58. Trust me

15.6K 902 104
                                    

There are thousands of gifteds at the shore, trapping us. Wala akong nakikitang daan para makatakas, mula sa pangpang hanggang sa lagusan na pinaggalingan namin. Lahat, may nakaharang.

Mabigat ang tensyon at mga naghahalo-halong mga presensya sa kanila. Maybe half of them or more, are strong enough to compete with one of us, one in one.

"Mukhang hanggang dito na nga lang. . ." seryosong sambit ni Acel. Seryoso at walang buhay ang mga mata niya at malayo ang tingin sa mga nakaabang sa amin.

"HAHAHAHA!" Joker smirked. "According to my calculations, there are 98.777% chance that we're going to die." Biglang napunta ang tingin niya sa akin. "The remaining 1.333% is only if. . . only if you use the commandment-"

"Woi, 1.333% is a 133% chance for me," kumento ni Chain.

Pagngisi ang sinagot sa kaniya ni Selene. "Oh well, just make sure I'll live. I still need to see someone," sagot niya. "But if you're going to ask for my opinion, you all look like an ant, preparing for a war with wolves."

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Hindi ko matatangging tama siya. Nalipat ang tingin ko sa napakaraming gifted sa pangpang. Kahit na sabihing malalakas ang mga gift ng mga kasama ko, masyadong marami ang libo para maniwala sa kasabihang mas mahalaga ang lakas kaysa sa bilang.

We really look like nothing but an ant-

"Nah, I don't like the color of ants. I rather be a bee," walang ganang sambit ni Drine.

"Hehe, a beetle looks strong too," dagdag ni Kris.

"If you're going to talk about that, I recommend spiders," pagsali pa ni Acel.

I looked at them, dumbfounded. Hindi nila naiintindihan ang pinupunto ng Joker-

"Anong masama sa pagiging langgam? If I can touch and bite kitten's-"

"Shut the fuck up, sadist," pagputol ko sa sasabihin niya. I can't believe that they still have the guts to joke right now.

"Still, even if the chances are low, we still need to get out of here," seryosong pag-iiba ni Nyx. "Si Red na ang nagdala sa atin dito, tayo na ang gumawa ng paraan para makaalis. Make sure to clear a path for him," seryosong sambit niya.

Kusang nagbago ang ihip ng hangin nang seryosong magsalita ang guild's master. In a snap, everyone became serious.

"Drine, go find another way out. Make sure you won't get caught," kalmado pero ma-awtoridad na sambit ni Nyx.

The pride didn't wasted a second. Nang ikurap ko ang mga mata ko, nawala na siya sa paningin ko.

"Kris, I'm giving you the job in making sure that the Joker will at least, still breathing when we escape. Acel, support them," sunod na sambit ng Guild's Master.

"HAHAHAHA, make sure that I will live, brats!" nakangising sambit ni Selene. Pareho kaming nabigla ni Kris nang maglabas ng isang baril ang Joker sa bulsa at hinagis ito sa kaniya. "I'm giving you the honor to use my newest invention!" natatawang dagdag niya.

It's a gun made of gold with a clock. Parang katulad ito nang ginamit noon ni Nyx sa akin at ang ginamit ni Andina, ang pinagkaiba nga lang, may silver na kadena ito na nakaikot sa gatilyo.

"Chain. . ." Napunta ang tingin ni Nyx sa aming dalawa ng sadistang katabi ko. "You know what you have to do."

Kunot noo akong tumingin sa kaniya. "I don't need protection," mariin at may tonong giit ko.

Nyx didn't mind me and Chain just chuckled. "I know that, kitten." Natigilan ako nang ituro niya ang bagay na nasa leeg niya. The collar that I made, just for him.

He flashed his iconic smirk. "Just think of it like, a pet. . . being loyal to his owner." He licked his canine tooth.

Tanging pag-ismid ang sinagot ko sa sinabi niya.

"I'll make a way, sa likod lang-"

Hindi naituloy ni Nyx ang sasabihin niya nang kusang umiwas ang katawan niya sa pagputok ng baril kasabay ng balang muntikan ng tumama sa kaniya.

Pare-pareho kaming napatingin sa direksyon kung saan ito nanggaling, ang pwesto ni Andina at ng Agila. Nanggagalaiti si Andina na nakatingin sa amin at nasa harap niya ang Agila na may hawak na kakaibang sniper. It's also made of gold with a clock.

"Lintik na mga bata, hindi ako pinapansin." Pilit na ngumisi ang parang nasisiraan na babaeng kaharap namin. "Anong sinasabi mo, Guild's master? Hindi kita hahayaan na makaalis sa pwesto mong gago ka," mariin at may tonong sambit niya.

Walang buhay ang mga mata ni Nyx na nakatingin sa kaniya. Walang bakas man lang ng takot o kaba.

"Nyx, your gift will be at disadvantage with-"

"Fine," pagputol ni Nyx sa sasabihin ni Kris. "Change of plans, you'll move forward, I'll follow."

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Andina sa narinig nang malipat ang tingin niya sa babaeng walang malay at buhat-buhat ni Nyx.

"Masyado mo ata kaming minamaliit, magsisisi ka kung kakalabanin mo kami ng may pabigat."

Kita ko ang pagbago ng ekspresyon ni Nyx sa narinig. I felt it, the sudden pressure. "I hate it when people like you make mistakes, as a child of God, I should punish you."

Naglaho ang ngisi ni Andina sa narinig. Pare-pareho naming naramdaman ang paggalaw ng lupang tinatapakan namin.

"Prayer."

Unti-unting bumitak ang lupa na malapit kay Nyx. Dahan-dahan, lumabas ang matutulis na sungay nito, ang katawan nitong mala-tao pero ang ulo ay mula sa toro.

The Minotaur.

"Tsk, Fangs!" Kris shouted. Kasunod ng pagbanggit niya ng pangalan ay ang pagkarinig namin ng malakas na pag-ungol.

Sumulpot sa tabi niya ang isang napakalaking klase ng pusatigre na may matatalas at malalaking pangil. Saber-toothed tigers.

Agad na sinakay ni Kris si Selene rito at hindi nag-aksaya ng oras na sumakay rin. Tinapunan niya muna kami ng tingin ni Chain.

"See you at the bridge, Greed."

Hindi niya man lang hinintay na makasagot si Chain at nauna na silang dalawa. Kinasa ni Kris ang hawak-hawak na baril habang seryosong nakasakay. Kita ko rin ang pagsulyap sa amin ni Acel bago magbago ang mga mata at sumunod kina Kris.

Kita ang pagkurba ng labi ni Chain sa isang ngisi. "Aww, too bad, I can't use my familiar here," natatawang aniya bago ako tapunan ng tingin.

"It looks like it's just you and me." He flashed a smirk. "Well, I can't let you die. . . if I'm not the one who's going to kill you, of course."

His eyes changed. Hindi na rin nag-aksaya ng oras si Chain at agad na umikot ang kamay niya sa bewang ko. Lumabas ang dugo ni Chain at unti-unti itong namuo bilang mga pakpak.

"I'm going to take you out of here, no matter what, kit-ten." He winked at me.

"So trust me," pahabol ni Chain bago bumwelo sa paglipad papunta sa pangpang na napupuno ng mga kalaban, buhat-buhat ako.


Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now