57

10 2 0
                                    


“Hi, Gabrielle!”

Maingat kong binaba ang dala kong basket at isang kumpol ng bulaklak sa tabi ng lapida niya. Kumuha ako ng tissue sa bag para alisin ang iilang alikabok sa lapida niya.

“Seventeen na ako, oh!” pinilit kong ngumiti sa sa harapan niya. “Isang taon na lang nasa legal age na ako! Yuhoo!”

Matapos kong punasan ang lapida, nagsanitizer ako at saka isa-isang nilabas ang mga dala kong pagkain.

“Nagdala ako ng paborito mong ice cream at cake. Huwag ka d’yan, binili ko ‘to sa pinagkakatiwalaan mong Patisserie Boulangerie!” I let out a small laugh. “S’yempre, hindi mawawala ang paborito mong palabok!”

Lumakas ang ihip ng hangin kaya mas lalo akong napangiti.

“Nakalimutan ko pa lang magdala ng sapin. Hayaan mo na nga, matatanggal din naman ang alikabok sa suot kong jeans!”

Nagdala talaga ako ng dalawang plato at kutsara. Pinaghain ko siya at inisip na nandito siya sa harapan ko.

“Alam mo ba ang daming nangyari sa school... Katulad na lang ng pagsurprise ng mga kaklase natin sa akin. They gave me a cake. Tapos may natanggap akong bulaklak galing sa lalaking demonyo at talagang puting rosas pa! Ang kapal talaga ng mukha niya!”

I rolled my eyes.

“Konting tiis na lang, Gab. Makakamit ko na rin ang hustisya, pasensya na kung hanggang ngayon pa rin hindi ko mahanap ang demonyong iyon. Hayaan mo, kapag nahuli ko siya, ako mismo ang magpapadanas sa kaniya ng impyerno!”

Nagsimula akong sumubo at nginuya nang nginuya iyon ng mabuti.

“Alam ko, hindi ka matutuwa sa ibabalita ko pero gusto kong sabihin sa 'yong may boyfriend na ako,” usal ko. I swallowed hard. “ Alam ko, magagalit ka. Siguro kung nandito ka, nakatikim na ako ng batok. Nagdesisyon na naman ako nang hindi nag-iisip. Ang gusto mo kasi ‘di bang makatanggap ng matamis kong oo ay iyung totoong deserving at aalagaan ako ng tama. Ang gusto mo pa, kung sino man ang magiging first boyfriend ko, siya na rin ang mamahalin ko habang buhay. Pasensya na, nagkamali na naman ako. Pumasok na naman ako sa gulo at hindi ko alam kung paano ko malulusutan 'to. Pero huwag kang mag-aalala. Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako maka-hindi kay Syrone. Mabait kasi siya, matalino, may paninindigan din sa mga bawat salita niya. Alam mo, sa paningin ko ay isa siyang perpektong tao ngunit hindi siya nababagay sa akin. Tama ba ang ginawa ko?”

Mapait akong mapangiti. Uminom ako ng tubig ng makaramdam ng uhaw.

“Iyung kakambal mo, galit na naman sa akin. Kasalanan ko rin, kung hindi ako umalis nung nakaraan, hindi ma-i-stress si Tita Ginnie. Tapos si Ohne, hanggang ngayon nakakatanggap pa rin ng death threats. Dahil na naman sakin… Hindi ko na nga siya kayang lapitan at kausapin… P-Puno ng kahihiyan ang nararamdaman ko. Ang hirap lang din kasi baka lalong lumala ang lahat… Hindi ko na alam ang gagawin ko… N-Naliligaw na ako ng landas, G-Gabrielle…”

Napahinto ako sa pagnguya nang makaramdam ng kakaiba. Tahimik ang buong paligid at tanging ako lamang ang tao rito.

Napayuko ako. Hindi na ako muling nagsalita pa at pinakiramdaman ko ang paligid habang kumakain ng tahimik.

Sinarili ko na lang ang lahat ng gusto kong sabihin kay Gabrielle. Dinama ako ang malamig na hangin na siyang humahaplos sa aking balat. Nakatingin lamang ako sa kalangitan.

My mind still talks to you and my heart still looks for you. But my soul knows you're at peace, Gabrielle…

Inabala ko ang aking sarili sa pag-iisip ng malalim kahit pa may nararamdaman akong kakaiba sa paligid. Wala akong paki. Saksakin man nila ako patalikod, bahala na sila. At least, mamamatay ako sa puntod mismo ng kaibigan ko.

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now