.” Nakangisi nitong saad nang magtagal siya ng suot niyang shade.

Lumubog na 'yung araw pero naka-shade pa rin. May sore eyes ba 'yung babaeng 'to?

“P-Paano mo—”

“Don't worry Sis, alam kong hindi tayo close as sisters pero mapagkakatiwalaan mo 'ko pagdating sa mga ganitong bagay. Alam ko ang lahat, sinabi na sa akin ni Stephen. Nagpunta lang ako rito para kumustahin ka. I think, okay ka naman. So, p'wede na akong umalis,” aniya. Tatalikod na sana ito nang pigilan ko siya.“Why?” kunot-noo na tanong nito sa akin nang sandaling mahawakan ko siya sa braso.

“Kumusta 'yung ibang kapatid natin? Kumusta sila Clarett, Marga at Jilian? Si Daddy? Kumusta rin siya?” Magkakasunod na tanong ko. Aminado akong miss na miss ko na sila.

“Si Jilian, kilala mo naman babaeng 'yon. Okay naman si Clarett and that old man. Pero si Marga..” Sandali siyang napatigil nang sandaling sambitin na niya ang pangalan ng isa pa naman kapatid.

“W-What happen to her? Ano ang nangyari kay Marga?” Nag aalalang tanong ko. Margaret is one of my closest sister. Hindi ko matatanggap kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya.

“She's okay. You have nothing to worry about, Ellery.” Kumindat pa ito sa akin matapos niyang sabihin iyon. Pero hindi ako naniniwala.

“Lucille, please. Sabihin mo sa akin kung anong nalalaman mo kay Marga. Okay lang ba talaga siya? May masamang ba na nangyari sa kapatid natin?” Pakiusap ko.

“I told you, she's okay.” Paniniguro nito.“O siya, I have to go. Binisita lang talaga kita. Always keep safe Ellery,” aniya bago bumeso sa akin at kaagad na rin na umalis.

Very unusual ang ginawang pag beso sa akin ni Lucille, sa ilang taon namin na magkasama sa iisang bubong. Never niya ginawa 'yon. Hindi nga kami close, remember? That's also the reason why she never address me as ‘Ate’. She only called me by my name. Though napaka disrespectful ng gano'n, pero nasanay na lang din ako.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang pag alis ng kotse ni Lucille. Na-appreciate ko 'yung pag bisita niya sa akin. Blessing in disguise rin siguro na na-aksidente ako at may nagtatangka sa buhay ko, kasi sa gano'n paraan ko napagtanto na kahit ang pinakamasamang tao sa mundo ay may mabuti pa rin kalooban. I'm not saying na bad person si Lucille, but the way she treated me kasi hindi talaga kami close. Hindi kami tulad ng ibang magkakapatid na nag uusap madalas o palaging naka-support sa isa't isa.

Muli na akong bumalik sa kwarto ko at dinampot ang cellphone na nasa kama ko pagkatapos ay naupo ako sa couh at itinuloy ang kinakain ko.

Ngunit muntik na akong mabulunan nang makita ko kung sino ang nagpadala ng friend request sa akin.

Jefferson Grey Sandoval sent you a friend request

Hindi tayo marupok for today's video kaya sorry, pero ide-delete ko ang friend request mo.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Where stories live. Discover now