59

4 2 0
                                    

“Rosane, I saved you a seat.” 

Nakasalubong ko si Ariess sa bukana ng Conference Hall. Nasa pinakadulong bahagi ang section namin. Nang tinuro ni Ariess ang upuan, umupo kaagad ako dahil nakaramdam ako ng pagkangawit. 

“Tungkol saan ang meeting?” nasa sentro ang aking paningin. 

“About an acquaintance party.” 

I raised my brow. “Meron pala no'n?” 

“Only for grade 10, 11 and 12.” 

May kumalabit sa akin kaya napalingon ako sa likod ko. It was Arion. Balak ko sana siyang ngitian pero nahagip ng paningin ko si Ohne sa likuran niya at ang ibang student council officers. 

Ohne looked okay now. May iilang sugat at pasa na lang sa mukha niya. Nagbaba ako ng tingin. Naroon at sinisisi ko ang sarili dahil sa nangyari. 

“What's up, Ate?” si Arion. 

“Humihinga pa rin naman, ikaw?” 

“I'm doing well,” sabay tawa niya. “Did you see our new SC Secretary?” 

“Hindi.” 

“She's Amanda Veltra, from grade 10 Loyalty.”

Tumango na lang ako kahit pa hindi ako interesado sa sinasabi niya. Tinuro niya pa iyon pero hindi ko na nasundan pa ng tingin dahil bigla may nagsalita sa harap. 

Bumalik ang paningin ko sa harapan. Nagkunyari lang akong nakikinig pero ang isip ko ay lumilipad na kung saan. Sa kalagitnaan ng pagdi-discuss nila, bigla kong naramdamang nag-vibrate ang cellphone ko. 

A new cellphone. Hindi na makita 'yung nakaraang cellphone na tinapon sa basurahan. Lintik na killer! Napagastos pa tuloy ako ng panibago! 

Unknown Number: 
Kumusta? Maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon? P'wede na ba ulit kitang guluhin? I got your new number. Isn't it amazing? 

Bahagya akong natigilan. Pa-simple akong lumingon-lingon sa paligid ko. Wala naman akong napansin na kakaiba. Lahat sila ay tutok sa pakikinig. 

Muling nag-vibrate ang cellphone ko. 

Unknown Number: 
Trying to see me? Sabihin mo lang kung gusto mo akong makilala. Magpapakita naman ako sa iyo. 

Nilibot ang paningin sa kabuuan ng Hall. Nagbabakasali akong makita kung sino ang hinayupak na ito. 

Nahagip ng mga mata ko si Syrone, nasa tabi siya ni Mrs. Alegre. Siya ang nag-aassist sa powerpoint at monitor habang nagsasalita ang isang teacher. Pansin kong nakatingin ito sa hawak niyang cellphone. 

My heart beat so fast. What the hell? 

Bakit ganito ang nararamdaman ko? 

Si Syrone ba ang killer? 

Si Syrone ba ang stalker ko? 

I sighed. Palihim akong nagtipa ng mensahe. 

Ako: 
Ptngnm. 

Kasabay ng pag-send ko siyang namang muli kong pagtingin kay Syrone. 

I frozed. 

Bigla siyang napangisi. Nakita kong muli siyang nagtipa sa cellphone niya. Muli na namang nag-vibrate ang cellphone ko. 

Unknown Number: 
What's with those acronyms? 

Hindi ako nagreply sa kaniya. Tinago ko na ang cellphone ko habang na kay Syrone pa rin ang paningin. 

Nakita kong binulsa niya ang cellphone niya at muling tumutok sa laptop at powerpoint. Napabuntong hininga ako. Dapat ko ba siyang paghinalaan? 

“Ayos ka lang ba, Rosane? Bakit parang naghahabol ka ng hininga?” 

MADNESS IN LIFEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن