CHAPTER 28

32 2 2
                                    

ELLERY POV

Masiyadong mabilis ang pangyayari. Kanina lamang nang tutukan ko si Stephen ng baril sa noo niya ngayon ay nakadapa na ako sa kaniya matapos kapwa kami mawalan ng balanse at bumagsak sa malamig na semento—siya lang pala dahil sa ibabaw niya ako.

Shit! Magkalapat ang labi namin dalawa.

Inipon ko ang aking lakas at mabilis na tumayo mula sa pagkakaibabaw kay Stephen. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko at alam ko namumula na ito ngayon dahil sa labis na kahihiyan.

But in fairness, his lips is so soft. Gosh!! Ano ba 'yang iniisip mo Ellery!

“S-Sorry.” Nakayukong saad ko nang makatayo na ako. Hindi ko kayang tignan siya sa mga mata niya. Nahihiya pa rin ako. Napansin ko na tumayo na rin siya at inayos ang kaniyang sarili.“Can I go home now?”

“Ihahatid na kita,” aniya saka pinulot ang baril na hinagis niya kanina. Isinuksok niya 'to sa kaniyang tagiliran at nang tumingin siya sa akin ay mabilis akong nag iwas ng tingin.“Pa-kiss nga ulit,” aniya. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya alam kong nakangisi siya sa akin. Magaling talaga sa pang iinis ang lalakeng 'to. Kung hindi ko lang siya matalik na kaibigan, baka nasapak ko na 'to.

“Stop teasing me. That was an accident, Stephen.” Paglilinaw ko. Totoo naman, that was an accident. Hindi sinasadya na naglapat ang mga labi namin kanina. That was a f*cking accident.

“I love you, Baby,” aniya matapos ako kindatan. Halos dumaloy naman ang mataas na boltahe ng kuryente sa aking buong katawan dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko napansin na nakatitig lang pala ako sa kaniya ngayon at halos hindi makakilos.“Baby, are you okay?”

“Stop calling me Baby, Stephen. Hindi nakakatuwa.” Inis na saad ko. But deep inside, nakakaramdam ako ng kilig pero siyempre ayaw ko ipahalata 'yon sa kaniya.

Naglakad na ako at sinadya ko na lagpasan siya nang hawakan niya ako sa kamay ko at marahan na hilahin palapit sa kaniya. Naramdaman ko na lamang ang muling paglalapat ng mga labi namin dalawa. Unti unti na akong napapikit nang tumugon ako sa kaniyang halik.

Ngunit nang maramdam ko na tila may paparating mabilis akong dumistansiya sa kaniya.

“O, nandito pa pala kayo Agent Stephen and Ellery. Akala ko nakaalis na kayo,” ani Ms. Chantria Yvonne Cuevas—Monterios ang bubbly agent ng CHIA.

Ipinakilala na siya sa akin ni Stephen noong nakaraang araw. Nag background check din ako kay Ms. Chantria, and I found out that she used to be ‘tindera sa palengke’ before siya maging secret agent sa CHIA dahil nakitaan siya ng potential ni Ms. Cresel na dating may mataas na position dito sa CHIA. Also, Ms. Chantria is now a loving wife of former Mafia Boss—Deacon Monterios na sa pagkakaalam ko ay undercover agent na rin ng CHIA.

“G-Good Day po, Ms. Chantria. Paalis na rin po kami.” Nakangiting saad ko.

“Gano'n ba? Mabuti pala at naabutan ko pa kayo. Gusto ko kasi sana kayo yayain na sumabay sa akin na kumain ng lunch,” ani Ms. Chantria.

“N-Nakakahiya naman p—”

“Sure Agent Chantria, kanina pa kasi nagre-reklamo 'tong si Ellery na gutom na raw siya.” Mabilis kong siniko si Stephen matapos niyang sabihin 'yon dahil wala naman akong sinasabi na gutom na ako. Napatingin ako kay Ms. Chantria na nakangisi sa amin. Nasa 30's na siya at may tatlong anak na rin pero hindi 'yon halata sa kaniya, she's still look young and gorgeous.

