66

6 1 0
                                    

“What is up, Hellapig?”

A gloomy morning has came. It’s Thursday, busangot na mukha ni Gariel ang siyang bumungad sa akin sa hallway.

“I thought we’re gonna visit your crazy ex-friend?” he asked. Nakita ko pang sinusuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang daliri niya. “Akala ko ba bibisitahin natin si Mazon. Why did you come home so early yesterday?”

Pumayag si Havier na pumasok ako ngayon, tutal huling linggo na ito bago tuluyang mag-christmas vacation.

After nito, focus na ako sa pagpapagamot ko. Pinagpa-planuhan pa ni Havier kung sa Japan ako magpapagamot o dito na lang sa Pilipinas.

“Are you alright?”

I didn’t bother to say anything. Hinarangan ako ni Gariel sa paglalakad at hinawakan ang braso ko kaya napahinto ako. I glanced at him.

“Bakit, Gariel?”

He stared at me. Sinusuri ang kabuuan ko, nakipaglabanan naman ako ng tingin.

“Is there something bothering you?”

“Wala naman…”

“Wala ka sa sarili mo. Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka kumikibo.”

“Tampo ka na agad, brad?” pagak akong natawa nang irapan niya ako. “May iniisip lang…”

“What are you thinking then?”

Bumuntong hininga ako. “Hindi naman mahalaga iyon.”

“I don’t care if it's important or not. Gusto kong malaman kung ano iniisip mo.”

He’s worried. Nababasa ko iyon sa mga mata niya kahit nakabusangot pa siya, kitang-kita ko iyon.

Mahina akong natawa. “Iniisip ko kung may tindang burger mamaya sa Cafeteria.”

Napanganga siya. “What?”

“Burger ‘ka ko. Sana hindi ako maubusan mamaya.”

“You crazy, Hellapig. Just tell me if you want that all burger and I won’t hesitate to buy those!”

“Gagawin mo ‘yon?”

“Yup!” he said. “Just to stop you thinking about those petty things!”

Sumimangot ako. Kapag sinabi niya, gagawin niya talaga.

“Hindi naman masarap ang burger d’yan. Masarap doon sa Burger King!”

“No, McDo burger!”

“Burger King!”

“McDo burger!”

“Manipis ang patty ng Mcdo! Halatang tinitipid!” untag ko. “Burger King ang the best!”

He scrunched his nose. May binubulong pa siya pero hindi ko na pinansin pa. Napahalakhak ako at saka tinapik ang balikat niya.

“Magkita na lang tayo mamaya!”

Nagmadali na akong lumakad palayo sa kaniya at tinungo na ang fourth floor.

As usual, mas maagang dumating si Jahm at Jorja. Batay sa tingin nila, masasabi kong marami silang gustong itanong.

“Rosane…” si Jahm.

“Forget what I told you yesterday.”

“Luka,” ani Jorja. “Luka-luka ka talaga! Akala mo ba gano’n kadaling kalimutan ‘yon?”

“I’m okay, don't worry about me.”

I gave them an assuring smile, pero hindi pa rin sila kumbinsido. Jorja rolled her freaking eyes on me. Nagbaba naman ng tingin si Jahm.

MADNESS IN LIFEМесто, где живут истории. Откройте их для себя