CHAPTER 12

40 2 0
                                    

ELLERY POV

Halos gumuho ang mundo ko nang malaman na wala na si Mommy, at kahit anong pag iyak ang gawin ko ay hinding hindi na siya babalik pa. Mommy's girl ako kaya hindi ko alam kung paano o saan ako magsisimula ngayong wala na ang aking pinakamamahal na ina. At the age of 27, hilig ko pa rin na maglambing kay Mommy sa tuwing nagpupunta ako sa bahay niya. I will miss my mom so much.

“Nakikiramay kami sa pagkawala ni Tita Carmela, Ellery.” Simpatya ni Lucia nang magtungo sila ni Cristine rito sa Chapel kung saan naka-lamay ang labi ng aking pumanaw na ina.

“Salamat.” Paos pa rin ang boses dahil sa magdamag kong pag iyak. Nakatakdang ilibing si Mommy sa susunod na araw sa isang exclusive and private Cemetery.

“Uminom ka muna ng tubig, baka ma-dehydrate ka,” wika ni Stephen nang iabot sa akin ang bottle of mineral water na binuksan na niya. Tinignan ko lamang ang mineral water na nasa harapan ko na hawak pa rin niya.”Sa tingin mo ba matutuwa si Tita Carmela na nakikita kang nagkakaganiyan? Hindi. Kaya h'wag ka sana panghinaan ng loob Ellery, malalagpasan mo rin ito.” Malumanay na wika ni Stephen saka kinuha ang kamay ko upang ipahawak sa akin ang bottle of mineral water.

“I agree with Stephen, Ellery. Baka magkasakit ka na dahil sa ginagawa mo. Hindi ka pa rin kumakain magmula nang madala rito sa Chapel si Tita Carmela,” ani Cristine.

“Wala akong gana.” Walang kabuhay-buhay kong saad. Wala talaga akong gana sa lahat ng bagay, pati na rin ang pagiging writer ko ay unti unti na rin na-a-apektuhan. Pinipilit ko na nga lang na makipag usap sa mga nakikiramay sa pagkamatay ni Mommy. Pero kung ako ang tatanungin, parang mas gusto ko na lang magmukmok sa silid ko at doon ay umiyak nang umiyak.

“Wala pa rin bang lead sa kung sino ang mastermind sa pagkamatay ni Mommy? Hindi pa rin ba siya nahuhuli?” seryoso kong tanong kay Stephen. Nangako kasi siya sa akin na tutulong siya upang mahuli ang kung sino man ang pumatay sa Mommy ko.

“Wala pa sa ngayon. But don't worry, hindi matatapos ang linggong ito at mahuhuli na ang pumatay kay Tita Carmela. Mabibigyan din ng hustisya ang pagkamatay niya.” Paninigurado ni Stephen kaya tumango lamang ako at muling ibinaling ang aking mata sa malaking picture frame ni Mommy kung saan masaya siyang nakangiti sa larawan. Ang kaniyang ngiti na kailanman ay hinding hindi ko na masisilayan.“Kaya sige na, kumain at uminom ka na ng tubig. H'wag mong hayaan na magkasakit ka, dahil hindi rin 'yon magugustuhan ni Tita Carmela.” Patuloy pa ni Stephen.

Few days later...

Nailibing na si Mommy, ngunit hanggang sa mailibing siya ay hindi ko man lang nakita na sumilip si Daddy sa burol ni Mommy kahit na nakauwi na siya rito sa Pilipinas matapos ang business trip sa ibang bansa. Pinapakita lang niya na wala man lang siyang pakialam sa pagkamatay ni Mommy. Magtataka pa ba ako? Nagawa nga niyang makipag divorce kay Mommy at sumama sa ibang babae. Hindi niya man lang naisip kami nila Clarett at Marga kung ano ang mararamdaman namin.

Magmula rin nang mamatay si Mommy ay hindi ko pa nakakausap at nakikita si Jefferson. Mas okay na 'yung gano'n, dahil masama pa rin naman ang loob ko sa kaniya. Nagpalit na rin ako ng numero upang hindi na niya ako ma-contact pa. Hindi ko pa siya kayang makita sa ngayon, hindi ko pa kayang pakinggan ang kasinungalingan niya.

Gusto ko i-relax ang isipan ko kaya naisip kong lumabas muna ng Mansion. Magmula nang mailibing si Mommy ay nakakulong lamang ako sa kwarto ko dahil ayaw kong makipag usap sa kahit na sino. Nadatnan ko na nag a-almusal sila Daddy sa dining kasama ang mga kapatid ko na sila Clarett at Marga, wala na naman si Lucille. Kung sabagay, kahit nandito 'yon ay hindi pa rin niya maaatim na makasabay sa pagkain ang Daddy.

“Ellery, gising ka na pala. Mag almusal ka na,” ani Dad nang makita niya akong bumaba ng hagdan.

“No thanks Dad, sa labas na lang ako kakain. Sige, maiwan ko na ang pagkain niyo.” Walang emosiyon na wika ko at agad nang lumabas ng Mansion.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Where stories live. Discover now