“Then that's good. Shall we?” aniya at nauna na naglakad palayo. Susunod na rin sana ako nang muli na naman ako hawakan ni Stephen sa kamay ko dahilan upang mapatigil ako at tignan siya ng seryoso. Gosh! I forgot we kissed nga pala kanina.

“What?” seryosong tanong ko na tila hindi alintana kung ano ang nangyari kanina.

“Your lips taste like strawberry. I will surely love to kiss you again and again.” Nakangising wika nito dahilan upang mag init ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya at kilig.“And just to remind you Ms. Ellery Catalina Samonte. You're my girlfriend now. Sorry kung nauna na maging girlfriend kita bago ang ligawan stage, mas gusto ko kasi na ligawan ka araw-araw kahit na girlfriend na kita.” Patuloy nito dahilan upang mas lalong magwala ang puso ko.

“Stephen..”

“You're now officially my Baby. I love you.”

I love you too

SUMMER POV

Hindi na natuloy ang pag alis ko dahil bukod sa nagkabalikan na kami ulit ni Jefferson, nalaman ko rin na buhay na buhay si Ellery. Hindi totoo ang pagkamatay niya at maaaring media play lamang iyon ng mga Samonte. Tanga niya, dahil mas lalo lamang niya ipinaubaya sa akin si Jefferson. I shouldn't be afraid. Kahit na buhay siya, Jefferson is already mine. Mine alone, at hinding hindi ako papayag na makuha niya muli sa akin ang lalakeng mahal ko.

“Look bothered huh.” Awtomatiko akong napalingon matapos na marinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae. Sarah, the feeling entitled girl bestfriend of my boyfriend.

“Why would I?” sarkastikong wika ko. Habang patuloy lamang sa paglalagay ng can goods sa cart ko. Nandito kasi ako ngayon sa department store upang mag grocery ng ilang stocks namin sa bahay. Medyo paubos na rin kasi.

“At talagang in denial ka pa sa lagay na 'yan.” Talagang inuubos ng babaeng 'to ang pasensiya ko. Pasalamat siya nasa public place kami, dahil kung hindi baka naingudngod ko na siya sa pader.

“Pasensiya ka na, pero wala ako sa mood makipag talo sa mga tu—”

“Nabanggit sa akin ni Jefferson last day na nagkita pala sila sa may entrance ng Flower Farm, malakas daw ang kutob niya na si Ellery ang babaeng iyon. Hala ka Summer, paano kung magkabalikan sila? Paano kung may feelings pa sila sa isa't isa? Kasi 'di ba? Wala naman silang official break up? Paano ka girl? Overthink ka na malala.” Pang uuyam pa nito sa akin. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng cart habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Kunti na lang masasapak ko na ang babaeng 'to. Kunti na lang talaga.“H'wag ka mainis sa akin, Summer. Sinasabi ko lang naman 'yung totoo. Si Ellery nga na girlfriend ni Jefferson for almost five years nagawa niyang ipagpalit ng walang kahirap-hirap. Ikaw pa kaya na first love kuno niya?” Pahabol pa nito bago ako tuluyan talikuran.

May araw ka rin sa akin babae ka.

Tinapos ko nang mabilis ang pag go-grocery ko upang makauwi na rin ako agad. Pagdating sa bahay ay hindi na ako nag abala na ayusin pa ang mga pinamili ko at agad na dumiretso na sa bahay nila Jefferson, ngunit wala siya roon at tanging ang kapatid lang niya na si Jayson ang nasa bahay nila. Nasa trabaho pa raw ito.

I may look so desperate pero gusto ko lang masiguro na hindi maaagaw sa akin si Jefferson kaya agad na akong umalis matapos kong magpaalam kay Jayson upang magtungo sa trabaho ni Jefferson. Buhay si Ellery, hindi siya totoong patay. Kaya malaki ang posibilidad na makipag kita sa kaniya si Jefferson, iyon ang hindi ko hahayaan na mangyari.

He's mine. He's mine alone.

ELLERY SAMONTE | Samonte Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon