43. Her eyes

15.6K 1K 254
                                    

Sabay-sabay kaming napaawang ang mga bibig at napakurap-kurap ang mga mata sa nangyari.

Kita ko ang paglingon sa pwesto namin ni Nyx na nakakunot ang noo, nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata.

I looked at Hemera, dumbfounded. Teka, bakit ako?

"I want you to control my eyes, miss?"

Mabilis akong natauhan nang muling nagsalita si Hemera. Napalunok ako nang malalim bago sumagot.

"Persephone. You can call me Erks-"

"Miss Persephone," pagputol niya sa akin. "I want you to control my eyes, miss Persephone."

She flashed a smile, standing with an elegant posture.

Walang makagawang maka-angal o magtanong ng dahilan. Kahit bakas sa mga mukha nina Chain na nabigla sila sa desisyon ng kasama nila ay hindi man lang maka-react man lang.

"S-Sister, hindi pa niya-"

"I won't let anyone else control my eyes," pagputol ni Hemera sa kapatid.

Mariin na napakagat sa ibabang labi si Nyx bago pasimpleng napaismid. Ilang segundo rin siya natahimik bago malalim siyang bumuntong-hininga.

Umalis siya sa pwesto niya at dinaanan ang kakambal niyang nakaharap sa amin. Natagpuan ko na lang siya tapat ko

Unti-unting umangat ang tingin ko sa kaniya bago dahan-dahan niyang imulat ang kaniyang mga mata. Walang buhay ang mga mata ni Nyx na nakatingin sa akin.

Naramdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Mabigat ang tensyon sa pagitan namin ng kaharap ko.

Hinanda ko na ang sarili ko sa ano mang mangyayari pero natigilan ako nang iyuko ni Nyx ang ulo niya.

My eyes slowly widened in disbelief when he bowed his head.

"Please take care of my sister's eyes."

Natulala ako sa nangyari at hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa lalaking nasa harapan ko.

Teka lang! Bakit ako?!

Akmang ibubuka ko pa lang ang bibig ko para umangal nang makaramdam ako ng paghawak sa balikat ko. Agad akong napatingin kay Chain na seryosong nakaharap sa akin, pati na rin sina Drine at Kris.

"There's nothing we can really do about it," ani Chain.

He heaved a sigh. "Ang Glutton ang gumawa ng seal na 'yon sa mga mata niya. Hindi niya magagawang buksan ang mga 'to kung suot-suot niya 'yan."

"At ang taong magtatanggal lang n'on na may pahintulot ni Hemera, ang may kakayahang kontrolin ang mga mata niya."

Seryosong nalipat ang tingin niya sa babaeng naghihintay sa tapat namin. Nanatiling nakakurba ang labi ni Hemera sa isang ngiti at hinihintay ang pagtanggal ko ng takip sa mga mata niya.

"Just. . . don't let her open her eyes, not until if it's necessary, kitten. Wala kang dapat ikabahala," muling sambit ni Chain.

Napalunok ako nang malalim bago mapunta rin ang tingin ko kay Hemera. Tanging ang pagkagat lang sa ibabang labi ang nagawa ko bago magsimulang humakbang papalapit sa kaniya.

Huminga ako nang malalim. Kung ako ang gusto niya, sino ba 'ko para tumanggi?

If her gift is really that strong, then we'll need her. We'll need her eyes

Huminto ako sa tapat ni Hemera. Naramdaman ko ang pagdikit ng paghampas ng hangin sa balat ko. Nasa likuran lang niya ang nakabukas na balcony na kitang-kita ang dalawang bilog na bilog na buwan.

Ngayong nasa tapat ko siya at kitang-kita ko siya nang malapitan, mas nakikita ko ang itsura niya. She really looks like a princess. From her appearance to her elegant posture.

A princess sleeping on a tower. . . not waiting for a prince to kiss her, but someone who will control her eyes.

Hinanda ko ang sarili ko.

"I'll take it off now," pagpapaalam ko.

Dahan-dahan kong inilapit ang mga kamay ko sa telang nakatakip sa mga mata niya. Unti-unti kong tinanggal ang pagkakabuhol sa likod at tuluyang inalis ito sa mga mata niya.

It felt like time slowed down. For the second time, I was stunned.

Napakurap-kurap ako at natulala nang tanggalin ko ang tela. Inalis ko na ang nakatakip sa mga mata niya, pero hindi nawala ang mga simbolo.

She have a perfect eyebrows and long lashes. Mas lalong nagpaganda ang mga gintong simbolong naka lagay sa sintodo niya hanggang sa talukap ng mga mata niya.

It's beautiful. . . what more if-

"If I open my eyes."

Bumalik ako sa katinuan at natigilan ako sa pagkatutulala nang makarinig ako ng pagbulong sa harapan ko. Hemera flashed a smile.

"My eyes are beautiful even if they're close, isn't?" muling sambit niya.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at napaatras ako nang kaunti.

"They're beautiful. . . pero ang makikita nila, hindi." She chuckled. "Everything that I see. . . will be a tragedy."

Napatikom ako ng bibig at hindi ako nakasagot. Mariin akong napakagat sa ibabang labi bago lakas loob na umangat ang tingin sa kaniya

"Bakit ako? Ako ang pinili mo?" tanong ko.

Lumawak ang ngiti ni Hemera sa labi bago humakbang papalapit sa akin. Hindi ako nakagalaw nang lumapit siya sa tenga ko.

"I would normally choose my brother. . . but you immediately caught my attention," natatawang sambit niya.

Mas lalo siyang lumapit sa tenga ko at humina ang pagkakabulong niya.

"I lied."

Natigilan ako sa narinig. Kasunod nito ay ang pagkunot ko at naguguluhan akong napaharap sa kaniya.

"Anong-"

"There are four people who entered. . . but only three of them clapped," pagputol niya.

Naramdaman ko ang pagsitayuan ng mga balahibo ko sa katawan sa sinunod niyang sinabi. Just like the time when Nyx whispered something to me for the first time, I felt the chills down my spine.

"There are actually four people who entered. . ."

"And five clapped."



Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now