Prologue

4K 130 60
                                    


Umiiyak ang prinsesa habang nakatingin ito sa lawa. She was hated by her own brothers and friends.

Dati ay siya ang mahal ng mga ito. Her brothers treasures her. Her friends loves her. Not until her parents decided to adopt someone, Kaye.

All the attention and love that was supposed to be her was given to Kaye, at dahil doon ay nagsimula siyang magrebelde at ibahin ang sarili niya.

Mahal niya ang Prinsipe ng Ignis Kingdom kaya naman ay ginawa niya ang lahat para mapansin siya nito. She even turned herself into slut. She did everything para mapansin siya, pero ang gusto nito ay ang ampon ng parents niya.

Maging ang mga kapatid at kaibigan nito ay umayaw na sa kanya. Hanggang sa isang araw ay nakaisip ang prinsesa ng plano upang mawala sa landas niya si Kaye, she locked her up in a room, and then fire it up.

Nailigtas si Kaye. Galit na galit ang prinsipe ng Ignis Kingdom, maging ang mga kuya at kaibigan niya. They loathed her. Sinaktan at pinagbuhatan siya ng kamay ng mga ito. Awang awa na siya sa sarili niya.

Then she ran away from them. Umiyak siya sa lawa at saksi ang kadiliman sa sakit at poot na nararamdaman niya.

“Nagmahal lang naman ako. I just want their love and attention, pero bakit ganito?” umiiyak na sambit nito.

Parang nadudurog ang puso ng prinsesa. Gusto na lamang niyang matapos ang sakit na nararamdaman. Pinunasan nito ang luha niya at malungkot na ngumiti. Humakbang ito sa lawa at nakita ang maganda ngunit malungkot na repleksyon niya.

Right now, all she wants to do is to end her sufferings.

Bago pa man siya makatalon sa lawa ay may boses na nagsalita.

“Do you want to end your sufferings?”

Litong lito ang prinsesa. Tumingin siya sa paligid ngunit wala siyang nakitang kung sino man.

“Sino ka? Lumabas ka!” kinakabahan man ngunit nagawang iusal ng prinsesa ang salitang iyon.

The darkness is rejoicing.

“I can help you. Kaya kong alisin ang sakit na nararamdaman mo” tusong wika ng kadiliman.

Natigilan ang prinsesa. Nagtatalo ang isip at puso niya. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi sa boses na naririnig niya.

“Ayaw mo bang maghiganti? Ang mga kapatid mo, ang mga kaibigan mo, ang lalaking mahal mo ay inagaw ng kapatid mo at nagawa ka nilang saktan. Ayaw mo bang gumanti?”

Muling dumaloy ang luha sa mga mata ng prinsesa nang muling maalala ang sinapit nito. Ramdam na ramdam ng kadiliman ang poot at galit sa puso ng dalaga.

Napayukom ng kamay ang prinsesa. Hindi siya papayag na hindi siya makaganti sa ginawa nila sa kanya.

“Gusto kong gumanti. Tulungan mo ako” desperado at nagsusumamong wika ng dalaga. The darkness rejoiced.

“Good decision. Now, come near me Princess. Come near the darkness”

Wala sa sariling naglakad ang prinsesa sa kadiliman. Her mind is clouded with revenge.

“Hindi ka magsisisi sa desisyon mo prinsesa. May kapalit ang pagtulong ko, ngunit ito'y mababaw lamang. Huwag kang mag-alala, makakaganti ka” muling wika ng kadiliman. Bago pa man makapagsalita ang prinsesa ay pumalibot na kanya ang itim na usok.

Unti unting sumikip ang dibdib niya, ang puso niya ay parang pinipiga. She shouted in pain.

Pumasok ang usok sa katawan ng dalaga at pinuntirya ang puso at isipan nito.

No Longer A VillainessWhere stories live. Discover now